TAKE 14

6 0 0
                                    

Hindi ako mapakali. Sinasabi naman ng Tempest na sa tuwing magpapractice kami, okay naman ang performance ko. Pero minsan, hindi maalis sa isip ko na baka hindi ko kayanin. Baka mapahiya sila dahil sa akin.

"Ang nega mo talaga, Haidee! Cheer up! Hindi maganda sa katawan ang bad vibes!" Sigaw sa akin ni Yumi. Nandito kami sa cafetearia ng school. Lunch break.

"Kasi naman, first time ko sumali sa ganito. What if-"

"Puro ka what if! Sinabi na nga nila sa'yo na okay ang performance mo. In the first place, hindi ka nila kukuhanin kung wala silang nakitang potential sa iyo!"

"Sorry na, Yumi."

"Kakahighblood ka, Haidee!" Umirap lang sa akin si Yumi. Napayuko na lang ako at inikot-ikot ko ang noodles ng carbonara na kinakain ko.

One week from now, tutugtog na ang Tempest. Kaya lalo akong napepressure.

"Anyway, pwede ba ako manood sa rehearsals niyo? Sige na, pilitin mo si Chance."

"Sabi niya na sa'yo 'di ba? Ayaw niya." Napatingin ako sa kanya habang sinisipsip niya ang strawberry milkshake niya.

"Hmp! Oo, ayaw niya raw ng distraction! Baka naman nadidistract siya sa kagandahan ko?"

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ang hangin, Yumi! Bagyong Yumi on the go!"

"Tse!" Inirapan niya lang ako.

"If I know, may gusto ka lang titigan d'un!" Ngumisi ako sa kanya.

"Ehehehe..." Namula 'yung pisngi niya sa sinabi ko.

"Guilty ka noh? Nako Yumi. Basta, mapapanood mo naman kami sa foundation day, okay?"

"Ano pa nga bang magagawa ko? Basta, I won't miss it! Kasi, kasama ka na nila!" Ngumiti lang siya sa akin.

Maya-maya, nagpaalam na rin siya dahil may pasok pa siya ng 1pm. Ako, 2:30pm pa. Kaya nag-advance reading muna ako sa isa sa mga Educ subjects ko. Minsan kasi, may topak 'yung mga professor namin sa Educ, nagpapaquiz muna bago discussion. Ang dahilan nila? Dapat kaming mga future educators daw, laging nag-aadvance reading.

Nagulat ako dahil may biglang papel na lumitaw sa librong binabasa ko. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Chance na nakaupo na sa harap ko. Hindi ko napansin ang presensiya na.

Kumunot ang noo ko. "Ano ito?"

"Just read it."

Tiningnan ko ang laman ng papel - hindi pala siya papel kundi invitation. Invitation sa kompanya nila?

"Ibibigay ko ba ito kina Mommy at Daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Nope, may ibinigay na rin na invitation sa kanila."

"Bakit mo ako binigyan nito, kung gano'n?"

"Because you'll be my date."

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Y-you're what?"

"Date." Humalukipkip pa siya sa harap ko.

"Sino namang maysabi na papayag ako?"

"You have no choice."

"But-" Nagulat ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

Calling...
Daddy

"Hello, Daddy?"

"Hello, anak? Are you busy?"

"N-no, Daddy. Not at all. Why po?"

"Na-receive mo na ba ang invitation galing sa company nila Tito George mo?"

Napatingin ako kay Chance na nakahalukipkip pa rin sa harap ko.

"Yes po. Iniabot po sa akin personally ni Chance."

"Good. So na-inform ka na rin niya na ikaw ang date niya?"

"P-po?!" Nanlaki ang mga mata ko. Nakatingin sa akin si Chance at biglang ngumisi. Para bang sinasabi niyang 'See? I told you'.

"Actually, your Tito George asked me na kung pwede kayo na lang ang maging date sa event na 'yan. Boto kasi sa'yo ang asawa niya. Anniversary ng company nila."

"P-pumayag po ba kayo, Daddy?"

"Hinihintay lang namin ang desisyon mo anak. Ayaw mo ba? I know na kilala mo naman si Chance, right?"

Napapikit ako. Oo, hindi na nga ako sumunod sa field ng business na tinahak nilang lahat. Tapos simpleng pabor lang na ganito, hindi ko pa gagawin?

"I-it's okay, Daddy."

"You sure? Baka hindi ka naman komportable."

"Okay lang, Daddy. Kilala ko naman siya. Siya po 'yung kasama ko sa Tempest, 'yung banda po na sinalihan ko, right?"

"Oh, I see. Okay, anak. I'll tell you Tito Hunter. Study well. I love you."

"Love you too, dad."

He ended the call. Nanatiling nakatingin sa akin si Chance.

"So..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"How about Althea?" bungad ko sa kanya. Naguguluhan ako. Bakit ako gayong may girlfriend naman siya?

He darted his eyes on me. "None of your business."

"None of my business? Magiging date mo ako, tapos none of my business?!"

"She has a date. And her family don't want me to be her date. Happy?"

Nakita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya. Yumuko na lang ako. Wala na akong masabi. Siguro, kaya palihim silang nagkikita kasi ayaw ng pamilya ni Althea kay Chance. Pero bakit?

Tumayo na siya at namulsa sa harap ko. "Tomorrow. 7pm. Susunduin na lang kita sa inyo."

Tumango lang ako sa kanya. Nilapag niya ang cellphone niya sa harap ko.

"Save your number. Para may contact ako sa'yo."

Hindi na ako umimik at nilagay ko ang number ko sa cellphone niya.

"I'll just text you."

Umalis na siya bigla sa harap ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano ba itong napasok ko?

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum