.10

2.6K 89 14
                                    

.10

Inihatid ako ni Anthony sa apartment ko, buti nalang at pinayagan na akong umuwi ni Uncle. Pero bago nya ako hinayaang umuwi ay nagbigay siya ng mga kondisyon na oras na labagin ko ay kailangan kong harapin ang ano mang magiging kaparusahan.

Huminto kami sa harap ng pinto ng apartment ko. Tinignan ko siya at bumuntong hininga, ayoko talaga pumunta sa Charity Ball ngayong Sabado. Ngumite ako kay Anthony "Drive safely, A" tumango siya't hinalikan ang pisnge ko saka siya umalis.

Iniisip ko pa lang na makikita ko na si Tia Constanza mamaya ay parang gusto kong umuwi kay Uncle at magmakaawang wag na akong pumunta pero alam ko rin namang imposible iyon. Pumasok ako sa kwarto at tinignan ang kalendaryo kung may dapat ba akong puntahan na hindi pwedeng absent ako. Nakita kong I'm totally free and no excuses for Uncle. Idagdag ko pa ang confrontation ni Detective Michaels. Saka ko nalang iisipin ang mga napag-usapan namin.

Napansin ko rin na may binilugan ako gamit ang red mark. Agad kong tinignan ang drawer kung may stock pa ako ng sanitary napkins. Magkakaroon na ako sa Lunes. Sa maga oras na ito pwede kong tawagan si Anthony na bilhan ako ng ilang sanitary napkin sa convenient store na madadaanan nya pero naisip kong wag na lang kasi ang awkward at alam kong aasarin ako nun.

Ugh.

Lumabas ako ng apartment at naisipang pumunta ng 7 Eleven, buti nalang at malapit ito kung saan ako nakatira. No hassle. Kagaya ng inaasahan ko ay maraming tao ngayon at hindi na ako nagulat na makita ang ilang estudyante, I don't know from which school, hindi ako pamilyar sa unipormeng suot nila. Pero alam ko na madalas ring tambay dito ang ilang kamag-aral nila.

Nasa pinto pa lang ako ay napatingin na sila sa akin at agad ngumisi ang isa sa kanila sa akin. Umiling-iling ako dumiretso kung saan nakalagay ang mga personal necessities. Kumuha ako ng ilang personal na gamit at dumiretso sa counter para magbayad. Dumiretso ako kung saan sila nakaupo at sabay sabay silang ngumisi.

"Ate Skyla"

"Kung maka-Ate ka naman! Magkapatid ba kayo?"

"I'm being polite, Jake. Besides, girls like polite guys"

"Polite- polite ka pang nalalaman! Dada-moves ka rin naman"

I rolled my eyes at them. Sino bang mag-aakala na magiging malapit sa akin ang tatlong loko na ito?

"Alexavia, gusto ko ng ice cream"

"Skyla, ang lamig ng panahon at siguradong uulan pa mamaya tapos gusto mo ng ice cream? Hindi ice cream ang hanap mo. Alam mo kung ano?" Umiling ako. "..sakit. Sakit ang hanap mo. Bahala ka dyan" at siya pa talaga ang may ganang mag-walk out.

Bago ako umuwi ay dumiretso ako sa bagong bukas na 7Eleven na malapit lang kung saan ako nakatira. Alam kong malamig ang panahon pero hindi ko mapigilan ang cravings ko, lalo na't meron ako ngayon. Ugh hormones.

Kakapasok ko pa lang ng 7Eleven ng makarinig ako ng ilang sipol. Tinignan ko kung saan ito galing at nakita ko na may tatlong estudyante ng West International School na nakaupo sa table na malapit sa entrance. Hindi sila nahiyang tignan ang katawan ko.

"Ano? Ilan?"

"I say 9" sabi ng isang lalaking chinito na nakasalamin na nakatingin sa legs ko.

"8.5" sabi naman ng isang lalakeng medyo moreno na nakatingin naman sa bewang ko

"9.5" nakatingin naman ang isa sa dibdib ko ang isang 'to

Lumapit ako sa table nila at ang mga loko ay hindi man lang nahiya at patuloy pa rin akong tinitignan. Tinaasan ko sila ng kilay at sabay sabay silang napatingin sa akin.

"May kapatid kayong babae? Pinsang babae? Kaibigang babae?" sabay sabay silang tumango, Magsasalita sana ang isa sa kanila pero tinaas ko ang kamay ko. Telling him to shut up.

"Ano sa tingin nyo ang iisipin nila sa oras na malaman nila ang ginagawa nyo ngayon lang? Ilang taon na ba kayo? Heck, I bet you are all 16! High school students! What are your mothers going to say when they find out?"

Hindi ko namalayang kung anu-ano na pala ang mga sinabi ko. Matagal silang nakatingin sa akin at ang ilang tao na rin sa 7 Eleven. Uminit ang pisnge ko pero nilunok ko ang namumuong hiya sa lalamunan ko.

"Well?" Nagkatinginan silang tatlo

"Gago ka, Jake! Pag tayo inabangan ng boyfriend nyan sa kanto!"

"Ano bang naging mali? Ginaya naman natin yung ginagawa nila Louie ah? Bakit parang na-offend sya?"

"Sabi ko kasi sayo wag natin gayahin yung style bulok ni Louie eh! "

"Shit. We're all going to die virgins"

And then I laughed my ass off. Silly teens.

"Ate Skyla?" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Clarence. Si Clarence ang medyo tahimik at mahiyain sa kanilang tatlo at ang pinaka matalino rin. Medyo nerd din ang isang 'to eh.

"Ano nga ulit yun?"

"Ang sabi ko ay invited ka sa birthday ni Tasha." Tasha is Jake's 6 year old sister. At sa kanilang tatlo naman ay si Jake ang medyo seryoso at mahilig magbabad sa harap ng computer. Wala ng inatupag kundi ang mag dota.

"Sige, kailan ba yan?"

"Sa Saturay po. Mga 3 pm. Sana makapunta ka"

Ngumite ako. "Oo naman" tinignan ko si Ian at ngumisi sa kanya "Ano? Kamusta na yung nililigawan mo?"

Sumimangot si Ian "Ayun, libre lang naman ata ang habol sa akin eh"

Natawa ako sa kanya "Baka mamaya wala ka ng allowance ah."

Ilang minuto matapos ang asaran at kulitan ay nagpaalam na akong umalis sa kanila. Hinihintay kong mag-green light ng makarinig ako ng boses.

"Ahh.. Fancy seeing you here, Skyla"

Aagad akong lumingon at nakita si Kev. Naglakad siya ng ilang hakbang at tumayo sa tabi ko. TInaasan ko siya ng kilay "Whoa, don't tell me galit ka pa rin sa akin?". Hindi ko siya sinagot at mas minabuting tignan ang traffic light. Letse, ang tagal naman mag-kulay green.

"You really remind me of someone" still hindi ko siya pinansin, nang makita kong nagkulay green na ang traffic light ay hindi na ako nagdalawang isip pa na maglakad. Nakakailang hakbang pa lang ako nang tawagin nya ulit ang pangalan ko. This time lumingon na ako para tignan siya.

Ngumisi si Kev sa akin "You're really something. That's why he can't forget you" humalakhak siya.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo sa pedestrian lane, tila bumalik lang ako sa katinuan ng makarinig ako ng ilang busina ng mga sasakyan.

"Hoy miss, hanggang kailan mo balak tumayo dyan?"

Humingi ako ng paumanhin at nagmadaling bumalik sa apartment.

My Lover is the Son of a Mafia LeaderWhere stories live. Discover now