CHAPTER FIVE

4K 106 0
                                    

CHAPTER FIVE

SWIMMING pool pala ang pinuntahan ni Loven.

Naabutan ni Yhen na nakaharap ito sa tubig at nakapamulsa ang isang kamay. May kopita ng wine sa isang kamay nito.

Dahan-dahan siyang lumapit dito. Huminto siya sa tabi nito.

"So, dito lang pala kita matatagpuan."

Gulat na napalingon ito sa kanya. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay.

"Bakit ka nandito?" Lumayo pa ito sa kanya.

Lihim naman siyang napasimangot. Bakit ba iwas ito ng iwas sa kanya? Maganda naman siya at mabango ah!

"Nandito ka, eh," bagkus ay malambing na sabi niya. Lumapit siya dito at lakas loob na ikinawit ang kamay sa braso nito. Hindi naman siguro siya nito itatapon sa pool.

"Ano ba?" Napapiksi ito at agad na inalis ang kamay niya sa braso nito. Lumayo ulit ito.

"Sungit mo naman. Parang nilalambing ka lang eh." Lumapit ulit siya dito.

Agad naman itong umiwas ng akmang yayakapin niya ito. Pero sumunod pa rin siya. Hinawakan na lang nito ang isang braso niya at hinarap siya.

"Tell me, what do you want from me?" inis na sabi nito.

Nagkibit-balikat lamang siya.

"I don't know." Nginitian niya pa ito ng matamis.

Hindi niya rin madecode ang sarili kung bakit hinahabol habol niya pa din ito. Ang alam lang niya ay gusto niya ito...mali, pinagnanasaan niya pala ito. Period.

Pinakawalan nito ang braso niya. Marahas itong napabuga ng hangin at tila nauubusan ng pasensyang nilagok nito ang natitirang laman ng kopita.

"So, bakit ka nagpi-flirt sa akin?" inis na baling nito sa kanya.

"Because, I like you."

Nasabunutan nito ang sarili.

"Paano kung sabihin ko sa iyo na may iba na akong gusto?"

Napamaang siya, pero saglit lang.

Alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"You know, I don't believe that you have an affair with Cheryl."

"Paano mo nasabi 'yan? Ano'ng alam mo tungkol sa amin, huh?" sarkastikong sabi nito.

"Imposibleng maging kayo dahil may mahal na iba si Cheryl," malumanay na sabi niya. Humalukipkip pa siya. "I know, si Jake ang mahal niya. At si Jake naman, mahal na mahal niya rin si--" Nakagat niya ang labi.

Masyado yata siyang nacarried away at nasabi niya iyon. Hindi pa naman siya sanay magsinungaling.

At lagot siya kay Jake kapag nabuko agad ang modus operandi nito.

"And yet, you're not jealous about that? I thought you're his girlfriend," tila isa siyang baliw na nakawala sa mental sa paraan ng pagtitig nito.

"Ah, o-oo nga," pilit siyang tumawa pero sa loob-loob ay nakangiwi. Minabuti niyang iliko nalang ang usapan. "Well, nevermind what I've just said. Sabi ko nga kanina, I like you. You know, iba ang dating mo dito eh." Itinuro pa niya ang kaliwang dibdib.

"But I don't like you--" tila gusto pa nitong balikan ang sinabi niya kanina tungkol kay Cheryl kaya inunahan na niya itong magsalita.

"Wag ka munang magsalita ng tapos. I'll make you fall for me, Loven Jay Salazar," puno ng kumpyansa sa sariling sabi niya. "Saka wala kang mapapala kay Cheryl dahil iba ang gusto niya." 'At pinsan ko 'yon!'

"Wag kang pakasiguro dahil nag-iisa lang siya dito sa puso ko."

"I don't care," walang anumang sabi niya sabay lapit dito.

Inihawak niya ang dalawang kamay kwelyo nga amerikana nito at pabiglang hinila. Hindi nakapiyok si Loven nang salubungin niya ito ng halik sa mga labi.

'My gosh! Ang lambot ng lips at ang sweet! Pwede na akong mamatay ngayon!'

Pakiramdam niya ay lalong bumilis ang pagkabog ng puso. And she likes it. Gusto niya ang feeling na parang nalimutan niya ang lahat sa paligid at tila huminto saglit ang oras niya habang nakalapat ang mga labi niya dito.

Natauhan siguro ang binata kaya hinawakan siya nito sa balikat at marahas na itinulak.

"Bakit mo ginawa 'yon?" angil nito.

Ngunit balewala sa kanya kahit oramismo ay itapon siya nito sa pool. Masyado siyang kinikilig para isipin pa iyon.

Ngumiti siya ng walang kasintamis dito.

"Gusto mo isa pa?" Nanunukso niya pang pinadaanan ng dulo ng dila ang mga labi niya.

Pabigla siya nitong binitiwan na para bang may nakakahawa siyang sakit. Muntik na siya mawalan balanse pero kuntodo ngiti pa din siya.

Hindi maipinta ang mukha nito nang talikuran siya agad at nagmamadaling bumalik sa mga taong nagkakasiyahan.

Nangingiting nasundan na lamang niya ito ng tingin.

That's it for this minute. Baka mabaliw lalo sa kanya si Loven kapag sinundan niya pa ito.

