TAKE 4

18 2 0
                                    

Nakakatamad naman ang weekend ngayon. Natapos ko naman na agad ang mga assignment ko. Ayoko nang natatambakan ng mga gawain.

Nagbo-browse lang ako sa Facebook. Nakita ko ang mga post at selfie ng mga kaklase ko at piling mga kaibigan. Nililike ko na lang kada may madaanan ako na post para may magawa.

Yumi Kiara Buenaventura messaged in High School Buddies.

Yumi Kiara: Wazzup guys, see you later!

Excited talaga siya. Oo nga pala mamaya na 'yun. Sa wakas matatanggal na rin ang katamaran ko. May pupuntahan na party.

Julie: Yes naman! Excited na ako!

Precious: Me, too! You're so lucky! Nandoon ang Tempest! Oh my gosh! I can't wait na makita sila!"

Trina Leigh: Magdadala talaga ako ng pentelpen! Papa-autograph ako sa kanila.

Yumi Kiara: Akala ko kaya kayo excited dahil magkikita na ulit tayo. Dahil pala sa Tempest :( Kidding! Me, too. Excited na rin!

Macey: We love you, Yumi. Excited din kami makita ka! Pero mas nakakaexcite kasi ang pag-imbita mo sa Tempest. Hihihi.

Precious sent a photo.

Puro picture ni Chance ang pinagsesend ni Precious sa Group Chat. Mayroong habang kumakanta si Chance sa stage, mayroong nakaformal at serious face, mayroon ding kuha sa beach at kita ang katawan. Napasimangot na lang ako dahil naalala ko ang nangyari kahapon, tapos nakikita ko pa ang mga litrato na ito.

Julie: Gosh! Papa Chance! Ang yummy!

Macey: Kanin na lang kulang.

Precious: Sorry. Akin lang siya.

Julie: Ako legal wife. Sorry. Natikman ko na rin siya.

Napangisi na lang ako sa dalawa.

"Haidee! Nandito na si Chesca. Aayusan ka na niya."

"Sige po mommy. Papasukin niyo na po siya."

Ibinaba ko na ang phone ko at hinayaan silang mag-usap sa group chat. Sineseen lang naman din ng iba.

Saktong katatapos-tapos ko lang din namang maligo at magbihis. Nandito na 'yung kakilala ni Mommy na magme-make-up sa akin.

Saglit lang naman akong inayusan dahil light make-up lang pinalagay ko. Hinighlight niya lang naman daw ang mga features ko, kaya hindi na siya nahirapan.

"Ang ganda talaga ng anak mo, Gracia."

"Kanino pa ba magmamana ang anak ko?"

"Siyempre tita, sa inyo!" Nagtawanan lang sila at nagsimula na akong ayusan.

"Perfect! Ano ang masasabi mo tita?"

Nakatingin silang parehas sa akin sa salamin.

"Iba talaga ang magic mo pagdating sa pagme-make-up, Chesca."

Maging ako, hindi makapaniwala sa ayos ko ngayon. Maganda ang pagkaka-make-up sa akin. Simple lang, tapos kinulot ang dulo ng buhok ko na hanggang bewang ang haba.

"Salamat, tita! Ikaw pa ba! Ang lakas mo sa akin! Saka likas na maganda ang anak mo."

"Osya. Sige na. Anak, maghanda ka na. Ipatatawag ko na ang driver natin."

"Sige po. Thank you po sa inyo." Lumabas na sina Mommy sa kuwarto ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Galing kay Yumi.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon