CHAPTER TEN

4K 115 0
                                    

CHAPTER TEN

HABANG inaayos niya ang mga measurements sa notebook niya ay naalala niya ang pinag-usapan nila ni Lionel.

'He loves Cheryl, Yhen...'

Masakit para sa damdamin niya. Pero hindi iyon dahilan upang isuko niya si Loven. Ngayon lang siya nagkaganito sa isang lalaki kaya hindi na niya ito papalampasin pa.

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto.

Huminga siya ng malalim para maalis ang bigat sa dibdib. Pagkatapos ay humarap na siya kay Loven nang matamis ang ngiti sa labi.

"Sa wakas, nasolo rin kita."

Lumapit siya dito at akmang yayakapin niya pero umiwas ito.

"Huwag mong isama ang personal mong hangarhn sa trabaho, Ms. Medina," sarkastikong sabi nito. "Act like a professional, will you?"

Napasimangot naman siya ngunit may naglalarong bagay sa isipan.

"Okay, fine."

Kinuha niya ang medida at lumapit dito.

Akmang lalayo na naman ito.

"I'm acting like a professional like what you've said, Mr. Salazar."

"I don't trust your smile," nakasimangot na sabi nito.

Nagkibit balikat lamang siya.

Huminto siya sa mismong harapan nito. Binatak ng dalawang kamay ang magkabilang dulo ng medida, saka payakap na sinukat ang bewang nito.

"Yhen!"

"I'm acting like a professional here."

"You're taking advantage!" gigil na sabi nito habang inilalayo siya. "Nang sinukatan mo ba si Allan niyakap mo din siya?"

Hindi naman siya nagpatinag.

"Ofcoarse not! This is specially for you, noh!" Humilig pa siya sa dibdib nito. "Hmm. Ang bango mo talaga. Ano bang gamit mong pabango, ha?"

Hindi gaanong mataas ang takong ng sandals na suomt niya kaya umabot lang siya hanggang balikat nito. Napakatangkad naman kasi nito.

"Tigilan mo nga ako, Yhen."

Tila walang pwersa sa pandinig niya ang sinabi nito. Waring napapagod na ito sa pagsaway sa kanya.

Nanatili lang siyang nakayakap dito at pinapakinggan ang paghinga nito pati ang pagpintig ng puso nito.

YHEN: The Next BrideWhere stories live. Discover now