CHAPTER NINE

4.1K 106 0
                                    

CHAPTER NINE

"ANG CUTE naman niya!" ani Lionel nang makita si Katkat. Excited na kinuha nito ang pamangkin niya.

Ibinigay naman ni Yhen ang bata.

Tuwang-tuwa ito ng makuha ang malusog na pamangkin niya.

Naramdaman niya ang paghila ng kung sino sa palda niya. Napabaling siya kay Luis na nakahawak sa palda niya.

"Nasaan 'yung bibilhin nating gameboy dito, tita?" kunot-noong tanong nito.

Napangiwi siya. Niyuko niya ito.

"Naku, iyon? Ahh, dadaanan natin mamaya sa tindahan. Ginagawa pa kasi 'yung gameboy eh. Mamaya na lang daw natin kunin." Ano ba ito'ng sinasabi niya? Hindi niya yata makuhanan ng logic.

"Pero tita..." nakabusangot ang mukhang sabi nito.

"Sandali. Dala ko 'yung laptop ko. Iyon muna ang laruin mo, okay? Marami akong games doon."

Takot na siya na baka doon ito magtantrums.

Dali-daling sumaglit siya sa kotse niya at kinuha ang laptop at ang mga gagamitin niya sa pagsusukat.

Nadatnan niyang may iba nang pinagkakaabalahan si Luis.

"Inaya ni Allan na magchess. Mukhang magaan din ang loob sa bata," ani Lionel.

Nakahinga siya ng maluwag.

"Buti naman."

Mukhang tama si Jake. Pagdating sa mga bata ay natutupi siya.

"Saan mo ba nakuha ang mga cute na mga batang ito?" Hinalikan pa nito si Katkat sa leeg na siyang ikinatawa ng bata.

"Mga pamangkin ko 'yan. May kailangang asikasuhin ang ate ko sa malayo kaya iniwan sa akin. Pasensya na kung may kasama ako mga bata, ha? Day off kasi ng katulong ko kaya hindi ko maiwan sa bahay."

"Naku, okay lang iyon, noh! Sabik na din naman ako sa bata."

"Don't worry, hon. Magkakaroon din tayo ng mga ganyan," singit ni Allan na narinig pala ang sinabi ng fiancee.

Nagkatawanan sila.

"Teka, kayo lang ba ang susukatan ko? Nasaan na iyong iba?"

"Iyon nga sana ang sasabihin ko, eh. Mamaya pa daw sila makakadating. After lunch. Kami munang dalawa ang sukatan mo. May iba ka pa bang appointment or pupuntahan after this?"

Naupo sila sa sofa.

"Gano'n ba? Wala na naman kaming pupuntahan. Baka iuwi ko na lang ang mga bata pagkatapos ko dito... Nasaan nga pala ang parents mo at ang kuya mong pogi?"

Natawa ito sa ginamit niyang adjective kay Loven.

"Pogi talaga, ha? Well, sina mom and dad, lumabas pero padating na din ang mga iyon. Si kuya naman, nasa room niya..." Napatingin ito sa gawi ng hagdan. "O, eto na pala siya, eh."

Awtomatikong napatingin siya sa hagdan. Sumilay ang magandang ngiti sa labi niya nang magtama ang paningin nila ng binata.

'So very much pogi niya talaga!'

Kahit simpleng tshirt at maong shorts lang ang suot nito, gwapo pa din ito sa paningin niya.

"Kuya! Come here and join us."

Parang napipilitang sumunod ito.

"Dito ka na umupo." Turo niya sa ispasyong katabi. Nasa mahabang sofa kasi siya samantalang nasa single seater naman si Lionel.

Sina Allan at Luis naman ay nasa mesita sa di kalayuan at naglalaro ng chess.

Naupo nga ito sa mahabang sofa pero napakalayo naman ng agwat sa kanya.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now