TAKE 9

34 2 1
                                    

"The mass has ended. Go in peace. Love, and serve the Lord."

"Thanks be to God." sagot ko sa pari. Pumalakpak ang lahat at nakisabay ako. Hinintay ko munang lumabas ang lahat bago ako lumabas ng simbahan. Hindi ko kasama si Kuya Hezekiah kasi dumaan na rin pala siya ng simbahan kanina bago siya umuwi. Ako na lang mag-isa ang nagsimba.

"Ma'am, saan na po tayo?"

"Sa malapit na restaurant po. Kakain na po ako doon." Tumango lang sa akin si Mang Antonio.

Minsan talaga nakalulungkot ang mag-isa. Busy kasi silang lahat. Hindi naman ako maka-relate sa kanila kasi iba ang kinuha kong kurso. Hindi talaga kasi ako nababagay sa business field. Gusto kong magturo. At ang balak ko, magpatayo pa ng sarili kong paaralan para sa mga kapos na bata.

"Ma'am, nandito na po tayo."

"Sige manong, salamat po. Tara po kain po tayo."

"Nako, huwag na po. Dito na lang po ako sa malapit na karinderya. Hindi po sanay ang sikmura ko sa mga ganyan."

Ngumiti na lang si Manong. Ayaw rin naman niya kasing pinipilit siya.

"Sige po. Saglit lang naman po ako."

Tumango na lang siya at pumasok na ako sa loob. Umorder lang ako ng carbonara, garlic shrimp at garlic bread. Sobra kasi akong nag-crave sa ganitong pagkain. Since tinamad ako magluto dahil ako lang din naman ang mag-isa kakain sa bahay.

"Ang mabuti pa, itigil na natin ito. Wala nang patutunguhan pa ang relasyong ito."

"Hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon."

"Paanong hindi ko maintindihan? Ano pa bang dapat kong intindihin?"

"Ginagawa ko ito para sa atin."

Alam kong masamang makinig pero malapit lang kasi sa table ko ang dalawang magkasinthan siguro na nagkakalabuan. Actually, nasa likod ko lang sila. Medyo malakas din kasi ang usapan nila.

"Para nga ba sa atin? Kasi hindi ko maintindihan na talaga. Gulong-gulo na ako... Sobra."

"Lianne..."

"Isang tanong, isang sagot. Mahal mo ba talaga ako, Kael?"

"Mahal naman kita, Lianne. Pero-"

"Mahal mo ako, pero may "pero". Laging may kasunod. Kaya ba napili mong makipagkita sa iba? I don't deserve this."

"It's not what you think-"

"Dahil kung mahal mo ako, ipaglalaban mo ako. Hindi 'yung ganito."

Bigla na lang akong may naramdaman na malamig sa likod ko. Napatayo ako sa lamig na naramdaman ko.

Napatingin ako sa likuran ko. Nasa likod ko ang isang lalaki na naka-polo shirt na puti at khaki pants. May nakatayong babae na nakasuot pa ng eleganteng black dress na may hawak na baso na sa tingin ko, ang nakatapon ng tubig sa akin.

"Sorry, miss. Hindi talaga para sa'yo ang tubig na iyon. Para dapat sa lalaking ito."

"I-it's okay." Pero deep inside medyo nainis ako. Malamig kasi ang tubig at nanlamig ang buong sistema ko.

"Pasensiya na talaga." Yun lang at nagmamadali nang lumabas ng restaurant ang babae. Tiningnan lang ako ng lalaki at tumayo na rin para sundan ang babae na tumakbo sa labas.

Hindi ko na pinansin pa at pumunta na ako sa powder room. Bubuksan ko sana 'yung pinto ng maramdaman kong naka-lock.

"Lagi na lang bang ganito ang makikita ko?! Ilan pa bang lalaki ang iseset-up sa'yo ha?"

"Please do understand, Hans. Alam mo naman na kapag nalaman nila Mommy ang tungkol sa atin, paghihiwalayin lang tayo lalo!"

