CHAPTER ONE

8.3K 149 1
                                    

CHAPTER ONE

"COUZ, please, pumayag ka na," nagmamakaawang sabi ng pinsan niyang si Jake.

Matamang nag isip si Yhen sa ipinapakiusap ng pinsan.

Nasa office sila noon ni Jake. Bigla na lang siya nitong tinawagan at pinapunta sa office nito.

"Yhen, napakahirap ba nun?" pangungunsensya nito. "Wala ka pa naman sigurong boyfriend ngayon dahil kadadating

mo lang from New York."

One week pa lamang siya sa Pilipinas. Nasa New York ang trabaho niya bilang model-designer doon.

"Yeah. Tama ka. Wala pa nga akong boyfriend dito. Pero baka naman lalo sa'yong mawala ang Cheryl na ito, Jake."

"Hindi ko naman paaabutin sa ganoon eh. I just want to see her jealous para may katibayan na akong mahal na niya

ako."

Napailing-iling siya. Minsan talaga ay baluktot ang utak ng pinsan.

"Mahal mo ba talaga ang Cheryl na ito?"

"Yes. I love her. I want her to be mine. Ewan ko ba. Karma ko na yata ito sa paglalaro ko dati sa love. Wala akong

naging serious relationships. Until, dumating siya sa kompanyang ito at makilala ko siya. Na-love at first sight ako sa

kanya. Siya lang pinagtiyagaan ko ng ganito." Napabuntong hininga pa ito.

Ayon dito, nararamdaman na nito na may gusto din dito ang iniirog kaso itinatanggi ng dalaga. Isa sa mga dahilan at

pinakamabigat pa, ang pagiging playboy ni Jake ng makilala ni Cheryl.

"You love her. But you want to see her jealous."

"Kasi, kapag nakita kong nasaktan siya, that means, tama ang kutob ko'ng mahal niya din ako. Tinatago at pinipigil lang

niya."

Mataman ulit siyang nag isip.

Ano kaya kung sakyan na lang niya ang kalokohan nito? Tutal wala naman siyang pinagkakaabalahan sa buhay niya

ngayon.

"Please, Yhen? Ililibre kita isang linggong lunch kahit saang restaurant mo gustong kumain."

Napangiti siya. Nagustuhan niya ang sinabi nito.

"Okay. Tutal naman, I'm free nowadays. Pumapayag na ako. Basta, aaminin mo din sa kanya ang lahat kapag naprove

mo na ang gusto mong iprove."

"I promise." Tila nakahinga na ito ng maluwag sa naging sagot niya.

'Whole week na libre ang lunch? Great!'

Hindi naman siya naghihirap para hindi makaafford ng lunch. Pero matagal na

niyang gustong magfoodtrip sa buong syudad kaso ay natatakot siyang maglibot dahil nabalitaan niyang madami na

daw holdaper, snatcher, at kung anu-ano pang masasamang elemento ng tao na nagkalat dito. At least, kapag kasama

niya si Jake, may foodtrip guide na siya, may libreng pagkain pa siya for a week!

'He-he. Ang saya naman!'

TULAD ng napag-usapan nilang magpinsan, pagkalabas pa lang nila ng opisina ni Jake ay nagpanggap na silang

magkasintahan. Nakaabrisyete pa siya dito habang smarteng naglalakad sa gitna ng mga cubicle na naroon.

YHEN: The Next BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon