CHAPTER FIFTEEN

4.1K 118 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"MR. SALAZAR, we're going," narinig ni Yhen na paalam ng mga kameeting ni Loven.

Naramdaman niyang tumango lang ito.

Nanatili pa siya nakasubsob sa dibdib nito. Ayaw niyang makita ng mga ito ang luha niya. Isa pa ay napakasarap pa ng feeling niya sa pagkakayakap kay Loven.

Maya-maya'y hinawakan siya nito sa pisngi at marahang itinaas ang mukha niya.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito at pinahid pa ang bakas ng luha sa pisngi niya.

Gusto niyang mapapikit sa ginawa nito.

Suminghot na lang siya at lumunok.

"Y-yeah... I think so." Napangiti na siya. Napakasarap sa pakiramdam ang nakikita niyang pag-aalala sa itsura nito pati na sa malatsokolateng mata nito.

Tipid na ngumiti ito na lalong nagpakabog sa puso niya.

May tumapik sa balikat nito. Napabaling ito sa gumawa niyon.

"Bro, kaya pala nagmamadali ka na agad matapos ang meeting eh," nakangising sabi ni Kevin. "Hi, Yhen. Remember me? Kevin Mariano."

Ito iyong lalaking kasama ni Loven sa party ng mga magulang nito.

"Y-yes. I remember you." Pinunasan niya ng daliri ang natirang luha sa mga mata.

"Nice to hear." Bumaling itong muli kay Loven. "Gagong Hilbert talaga iyon. Anyways, alis na rin ako, bro."

Tumango si Loven.

"He's on your department, Kevin. You know what to do."

Halatang nabigla si Kevin sa kaseryosohan ni Loven. Pero saglit lang iyon. Napangiti ito ng malapad.

Nagtaka naman siya kung ano'ng ibig sabihin ni Loven sa sinabi nito.

"Ofcoarse, I know... See you later, bro. And nice to see you again, Yhen." Umalis na ito pagkasabi niyon.

"What does that mean?" tanong niya kay Loven.

Kumawala na ito sa pagkakayakap niya at nilapitan ang nalaglag na bulaklak. "What?"

"Yung tungkol sa manyakis na 'yon."

"Don't mind it." Pinulot nito ang bungkos ng white roses at iniabot iyon sa kanya.

"Ah, hindi. Para sa'yo talaga iyan."

Napakunot-noo ito.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now