CHAPTER TWELVE

4K 125 0
                                    

CHAPTER TWELVE

HINDI niya alam kung ano'ng napag-usapan nina Loven at Luis. Ang alam niya lang ay kasama na niya ngayong namamasyal sa Manila Zoo si Loven.

Pinatahan nito kanina si Luis kahit sa phone lang magkausap ang mga ito. Pagkatapos ay sinundo pa sila ng binata sa bahay niya.

Dapat ay nagpi-fiesta na ang puso niya. Kaso kanina pa siya nito hindi pinapansin. Ni sulyapan nga yata siya ay hindi nito ginagawa.

'Puro na lang Katkat at Luis! Hindi ba pwedeng si Yhen naman? Yhen forever, Yhen for life?' patuloy na pagsisintir niya.

Buhat nito si Katkat habang si Luis naman ay nakahawak sa laylayan ng polo nito. Itsapwera talaga siya!

Parang gusto niya rin tuloy magmarakulyo para siya naman ang aluin nito. Pero ang tanong, aaluin nga ba siya ng binata?

"Wow! Tito, tignan mo 'yung mga birds o! Anlalaki nila. Di po ba, eagles ang tawag diyan?" namamanghang sabi ni Luis.

Napataas ang kilay niya.

'Ano'ng eagles ka diyan? Ostrich 'yan noh!'

Bago pa siya makapagsalita ng harsh words dito ay naunahan na siya ni Loven.

"That's an ostrich, Luis. Tara doon tayo sa kabila para makita mo ang eagle."

Tila maamong tupa na sumunod dito ang pamangkin niya.

Hindi na siya nakapagpigil at tumikhim na siya ng malakas. Kung magsipag-usap kasi ang mga ito ay parang wala siya doon.

Pero walang pumansin sa kanya. Busy ang mga ito sa pagtanaw sa buwayang nadaanan nila.

"Ahh.. Loven."

Kinalabit niya na ito.

Tumingin naman ito sa kanya.

Ano nga ba'ng sasabihin niya kung bakit niya ito kinalabit?

"Ah, okay lang ba sa'yong ikaw ang may hawak kay Katkat? Baka nangangawit ka na?" maganda ang ngiting pagpapacute niya dito.

"Ayos lang naman..."

"Tito, look. Pinapakain na 'yung crocodile!"

Napabaling agad ito kay Luis na lihim na ikinangitngit ng dibdib niya.

Napasimangot tuloy siya. For the first time ay nagtampo siya dito.

Nagsiselos din siya sa atensyong ibinibigay nito sa mga bata.

"Tito, lumapit tayo para makita natin ng maayos."

"Sure."

Naiwan siyang nakatayo doon. Ni hindi man lang siya inaya.

Hindi naman muna siya sumunod sa mga ito. Nagbabakasakali siyang lilingon si Loven at yayayain siya. Pero hindi iyon nangyari.

Napabuntong hininga lang siya.

'Bata lang ang mga iyan, Yhen. Hindi ka dapat--'

"Excuse me, miss."

Napatingin siya sa lalaking humarang sa daraanan niya.

Nakangiti ito. And because she's always nice to everyone, she smiled back. Mukha namang mabait ito at gwapo pa. Pero syempre, mas gwapo si Loven.

"Yes?"

"You're so beautiful. Nag-aalangan tuloy akong magpakuha ng picture sa'yo. So, pwede bang makipagkilala na lang?"

'Ano'ng konek?' Wala yata siyang makitang connection sa pagkuha niya ng picture dito at sa pakikipagkilala sa kanya.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now