TAKE 6

24 2 1
                                    

Natapos din ang kahihiyan. Grabe. Ang tagal ko na ring hindi nakakakanta. Ayoko nang masyadong exposure. Hindi naman kasi mataas ang range ng boses ko. Puro acoustic lang ang kinakanta ko noon, 'yung mga matataas, kinukuha ko sa mababang note.

"Wala pa ring kupas si Acoustic Princess." kantiyaw ni Obet, kaklase rin namin noong high school nang makabalik ako sa table namin. Napailing na lang ako.

Nag-proceed na rin sa 18 roses. Natatawa ako nang si Trevor na ang nagsayaw kay Yumi. Kung sa iba, dinadaldal niya, bigla naman siyang tumiklop sa harap ni Trevor! Sa sobrang sutil ko, kinuhanan ko pa sila ng litrato. Ipangba-block mail ko lang sa kanya minsan.

Pagkatapos noon, nagsimula na ang kainan. Lumibot sila Yumi, kasama ang kanyang Mommy sa bawat table.

"Hija, thanks for granting Yumi's request." Bineso niya ako at niyakap.

"Wala pong problema, tita. Malakas po siya sa akin eh."

"Hindi talaga ako matatanggihan niyan Mommy kasi alam niyang magtatampo ako." Singit ni Yumi na ikinatawa naming tatlo.

"By the way, iha. Nasaan sina Mommy mo?"

"Kauuwi lang po ni Dad galing sa ibang bansa para po sa ipinatatayo niyang branch po. Si Mommy naman po gusto rin pong magpahinga kaya hindi na po sila nakapunta."

"Ang dalawa talaga na iyon, sabi na ngang maghinay-hinay lang sa pagtatrabaho. O siya sige, punta muna ako sa mga business partners namin. Ikumusta mo na lang ako sa kanila."

"Yes po tita. I will."

Umalis na si Tita at naiwan kami ni Yumi. Tiningnan ko siya at ngumisi nang nakakaloko.

"Kumusta? Anong feeling na isinayaw ka na ng crush mo?"

"Sabi ko na aasarin mo na naman ako!"

"Nang-aasar? Nagtatanong lang ako!" Hinampas niya ako sa braso.

"Thank you, talaga. Lalo na kanina."

"Sus, wala 'yon! Tara na nga't kumain d'on. May mga mallows saka chocolate fountain!"

Hinila ko siya at kumain na roon. Nakipag-usap din kami sa mga bisita niya na kakilala ko rin. Hindi ko namalayang nakalapit na naman kami sa table ng Tempest.

"Hi, Haidee! I didn't know that you can sing." Bungad sa akin ni Jap.

"Actually, kumakanta na talaga siya noon sa school namin noong high school kami! Ewan ko ba naman sa kanya kung bakit hindi na niya itinuloy ngayon." Siniko ko si Yumi sa sinabi niya. Napakadaldal din nito eh.

"Really? Ang ganda nga ng boses mo. Promise. I want you." Sabay kindat sa akin ni Alonzo.

"Ayan ka naman, Matanglawin! She's off limits!"

"Ano ba, Trevor! Hindi nga matanglawin 'yun eh. Hawkeye. H-A-W-K-E-Y-E."

"Tumigil ka nga. Ini-english mo pa ang apelyido mo. Sumbong kita sa tatay mo." Pinanlakihan pa siya ng Trevor ng mata.

"Hala, sorry po tatay! Hindi na po ako magrereklamo sa apelyido ko. Pero bakit ba kasi 'matanglawin' pa! Pero sige na, bawi naman sa pangalan." Pinagsalikop pa niya ang dalawa niyang kamay at tumingin sa itaas. "May you rest in peace, 'tay!"

Nagtawanan kaming lahat sa kakulitan ni Alonzo.

"Ayan, d'yan ka magaling, sa kalokohan mo!" Kantiyaw ni Trevor sa kanya.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now