TAKE 16

3 1 0
                                    

Napabuntong-hininga na lang ako. This is it. Parang ayokong bumangon. Hindi ko alam. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko ngayon araw.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko nang maramdaman kong nagva-vibrate ang cellphone ko.

Calling...
Yumi

"Hello, Haidee!"

Nilayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng pagkakatili niya sa pangalan ko.

"Now, what Yumi? Ang aga naman yatang may concert sa bahay mo?" Nakangiwi kong sabi sa kanya.

"Sorry! It's just that.... Iiiihhhh!" Tili na naman niya.

"Sasabihin mo ba o papatayin ko ang tawag mo?"

"Heto na, heto na nga. Invited ang family namin mamaya sa anniversary ng company nila Chance. And guess what? I have a date!"

"T-then?"

"Guess who's my date?"

Medyo napangisi ako. "Obvious namang si Trevor ang date mo kaya para kang kiti-kiti d'yan."

"Alam mo, panira ka talaga ng kilig."

Doon na ako tumawa nang tumawa. Totoo naman kasi. Obvious naman. Kanino pa ba siya kikiligin?

"Yun lang ba itinawag mo?" Sabi ko sa kanya.

"Nah, siyempre itatanong ko kung pupunta rin kayo nila Tito."

"Yes, naimbitahan din kami."

"May ka-date ka na?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko siya pero natagpuan ko na lang ang sarili kong sumagot sa tanong niya.

"Oo, mayroon."

"O may gosh! Who's that lucky guy!"

"I-it's.." Bumuntong hininga muna ako. "It's Chance."

"Really? O to the M to the G! Destiny nga talaga kayo!" Tumitili na siya sa kabilang linya.

"Tigilan mo nga ako, Yumi. It's just a favor. Nakiusap kasi ang Daddy ni Chance kay Daddy. Nakakahiya tumanggi." Saka wala siyang choice kasi may ibang ka-date si Althea.

"Naks! Boto pa ang family niya sa'yo. Ibang level na ito!"

"I gotta go-"

"Joke lang, Haidee. 'Di na mabiro! Hmp! Sige na nga! Kita-kits later! Ciao!" Narinig ko na lang ang busy line. Napailing na lang ako sa kakulitan ni Yumi.

Biglang may narinig akong kumakatok sa pinto. Bumangon na ako at binuksan ito.

"Goodmorning po, Ma'am."

"Goodmorning, Manang Fely. Bakit po?"

"Ipinabibigay po ng Mommy niyo. Isusuot niyo raw po sa party mamaya." Iniabot sa akin ni Manang ang isang paper bag na galing sa isang mamahaling bilihan ng damit.

"Sige po, Manang. Salamat po. Nasaan po sina Mommy?"

"Nasa baba po. Bumaba na rin daw po kayo at kakain na raw po ng umagahan."

"Sige po susunod na ako."

Umalis na si Manang sa harap ko. Inayos ko na rin ang pinaghigaan ko at binuklat ko ang damit na binili ni Mommy para sa akin. Kulay champagne ang dress, medyo revealing sa dibdib pero maganda.

Napailing na lang ako sa binili ni Mommy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napailing na lang ako sa binili ni Mommy. Masyado talaga siyang fashionista. I can't say no to Mommy. Sasabihin niya na "mother's know best" so wala na rin akong choice.

Nilagay ko sa hanger ang dress saka ako lumabas at bumaba para kumain. Nakita ko na nandoon sina Mommy at Daddy sa kusina.

"Goodmorning po, Mommy at Daddy."

"Goodmorning, anak. Let's eat." Ngumiti si Daddy sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya.

"Nakita mo na ba ang dress na binili ko? Anong masasabi mo?" Napatingin ako kay Mommy na nakatitig na sa akin ngayon.

"It's beautiful, Mommy. Thank you po."

Napailing na lang si Daddy. "Kasama akong bumili noon, don't you think it's too revealing?"

"No, isa pa... Dalaga na ang anak natin. Kaya na niyang dalhin iyon. It's beautiful, right honey?" Lumingin sa akin si Mommy at ngumiti.

"Don't worry Daddy, okay lang po iyon." Ngumiti ako sa kanilang dalawa saka sinimulan kong sumandok ng fried rice at bacon.

"Don't eat too much bacon, honey." Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. Si Mommy. Lumingon ako kay Daddy na nakatingin lang sa akin.

"Okay, Mommy. Kaunti lang po ito."

Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos, nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at umakyat na sa kuwarto ko. Mag-uusap na naman sila panigurado tungkol sa business. Maa-out of place na naman ako. Wala kasi sina Kuya, mamayang hapon pa ang dating.

Nagbukas na lang ako ng Facebook ko. Actually, hindi naman ako masyadong nagbubukas ng Facebook. Magbubukas lang ako to keep me updated sa mga announcement sa school, o 'di kaya mag-uupload ng picture kapag sinipag o sadyang wala lang magawa, pampalipas oras.

May mga nag-add sa akin. Sina Trevor, Jap at Alonzo lang naman ang nakita kong kakilala. Siyempre in-accept ko na. Baka sabihin, snob ako.

Wala namang magandang tingnan sa Facebook. Scroll ka lang nang scroll sa newsfeed mo, titingnan ang post ng bawat friends mo - selfie man 'yan o tungkol sa mga pinopost nila. Usually, kapag toxic ang post o puro away na lang ang gusto, ina-unfriend ko. Kaya nga kakaunti lang ang friends ko sa Facebook.

Biglang may nag-pop up na notification. Message.

Jozef Aiden:
Hi, Haidee. Sa wakas. Ang tagal na kaya ng friend request ko sa'yo.

Nag-type ako ng sasabihin.

Sorry, ngayon lang ulit ako nakapagbukas ng Facebook. I'm not into this thing.

Ang gusto ko lang talagang access sa social media, Instagram at Tumblr lang. More on nature and other stuffs lang ang nasa Instagram ko.

Jozef Aiden:
Good thing nakapagbukas ka. So, are you ready for tonight?

Napabuntong hininga na lang ako. I want to say, no. Pero dadami lang ang tanong kapag sinabi ko iyon.

Sakto lang. It's just another party, anyway.

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Sinilip ko ang oras sa phone ko. Quarter to two na pala ang oras. Baka sina kuya na iyon.

Jozef Aiden is typing...

Tagal niya mag-type. Magpapaalam na lang ako.

See you, later! Gtg.

Iniscroll ko pa saglit ang newsfeed ko. Nakita ko pang nakapagpost pa si Trevor.

Trevor Rye Montemayor
Can't wait to see you.

Napangisi ako. I smell something fishy. Pinatay ko na ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now