Ikalawang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Thanks God! Napunta na sa harapan ang atensyon ng lahat nang magsimulang magturo ang guro. Hindi ko napigilan ang mapabuntong hininga nang malalim.

"Sungit mo, Ms. Sungit! Halatang meron ka!" Diyos ko! Hindi ba ako titigilan ng lalaking 'to. "I'm Zeus Asher Yuchengco, by the way." Patuloy na bulong niya.

Letsugas! Kaya pala pamilyar siya sa akin. He's the famous leader of the popular group of Devils. Ugh! Pakiramdam ko, isa akong probinsyana na kararating lang sa lungsod.

"Hey, what's your name?"Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring matamang nakikinig sa guro kahit wala naman akong maintindihan roon.

"Nakakabingi ang pagpapanggap nang walang naririnig." Patuloy na talak niya.

Tuluyan ng napigti ang pasensya ko. Kumuha ako ng scratch paper at nagsulat roon ng "SHUT UP!". Well, hindi ko style ang pagsigaw sa loob ng klase at pagpapahiya ng sarili ko. Padabog kong nilagay sa desk niya ang papel at tumingin ulit sa guro. Narinig ko ang payak nitong pagtawa. Goodness! Alam kong vocalist siya pero bakit pati pagtawa niya ang ganda sa pandinig ko.

Natapos ang klase nang wala akong natutunan. Letsugas! Bwisit na lalaki!











"I'm sorry, Caleila" Malungkot na anunsyo sa akin ni Ms. Fatima, ang tinuturing kong ate at nagt-trabaho sa loob ng sikat na publishing company. Siya ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagsusulat dahil sa likas na galing nito. 19 years old pa lang siya pero isa na siya sa mga tanyag na romance writers.

Isa akong romance writer na NBSB. Highschool palang, pangarap ko ng maging tanyag na manunulat ngunit hindi ako pinayagan nina Mama at Papa na kumuha ng journalism kaya eto umaasa pa rin ako na sana matupad ang pangarap ko.

Kasalukuyan akong nasa publishing company. Dumeretso ako rito matapos ng klase ko sa pag asang magiging okay na ang lahat.

Laglag ang balikat ko ngunit ngumiti ako nang malungkot rito. "Okay lang po Ms. Fatima." Sagot ko. Binalik niya sa akin ang nobelang sinulat ko.

"Nabasa ko ang gawa mo, Caleila. Kahit ako napahanga. Maganda,extra ordinary at impressive ang gawa mo kaya lang..." Nabitin sa ere ang boses nito na para bang nag aalalang baka masaktan ako sa sasabihin nito.

"Ano po 'yon, Ms. Fatima?" Nasa boses ko ang desperasyon.

"Kulang ng damdamin, Caleila." Hindi ko inaasahan ang sagot ni Ms. Fatima.

Katahimikan... Parang sinasala pa ng utak ko ang sinabi ng babae.

"Have your own romance, Caleila." Napatingin ako ulit kay Ms. Fatima. Hindi gusto ng utak ko ang papatunguhan ng sasabihin nito. "Alam ko, takot kang magmahal. Wala sa bokabularyo mo ang sumugal lalo na sa Pag-ibig. But how can you write romance kung wala kang idea kung paano ang damdamin ng taong inlove. Kulang ng damdamin ang nobela mo because you can't feel it. You can't feel the essence of being inlove." Mahabang paliwanag ni Ms. Fatima.








"Sh*t dude! Break na naman kayo ni Vicky? Wala pa kayo ng isang buwan ah?" Hindi sinasadyang marinig ko ang boses lalaki na nanggagaling sa Music Room at ang paghalakhak nito. Napadaan ako roon para sana pumunta sa first subject ko. Ang aga naman para magkaroon ng estudyante sa loob ng room. Hindi ko na sana sila papansinin nang pumalit ang pamilyar na boses.

"She's too clingy, Night! Napakaselosa! D*mn! I hate her sentiments! Pinagseselosan pati fans!" Boses ni Zeus. Hindi naman ako chismosa at nosy na tao pero hindi ko alam kung bakit nagawa kong sumilip sa music room. Naroon ang tatlong myembro ng Devils.

Umiling lamang ang isang myembro na kilala bilang si Night habang nakangisi.

"She went to condo last night. Drunk and pathetic. Asking for a second chance." Sabat ng nakahalukipkip at seryosong si Zero. Letsugas! Nakakaawa naman ang babaeng pinag-uusapan nila! Napakagago ni Zeus!

Is This Love?Where stories live. Discover now