.13

2.3K 84 22
                                    

.13 


Hindi ko alam kung matutuwa ako o kaya naman ay maiirita dahil sa ngise ni Kev Conti. His last name seems familiar to me and I am sure na narining ko na iyon. Kev will be part of us, so pag may school events ay dapat nandoon din sya to document everything.

He got the position yesterday, I found out that Tyrone posted that we need another person for our team sa student's forum ng Welston University.

Sa Welston student's forum mo makikita lahat ng announcements. Academic and non-academic announcements. The latest parties, events, gossip and etc. Halos lahat ata ng mga estudyante sa ng Welston ay nakatambay sa forum na ito. No wonder this Kev guy is here.

Tyrone is explaining the rules to Kev at kami naman ni Aoede ay inaayos ang mga order ng files alphabetically. Hindi mawala ang tingin ko kay Kev at napansin iyon ni Aoede.

"Sky? Don't tell me you like him too?" may halong pang-aasar ang tono nya "..ang dami nyo na" tawa at dagdag ni Aoede.

"No, Aoede. Ano ka ba, he is handsome that's true" matangos ang ilong ni Kev, makinis ang mukha at kutis, matipuno ang katawan halatang suki sya sa gym "pero hindi ko sya gusto. I find him annoying actually" ani ko.

"Annoying? How and why?"

"I don't know but he is. Trust me" tumawa lang si Aoede sa sinabi ko.

"I wonder why kung bakit hindi pumasok yung isang transferee" napahinto ako sa pag aayos ng mga papel at tinignan si Aoede.

"Huh? May isa pang transferee?"

"Yes, Kev and the other guy. Don't get me wrong, Kev is handsome pero yung isang transferee mas gwapo kahit sa picture ko lang nakita. Paano pa kaya kung sa personal?" inayos ni Aoede ang bangs nya "I heard that the other guy is studying Law. Rumor has it na pumasok sya ng isang beses then hindi na bumalik but if you check the student's list, he's still there. May ilang high school students na palihim kumuha ng picture nya and posted it sa forum, I bet it's still the top treding post."

Aoede sparked my curiosity and I decided that I'll check the forum later. I wonder kung may alam ba si Alexavia tungkol dito pero knowing her I'm sure may alam sya.

Hindi na ako magtataka kung bakit mabilis kumalat ang balita sa dami ba naman ng estudyante ng Welston. And everything seems to be so fast with the internet, minsan nakakatakot.

"Bakit daw siya nag-transfer?" tanong ko

"Hmmm, hindi ko alam eh pero si Kev he transfered kasi kagustuhan raw ng parents nya and he didn't have any choice" tumango ako at binalik ang tingin ko kay Kev at Tyrone. 

"Anyway, if you have any more questions, you can approach Skyla. She's a pro at this. You're in good hands." ngite ni Tyrone sa akin.

"I bet.. I am" ani ni Kev. Ngumise sya sa akin pero ngayon ay may kakaiba sa ngiteng binigay nya. Hindi ko alam kung paano ito ilarawan pero nakaramdam ako ng panlalamig sa aking mga kamay kaya bigla akong nag-iwas tingin. I checked my watch, it's already 12:30. I told Tyrone and Aoede na mauuna na ako dahil sa may pupuntahan pa ako.

Naglakad ako para kunin na ang mga gamit ko nang magsalita si Kev, "Leaving so soon, Skyla? Hindi pa tayo nagbo-bonding" he pouted. I wanted to punch his face.

Pinilit kong ngumite. Ayoko naman mapansin ni Tyrone at Aoede na ilang ako kay Kev. "Next time nalang, Kev. Medyo bad timing na eh."

"Oo nga eh. Laging bad timing, hayaan mo sa susunod tama na ang timing ko" saka sya ngumite. Ayokong isipin na may kahulugan ang mga binitawan nyang salita pero my insticts are telling me that I should avoid this guy as much as possible. Hindi ko na sya sinagot at dali-dali akong lumabas.

Halos takbuhin ko ang parking lot at dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse ko. Hindi mawala sa isip ko kakaibang ngite ni Kev sa akin. Am I going crazy? Am I overthinking again? Am I being too judgemental? Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. My phone vibrated through my pocket, I picked it up and read the message.

From: Jake aka DOTA LORD

Ate Skyla. Hi! Tuloy ka po mamaya? sa birthday ni Tash?


To: Jake aka DOTA LORD

Yes, I'll be there. See you later, kulit! :)


Nasa backseat ang mga regalo nami ni Alexavia para kay Tasha. Medyo naparami ang nabili namin para sa kanya pero it's no big deal dahil hindi naman sya iba sa amin ni Alexavia. Kinuha ko ang DSLR ko para tinignan kung may natitira akong space for pictures later.

As I was scanning my photos hindi ko mapigilang ngumite dahil sa dami ba naman ng mga pictures ni Alexavia sa camera ko. Selfie queen talaga yun kahit kailan. The camera loves her sa tuwing kinukunan ko ng larawan si Alexavia ay kailan man ay hindi sya nagkaroon ng bad frame. Lahat ng frame nya maganda. Alexavia is beatiful and the camera knows it.

I got this camera when I turned 18 at iniingatan ko talaga ito. Marami kasing magagandang nakunan ang camera na ito at kailan man ay hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit anong expensive brand pa yan. Habang tinitignan ko ang mga larawan ay may isang larawan na nakaagaw ng atensyon ko. 

It's a picture of a guy I've never seen before. Side view nya lang ang kita sa larawan pero hindi mapagkakailang napaka gwapo nya. Malayo ang tingin nya at maganda ang complexion nya. Matangos ang ilong at malalim ang kanyang mga mata. Hindi ko kilala ang lalakeng ito at hindi ko rin naman maalala na kumuha ako ng litrato nya.

Sino ang lalakeng ito? Tinignan ko ang petsa kung kailan ito nakunan. "June 6" I whispered to myself. This was the last day of the Youth Conference na sinalihan ko a week ago. So this guy is from the Conference? Muli kung tinignan ang litrato, hindi ko alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na matagal ko na syang kilala.

I found myself staring at his picture shamelessly, uminit ang pisnge ko. I turned off my camera. I must be going crazy. If I see myself doing what I just did earlier, I'll probably think that I'm a creep.

I was about to start my car when I noticed someone standing in front of my car. It was Kev. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang makikita sya, binusinahan ko sya to signal him na nakaharang sya sa daanan ko and he needs to move pero hindi sya gumalaw. Nakatingin lang sya sa akin parang wala sya sa kanyang sarili.

Kinilabutan ako sa mga tingin na binibigay sa akin ngayon ni Kev. I pressed the horn again and again and again pero hindi sya natinag. I'm getting scared, can't this day get any weirder? I grabbed my phone and I was seconds away from dialing Tyrone's number when Kev smiled at me. Yung normal smile, then he started walking to his car.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga kinilos ni Kev. For a moment, parang hindi nya ako nakita dahil sa babaw ng mga tingin nya. Hindi ko alam kung anong nangyari at wala rin akong lakas ng loob para tanungin si Kev kung bakit ganoon ang mga kilos nya.

"Okay.. what just happened?" I asked myself as I watch him drive away. Sinadya kong hintayin sya makaalis dahil nanlalamig pa rin ang mga kamay ko dahil sa nangyari.

Hindi ako mapanghusgang tao. Hindi ganyan ang tinuro sa akin ni Uncle Bern pero there's something about Kev Conti that smells dangerous.

There's something sinister about Kev Conti and I don't want to find out. 

My Lover is the Son of a Mafia LeaderWo Geschichten leben. Entdecke jetzt