TAKE 13

11 0 0
                                    

Free cut.
Walang mga professor. May emergency meeting para sa darating na foundation day ng school. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta. Nagawa ko na lahat ang mga dapat gawin. Ayoko pa namang umuwi.

"Haidee!" Napalingon ang lahat sa tumawag sa akin. Kasalukuyan kasi akong naglalakad sa hallway.

"Bakit Alonzo?"

"Free cut ngayon. Tara sa studio namin!"

"Ha? Pero-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinatak. Nagpatianod na lang ako.

Pupuntahan ko sana si Yumi kaya lang hinatak naman ako nito. Pinagtitinginan na nga kami ng iba, akala yata nila may something sa amin ni Alonzo.

"We're here. Nandito rin si Chance. Sinabi na namin sa kanya."

Ewan ko pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Marahil siguro sa kaba ko na sumali rito sa banda na ito.

Sinundan ko lang si Alonzo at pumasok na ako sa studio nila. Medyo maluwag ang studio nila. May isang malaking salamin at nagkalat ang mga instruments nila. May malaking sofa at dalawang bean bag. Malamig sa studio nila dahil sa aircon.

"Nand'yan na pala si Haidee."

Napatingin ako kay Trevor at kumaway siya sa akin. Sinalubong naman ako ni Jap.

"Hi, Haidee! Welcome sa studio namin. At dahil magiging part ka na ng Tempest, dito ka na rin makikistudio." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Uh... S-salamat."

"So, Chance. Ano? Pumayag na si Haidee!" Hinanap ng mga mata ko si Chance. Nandun siya nakaupo sa harap ng drums at tila ay inaayos. Nang magsalubong ang mga mata namin, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng uneasiness.

"Okay."

Natahimik ang lahat sa sagot niya. Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik.

Tumikhim si Alonzo na nasa tabi ko at umakbay sa akin.

"So, let's start! Sabi kasi ng President ng School na ito, which is Lolo ko... Tutugtog daw ang Tempest sa Student's Night sa Foundation day... So, maganda oportunidad na isama ka na namin sa foundation day."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Bakit biglaan naman?! 2 weeks from now, foundation day na!"

"Naniniwala kaming kaya mo 'yan. Ikaw pa ba." Sabi ni Jap na nasa harap ko at pasimpleng tinapik ang kamay ni Alonzo na nakaakbay sa akin.

"Pero-"

"Madaraan sa practice 'yan so, let's start?" Napalingon kami kay Trevor na nakasabit na sa katawan niya ang Bass niya.

Parany ang bilis naman yata. Lalabas na ako kasama ang Tempest sa Foundation Day? Why?!

"Can you sing one song?"

Tumayo na si Chance sa kinauupuan niya at kinuha ang mic na nakalagay sa mic stand.

"Sino? A-ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Sino pa nga ba?" Tumingin siya sa mga mata ko at sinenyas na kuhanin ko ang mic na iniaabot niya. Ang yabang talaga!

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya para kuhanin ang mic.

"Anong kanta?"

"Kung saan ka komportable." Sabay alis niya sa harap ko at sumenyas kina Jap at Alonzo. Nagpunta na sa kanya-kanyang pwesto ang dalawa samantalang siya, naupo sa isa sa mga bean bag.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaya ko ba kaya ang kumanta sa harap ng maraming tao?

"Haidee, anong kanta?" Doon lang ako natauhan. Wala akong maisip na partikular na kanta ngayon pero bumulong ako kay Jap kung anong unang pumasok sa isip ko.

Ibinulong niya ang kakantahin ko sa dalawa at nag-thumbs up sa akin si Alonzo at Trevor.

Inayos ko ang sarili ko at humarap sa nakatinging si Chance. Nakahalukipkip siya at matamang nakatingin sa akin.

Tumingin ako kina Alonzo at sumenyas na.

Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka

Napapikit na lang ako habang ninanamnam ko ang bawat lyrics ng kanta.

Nagmulat ako ng mata. Nakita kong matamang nakatingin sa akin si Chance. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko.

Asahan mong mula ngayon
Pag-ibig ko'y sa'yo...

Hindi ko na tinapos ang kanta. Ngumiti lang ako kina Alonzo.

"I-is it enough?" Kinakabahan man ako, pero nagawa kong tanungin siya.

"Pwede na." Umalis siya sa harap ko at tumungo sa tabi ko.

"Okay, let's start rehearsing! These are the songs that we are about to sing." Natagpuan ko na lang ang sarili kong tinitingnan siya na ini-iscan ang lyrics sheet na nasa harap naming dalawa.

"Great choice!" Puri ni Trevor ng makita niya ang line-up ng mga kakantahin namin.

"G na G na ako! Let's start!" Sigaw ni Alonzo.

"Ano na namang kajejehan 'yan, Alonzo!?" Sabat ni Trevor.

"You mean, 'yung G na G? Ano ka ba naman, Trevs! Hindi kajejehan 'yun! Millenial kaya 'yun. Meaning gigil na gigil. Duuuuh?!"

"Ang bading mo talaga, Matanglawin."

"Shut up, Trevor!"

Napailing na lang ako sa dalawang ito. Tiningnan ko rin ang line-up ng kanta. Kinakabahan man ako, pero kakayanin. Ayokong mapahiya ang Tempest sa foundation day.

"Tumigil na nga kayo. Let's start practicing these songs."

"Okay, Sir Chance!" Sumaludo pa si Alonzo kay Chance.

Napatingin naman ako sa gawi ni Jap. Tumangi lang siya sa akin.

Kaya mo 'yan. He mouthed.

Ngumiti lang ako sa kanya.

So help me, Lord!

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now