CHAPTER SIX

3.9K 109 0
                                    

CHAPTER SIX

HINDI maaaring magkamali si Yhen. Ito ang lalaking nambastos sa kanya kanina sa dance floor.

Naikapit niya sa braso ni Loven ang isa pang kamay habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa bewang nito.

Napapiksi si Loven at tinapunan siya ng masama ang tingin.

Subalit hindi niya inalis ang mga kamay na nakahawak dito.

"Hindi bagay sa'yo ang maging makata, Hilbert," ani Kevin dito.

"Oh well, nagpapractice lang ako para sa panliligaw sa napakagandang binibini na nakita ko kani-kanina lang." At pinukol siya ng malagkit na tingin at mapang-akit na ngiti.

Oh, God! She's getting sick of this pervert!

"Really? Nakakaawa naman pala ang babaeng iyon kung gano'n."

"No, sir Kevin. She's so lucky to have me dahil--"

"Come on, Loven. Let's dance! Excuse us, gentlemen."

Walang nagawa si Loven kung hindi ang magpatianod nang hilahin niya ito sa dancefloor. Mukha namang kumakampi sa kanya ang nagdidisc jockey kaya love song ang pumailanlang nang makapwesto sila sa gitna.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ano na namang kalokohan ito? You're taking advantage in me. Palibhasa nakita mong may kausap ako," inis na sabi agad nito sa kanya.

"Let's dance and not talk about it."

Malambing na ipinatong niya ang mga palad sa balikat nito at ngumiti dito ng matamis habang pinagmamasdan ang tila naguguluhan pa din nitong kulay tsokolateng mga mata.

Napakasarap talagang pagmasdan ng brown eyes nito. Parang nalimutan niya agad ang nadaramang takot mula sa manyakis na Hilbert na iyon.

Marahas na bumuntong-hininga ito.

"Okay, if that's what you want."

Hinapit nito ang bewang niya at mabagal siyang isinayaw.

Inilapit pa niya lalo ang katawan dito. Tuluyan niya na itong niyakap.

Wala na siyang pakialam sa mga taong nasa paligid. Basta nararamdaman niyang safe siya sa mga bisig ni Loven, wala na siyang pakialam sa iba.

'Once in a lifetime lang ito kaya susulitin ko na!'

Medyo dim ang paligid na nakadagdag sa romantic ambiance ng lugar. Nakita niyang

marami na ring pareha ang pumagitna at sinabayan ang mabagal na tugtog.

Humilig siya sa balikat ni Loven. Nakakarelax ang init na hatid ng katawan nito at nakakapagpawala sa kanyang katinuan ang men's cologne, after shave, shampoo, sabon, at kung ano pang bango ang pumupuno sa ilong niya ngayon.

Pumikit siya at hiniling na sana ay habangbuhay na silang ganito. And then she felt his heartbeat. Tila kasimbilis iyon ng pintig ng puso niya.

Napangiti siya. Napakasarap pakinggan na halos nagkakasabay sa pagpintig ang kanilang mga puso.

Hindi kaya soulmate niya ito?

Tumingala siya sa mukha ni Loven at nakasalubong ang pinakasinasamba niyang kulay tsokolateng mga mata na iyon.

Nakatingin pala ito sa kanya. Kita niya ang pagkalito at pagkabiglang rumehistro sa mukha nito. Akmang iiiwas nito ang paningin ng pigilan niya.

"Oops. Nahuli lang kitang nakatingin sa akin, iiwas ka na? Are you that coward, Loven?" tudyo niya dito.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now