TAKE 1

33 2 0
                                    

"Heto, invitation."

Tiningnan ko lang ang inaabot ni Yumi sa akin. Kumunot bigla ang noo ko.

"Invitation? Saan?"

"Saan pa nga ba? Alangan namang kasal 'di ba? Siyempre para sa debut ko! Nakakatampo ka! Hindi mo alam na birthday ko?!"

Natawa naman ako sa itsura niya. Nag-hysterical na agad dahil lang sa sinabi ko.

"Of course not! Alam ko naman. Gusto ko lang talagang nakikita ang itsura mong ganyan." Natatawa kong sabi sa kanya niya.

"Ayan, d'yan ka magaling. Sa asarin ako."

Lalo lang ako natawa sa pagbusangot niya. Parang hindi nga magdedebut ang edad.

"Isa ka sa 18 candles ha. Galaxy ang theme."

"Okay, sorry na. Huwag ka nang bumusangot."

Tumawa lang siya at niyakap ako. Binaba ko ang binabasa kong libro ni Bob Ong na "SI" at niyakap ko rin siya pabalik. Napangiti na lang ako.

"Basta, aasahan kita ha. Isa ka kaya sa mga matatalik kong kaibigan. Hindi ka pwedeng mawala roon."

"Of course, I will be there. Papaalam ako kay Mommy."

"No need, actually naipaalam na kita. Alam mo naman, amiga sila ni Mommy."

"Sige, punta na ako sa next class ko. Kita-kits na lang sa Sabado!" paalam ko sa kanya.

"Sure! Kasi naman! Kung bakit kasi humiwalay ka pa sa akin ng kurso! Magkahiwalay tuloy tayo. Sige! I gotta go! Bye Haidee!" kumaway na siya at lumabas na rin sa cafeteria.

Si Yumi Kiara Buenaventura, kaibigan ko simula bata pa. Magkaibigan din kasi ang aming mga Mommy kaya pati kami naging magkaibigan. Madalas kaming nagkikita sa mga parties na dinadaluhan ng aming pamilya kaya naman naging close kami. Magkasosyo rin ang aming mga Daddy sa kompanya namin ng alak. Ang Valderama's Brewery. Sikat sa buong Asia ang mga beer at iba pang alak na binebenta ng company namin. Kaya namin sila naging kasosyo kasi mayroon silang Trucking at Airlines na silang nagdadala ng produkto namin sa ibang bansa at parte ng Pilipinas.

Ngayon lang kami nagkahiwalay dahil Education ang kinuha kong kurso kasi sina Kuya Hezekiah at Kuya Hansel naman ang nag-Business major, kaya hindi ko na kailangan pang sundan ang yapak ng aming mga magulang. Atsaka isa pa, gusto ko talagang magturo.

Ikalawang taon ko na ito sa college, major in Social Studies ang kinukuha ko. Samantalang si Yumi, Finance ang major at siyempre, Bussiness Ad ang course niya.

"Anong sinabi mo?!" Bigla akong napalingon sa kabilang table sa cafeteria, actually lahat kaming tao rito sa cafeteria sa babaeng napatayo sa upuan niya.

"Ang sabi ko, wala namang "tayo", ikaw lang ang nagpupumilit na maging girlfriend ko." Napatingin ako sa lalaki. Ano bang bago sa kanya.

Chancellor Yzmael Villafuente. Kilala siya sa school, kasi vocalist siya ng kilalang banda dito sa university na TEMPEST, plus the fact na babaero siya at 'yan ang patunay.

"I hate you!" Sabay walk-out ng babae.

"Another scene? Ibang klase ka talaga, Chance!" Sigaw sa kanya ng katabi niya sa table. Si... Alonzo? Gitarista nila.

"Araw-araw na lang na may nagke-claim na girlfriend mo, share mo naman sa amin, 'di ba Jap?" Siko naman nung katapat ni Alonzo, si Trevor, bassist nila.

Tumango lang 'yung kinausap nilang si Jap, 'yung drummer. Bihira lang magsalita ang isang 'yon.

Nagkibit-balikat lang si Chance sa narinig sabay ngisi. Para bang normal na sa kanya 'yon. Bakit ko alam? Simple lang. Madalas ko silang makita at mmasyado lang akong nagiging observant. Napailing na lang ako kay Chance.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon