CHAPTER THIRTEEN

3.9K 113 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

GABI NA ng makaui sila galing sa pamamasyal sa zoo. Nakatulog na nga si Luis sa backseat ng kotse ni Loven. Gano'n din si Katkat na nasa bisig ni Yhen.

"Ah, Loven, kamusta ang trabaho mo?" Wala na siyang maisip itanong dito. Kanina pa siya salita ng salita pero kibuin-dili siya nito.

Kanina pa ito tahimik. Mula ng malaman ang kasal ni Jake.

Sumulyap ito sa kanya pagkuwa'y ibinalik din ang mata sa daan.

"Okay lang."

Yun lang? Hindi na ito mag-eelaborate?

"Wala ka bang trabaho ngayon? Ngayon ko lang naisip, may pasok ka ngayon diba?"

She wanted to hear his voice kaya hindi siya susuko sa pangungulit dito.

Hindi ito kaagad nakasagot. Akala nga niya ay babalewalain nito ang sinabi niya.

"Walang gaanong trabaho sa office."

Napatangu-tango siya. Ano pa ba'ng itatanong niya?

"Nag-enjoy ka ba ngayon?" sabi niya ulit.

"Yeah."

"Parang hindi. Kanina ka pa wala sa mood, eh."

Hindi ito umimik.

"Hindi ba kami enjoyable kasama? Para tayong one big happy family kanina. Mga gwapo at magaganda din siguro ang mga magiging baby natin, ano?"

Mukhang nabigla ito sa sinabi niya kaya bigla nitong naapakan ang preno. May isa pang kotse sa harap nila na nagmenor. Mabuti na lang at hindi nila nabangga iyon.

Nakasimangot na lumingon si Loven sa kanya.

"Will you keep your mouth shut, Yhen? Hindi ako makaconcentrate sa pagdadrive."

Ngumiti siya dito ng matamis. Sa isiping hindi ito makaconcentrate sa ginagawa nito dahil sa kanya, tila nabuhay na naman ang dugo niya.

"Yes, boss!" Sumaludo pa siya.

Naiiling na pinatakbo nitong muli ang sasakyan.

Wala na silang imikan habang nagbibiyahe. Nakonteto na lang siya sa pagtitig sa nakasimangot pero gwapo pa ring si Loven.

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa bahay niya. Pinagbuksan muna siya nito ng pinto bago kinuha si Luis sa backseat.

Nangingiti namang bumaba siya. Para talaga silang one big happy family.

Umagapay siya kay Loven. Wala pa rin itong imik hanggang ngayon. Tila may malalim na iniisip pero hindi naman niya matukoy kung ano 'yon.

'For all I know, ako lang ang iniisip mo, Loven my darling.' Napangisi siya sa naiisip. Hindi naman masamang mangarap, di ba?

"Loven, ilan ang gusto mong maging anak natin?"

Muntik na itong matalisod sa hagdan sa tanong niyang iyon. Tinapunan siya nito ng masamang tingin.

Ngumiti lang siya ng matamis.

"Will you stop smiling like that?" iritang sabi nito. "And don't say foolish things."

"Foolish? It's not foolish, you know. Nagpaplano lang ako para sa future natin." Lalo niya pang pinaganda ang pagkakangiti.

Natawa ito ng pagak. Tila nauubusan ng pasensyang umiling-iling. Hindi na ito umimik at nagpauna na sa paglakad.

"Hey, Loven. Alam mo ba kung saang kwarto dadalhin si Luis?"

Napatigil naman ito sa paglakad at tumingin sa kanya.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now