CHAPTER FOUR

4.5K 122 1
                                    

CHAPTER FOUR

NAKIPAG-UNAHAN siya kay Daisy sa pagsakay sa frontseat kaya napilitan itong sumakay sa backseat kasama sina Lionel at Allan.

Pagbaling niya kay Loven ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

Nginitian niya lang ito ng matamis habang nakatitig sa brown eyes nito.

Naiiling na nag iwas ito ng tingin at pinaandar na ang sasakyan.

'Napakasarap naman sa pakiramdam na titigan siya habang nagdadrive. Ang gwapo--'

Nahinto siya sa pagdedaydream ng biglang magring ang cellphone niya.

Si Jake.

Nakalimutan niyang ililibre nga pala siya nito ng lunch.

Nag excuse muna siya sa mga kasama bago sinagot iyon.

"Hello, Yhen. Where are you?"

"Jake, I'm with my new friends and we're going to have a lunch now. Nalimutan ko ang lunch natin kaya naka-oo ako sa kanila. Sorry nalimutan din kitang tawagan."

"Kailan ka pa naging malilimutin ha? Ah yeah. Noong makita mo nga pala ang Loven na iyon. Inagaw na nga niya sa akin si Cheryl, tapos pati ikaw, nahuhumaling din. Kasama mo ba siya ngayon?"

"Ahm... Oo"

"Kaya naman pala," palatak nito.

"Look, Jake. Bukas mo na ako ilibre ng lunch. Siya na lang muna ang ilibre mo ngayon," tukoy niya kay Cheryl.

Mukha namang nagets agad nito iyon.

"Yeah. Mabuti pa nga siguro si Cheryl muna ang makalunch date ko ngayon. Nakakasawa na rin naman kung palaging ikaw."

"You!... Pasalamat ka sa phone lang tayo nag-uusap ngayon."

Tumawa ito.

"Sige, bye na. Mag-iingat ka na lang diyan sa lalaking 'yan."

"Siya ang mag-ingat sa akin. Sige, bye na din. Mag-ingat din sana siya sa'yo."

Bumaling siyang muli kay Loven. Walang emosyong makikita sa mukha nito. At kahit na ganoon, gwapo pa din ito sa paningin niya.

"Loven, bakit nga pala hindi mo kasama si Cheryl ngayon?"

Matagal ito bago sumagot. Akala nga niya ay didedmahin nito ang tanong niya.

"She's busy right now."

"Really, huh?"

Napatangu-tango siya.

Sa totoo lang ay hindi siya kumbisidong magkasintahan ang dalawa. Girl-friend siguro pwede pa. At hindi rin siya papayag na nobya nito si Cheryl dahil sa kanya lang si Loven Jay Salazar!

Dinala sila nito sa isang sikat na restaurant.

"Yhen, naalala ko, this Friday evening nga pala, thirty first anniversary nina mom and dad. You're invited. Kailangang makita kita sa gabing iyon ha?"

"Sure, why not?" Para hindi na siya mahirapang mag isip kung paano makikipaglapit naman sa mga magulang ni Jayden. "Basta ba pwede akong magsama ng kahit sino eh."

"Boyfriend? Sure! May boyfriend ka na pala. Anyways, hindi naman kataka-taka iyon."

Nagkibit-balikat siya.

"I don't know."

"What do you mean you don't know? Wag mong sabihing sa ganda mong iyan... Hindi ka ba pinapansin?"

YHEN: The Next BrideOnde histórias criam vida. Descubra agora