Dinama niya ang pintig ng puso. Napakabilis pa din niyon na tila may nagkakarerahang daga sa dibdib. But she likes this feeling. She loves this feeling. Bago ito sa nabuburyong na niyang buhay. Ito lang ang lalaking nakapagpaexcite sa kanya ng ganito. And she like that feeling to stay.

'Yeah, I'll make you fall for me Loven.'

PABALIK na siya sa table nila ni Jake pero kailangan pa niyang dumaan sa gitna ng mga nagboballroom na mga bisita bago siya makarating doon.

Nakangiting sumayaw siya nang makihalo sa mga nagsasayaw. Hindi niya alam kung sayaw nga ba ang ginagawa niya, but who cares? Masaya siya ngayon kaya kahit ano'ng trip niyang sayawin, wala nang pakialam doon ang ibang tao.

Nasa kalagitnaan na siya ng mga nagsasayaw nang may humatak sa braso niya. Isang lalaking hindi niya kilala ang nalingunan niya.

"Let's dance!"

Pinaunlakan niya naman ito. Ano ba naman ang makipagsayaw muna siya habang nag-iisip ng panibagong plano para makalapit kay Loven?

Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at nakisabay sila sa mga nagsasayawan ng ballroom.

"You're so pretty. Want to go out with me?"

"No, thanks!" ganting sigaw niya dito dahil napakalakas ng musikang nanggagaling sa speaker.

"Why not? Let's have some fun somewhere else. I'll assure you, you will like it."

Nanayo ang mga balahibo niya nang mapansin ang malaswang pagtitig nito sa kanya. Para bang hinuhubaran na siya nito sa utak. Dagdag pa ang mga sinasabi nitong hindi niya ma-take.

'Manyakis ata ang damuhong na ito!'

Binawi niya ang mga kamay dito pero sa panggigilalas niya ay sa balakang naman niya dumapo ang mga kamay nito at pabigla siyang hinila palapit sa katawan nito.

Sa pagkabigla at diring naramdaman ay malakas niya itong itinulak. Nakawala naman siya sa hawak nito pero nadismaya pa rin siya nang hindi tuluyang bumagsak sa sahig.

Bago pa ito makabawi ay dali-dali na siyang tumalikod at iniwan ito doon.

Tila gusto niyang manginig sa takot ng mapansing sumunod ito sa kanya. Lalo niya binilisan ang lakad.

Pero sa panglulumo niya ay wala ang pinsan niyang si Jake sa mesa nila.

'Pa'no na ako ngayon?'

Buti na lang nang minsang igala niya ang mga mata ay nahagip agad ng paningin niya si Loven na may kausap na lalaki. Siguro ay kaibigan nito iyon dahil mukhang hindi nagkakalayo ang edad ng mga ito.

Nagmamadali siyang lumapit sa mga ito. Nagpaskil siya ng magandang ngiti sa labi kahit gusto na niyang panginigan ng tuhod dahil sa takot sa manyakis na iyon.

'Kinakarma yata ako sa panghaharass ko kay Loven ah!'

"Hi!"

Ikinawit niya pa ang isang braso sa bewang ni Loven.

Gulat na napabaling naman sa kanya ang binata.

"Oh, hello!" ganting bati ng kausap nito na halatang nabigla din sa biglaang pagsulpot niya doon. Bumaling ito kay Loven na pinipilit namang alisin ang kamay niya sa bewang nito. "Pare, why don't you introduce me to this beautiful lady?"

Hindi niya inalis ang kamay sa bewang nito kaya wala itong nagawa kundi pabayaan na lang siya. Iyon nga lang, tingin niya ay handa na siya nitong sakalin ano mang oras.

"She's Yhen Medina, pare," napipilitang sabi nito. Bumaling ito sa kanya. "This is Kevin Mariano."

"Nice to meet you, Yhen."

Nakangiting inabot niya ng libreng kamay ang nakalahad na kamay nito.

"Nice to meet you too, Kevin."

"Your hand is cold. Are you nervous? Hindi naman ako nangangain ng tao ah."

'Hindi nga ikaw. Yung sumusunod sa akin siguradong lalapain ako no'n.'

Tumawa na lang siya at pasimpleng binawi ang palad dito.

"Medyo malamig kasi eh."

"You want a coat? Loven, give your coat."

"What?"

Tumawa lang si Kevin.

"I know that she's beautiful. Hindi mo na kailangang titigan siya ng ganyan."

Ha? Si Loven, nakatitig sa kanya?

Tumingala siya dito para makumpirma iyon pero kay Kevin na ito nakatingin.

"Don't make me laugh, Kevin."

"I'm not. Now, give your coat to a lady or better yet I'll give her a big hug to keep her warm."

Napansin niyang tila anumang oras ay kay Kevin mababaling ang asar nito sa kanya kaya umeksena na siya.

"No, thanks. I can manage."

"You know, Yhen Medina, your name seems familiar to me."

"Siya ang designer na gagawa ng design ng traje-de-boda ni Lionel, Kevin."

May sasabihin pa sana si Kevin nang may bigla na lang sumulpot... na asungot.

"Good evening mga pare. Especially sa magandang binibini sa inyong tabi."

Nabaling lahat ang paningin nila dito. Ngumiti si Kevin dito. Tinanguan naman ito ni Loven. Habang siya naman ay namutlang bigla nang mapagsino iyon...

YHEN: The Next BrideDonde viven las historias. Descúbrelo ahora