Kaya pala nakasara ang pinto. May nagtatalo sa loob. Kota na yata ako sa mga drama sa paligid ko.

"Gustong-gusto kong ipagsigawan na akin ka! Kung alam mo lang 'yung pakiramdam na parang may tumutusok sa dibdib ko sa tuwing may kasama kang iba. Ako dapat 'yung kasama mo sa table na kumakain at nakikipagtawanan. Ako dapat!"

"Nag-uusap lang kami for formality! Walang ibang malisya! Parehas lang naman kaming sinet-up ng mga magulang namin!"

"Para matigil na, sabihin na natin sa parents mo ang tungkol sa atin. Pumunta tayo sa inyo."

"No! I won't let it happen!"

Biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko sa taong nasa harap ko.

"What are you doing here?"

Akala ko ba nasa isang event sila? Battle of the Bands?

"H-ha?" Nabigla ako sa biglang pagbukas ng pinto. Hindi ko namalayang nakikinig na pala ako sa kanila kanina.

"I said what are you doing here?"

"Uhh... P-papasok sana para mag-ayos ng sarili?"

"Sino 'yan, Hans?"

Napatingin ako sa babaeng sumilip sa loob.

"H-hi?" Sabi ko sa babae.

Si Althea at si Chance? Kailan pa?

"H-hi."

Tipid lang na ngumiti sa akin si Althea. Tumingin lang sa akin si Chance. Napayuko na lang ako.

"Ahm... Mag-aayos ka ba ng sarili mo?"

"A-ah, ano... Oo sana."

"Sige pumasok ka-"

"Tara na, Thea." Biglang hinatak ni Chance papalabas ng powder room si Althea. Nabunggo pa nga niya ako pero hindi na siya nag-abala pang lumingon at mag-sorry. Dumiretso na ako sa loob at inayos ang sarili ko.

May relasyon sina Althea at Chance? Kailan pa kaya? Gaya ng sabi nila, parang tago ang relasyon nila na ito kaya hindi ko sila nakikitang magkasama sa school.

Ano nga ba namang paki ko? Hindi ko na dapat pang pinakikialaman ang mga bagay na 'yan.

Buti na lang medyo makapal ang suot kong t-shirt kaya hindi halata 'yung nabasa sa akin. Napabuntong-hininga ako at lumabas na.

Pagdating ko sakto sa table ko, nandoon na ang lahat ng order ko. Ngumiti ako at sinimulan ko nang kumain.

Natanaw ko naman na si Mang Antonio sa labas nang matapos akong kumain kaya lumabas na ako. Papahakbang na sana ako pababa ng maliit na hagdan sa labas ng restaurant pero may tumawag sa pangalan ko.

"Haidee."

Nagulat ako sa nagsalita nang makalabas ako.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

Tumingin si Chance sa akin na nakasandal sa gilid at nakahalukipkip. Tumayo siya at nilagay ang kamay niya sa bulsa niya. Ngumisi pa siya sa akin.

"Alam kong may narinig ka kanina. And I want you to keep your mouth shut.

"Excuse me?"

"Narinig mo ang sinabi ko." Ngumisi ulit siya sa akin. "Tatagalugin ko. Ang sabi ko, alam kong may narinig ka kanina at gusto ko na 'wag mo na ipagsabi sa iba."

Tumawa ako nang pagak. Napakayabang ng taong ito.

"Unang-una, ikaw ang may kailangan pero ganyan mo ako kausapin? Hindi mo ayusin ang pananalita mo. And for your information, I don't care. Hindi ko naman sinasadyang marinig. At wala akong pakialam. Hindi ko ugali ang magkalat ng tsismis."

"Good, then. Ayokong mapahamak si Althea."

Nagsimula na siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Napabuntong-hininga na lang ako sa inis. Siya ang hihingi ng pabor pero ang yabang ng dating? Saan ka pa?

Kasisimba ko lang, mukhang magkakasala na agad ako.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now