CHAPTER FOURTEEN

4K 119 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

KINABUKASAN, laking pasasalamat ni Yhen nang kunin na ng ate Jessica niya ang mga bata. Nagkasundo na ang mga ito, sa halos isang linggo ba namang pananatili ng mga ito sa Baguio.

"Yhen, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa kanila, ha?"

"Okay lang iyon, ate. Mababait naman sila, eh." Lihim siyang napangiwi nang maalala kung paano siya nangunsume sa mga ito.

Doon na naglunch ang mga ito bago umuwi sa sariling bahay.

Pagkaalis ng mga ito ay dali-dali siyang nagpunta sa kwarto niya upang mag-ayos ng sarili.

Kanina pa niya gustong pumunta sa office ni Loven kaso ay nagtagal pa doon ang pamilya ng kapatid niya. Halos gusto na niyang ipagtabuyan ang mga ito pero ayaw niya namang maging magaspang sa kapatid.

Nagsuot siya ng berdeng bestida at nagpahid ng light make up sa mukha. Nagwisik ng mamahaling perfume na apple scent. Inilugay ang mahaba at slightly curl na buhok at nagsuot ng isang set ng alahas.

She really look glamorous and sophisticated. Maganda siya sa salamin kaya siguro naman ay maiinlove na sa kanya si Loven.

Maya-maya pa'y nasa kalsada na siya lulan ng kotse niya.

Nang may madaanang flower shop ay bumili siya ng isang bungkos na white roses. Kakariren niya talaga ang panliligaw kay Loven.

Nakapasok na siya sa kompanya ng mga Salazar nang mag-alala na baka wala ito doon.

Napahinto siya sa paglalakad sa lobby.

'Sayang ang punta ko dito kapag nagkataon,' problemadong sa isip niya.

Pagkuwa'y nagkibit balikat na lang siya. Kapag wala ito doon ay itatanong niya sa sekretarya nito kung nasaan ito at susundan niya na lang. Tutal ay naging kaclose na niya ang sekretarya nito noong minsang nagpunta siya dito. Hinagilap na lang niya ang cellphone sa bag. For now, ay tatawagan niya muna ito. Kapag hindi nito sinagot ay sekretarya talaga nito ang kukulitin niya.

Habang nasa tenga ang aparato ay saka niya lang napansin na halos lahat ng mga kalalakihan doon ay sa kanya nakatingin. As usual, with admiration in their eyes.

Nginitian niya naman ang mga ito.

'Sorry, guys, may iniirog na ako. Heto nga at liligawan ko na--'

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later...

Natigilan siya nang operator ang marinig sa kabilang linya. Inis na pinatay niya ang cellphone.

'Bakit kaya nakaoff ang phone niya?'

'Ah, baka lowbat.'

Kipit ang boquet ng white roses ay tinungo niya na lang ang elevator.

Ilang saglit pa at nasa floor na siya kung saan matatagpuan ang office ni Loven. Pero bago iyon, madadaanan muna niya ang conference room na salaming makapal at malabo lamang ang ginamit na dingding. May malinaw na bahagi iyon na nakaguhit sa gitna kaya kahit paano ay makikita pa rin ang nasa loob.

Pagtapat niya doon ay nakita niya agad si Loven. May kung ano itong dinidiscuss sa harapan. Lumapit siya sa dingding ng conference room at pinanood ito.

'Napakagwapo niya talaga!'

Ramdam niya na naman ang pagbilis ng tibok ng puso habang tinititigan ito.

Maya-maya'y napatingin ito sa kinaroroonan niya. Halatang nabigla ito ng makita siya doon.

Ngumiti naman siya ng matamis at kumaway pa. Itinaas niya ang dalang bulaklak at iminwestra sa labi ang salitang, 'for you'.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now