TAKE 15

4 0 0
                                    

Medyo kaunti lang naman na ang mga estudyante ngayon dahil kaunti lang ang ibinibigay na schedule sa araw na ito. Last day of the week, I guess?

Nilagay ko lang ang earphones sa tainga ko habang hinihintay ang mga kaklase ko ngayon sa Philosophy. Masyado yata akong napaaga sa klase ngayon. May klase kasi si Yumi kaya maaga akong kumain ng lunch. Pinapakinggan ko lang ngayon 'yung mga kanta na kakantahin namin sa Foundation day. Next week na nga pala 'yun.

Pumikit na lang ako habang ninanamnam ko ang kanta, ang bawat lyrics at bawat melody ng kanta...

Napadilat ako nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin. Nagulat ako na nasa harap ko ngayon si Jap. Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko.

"Uy, Jap! Aga mo yata?"

"Look, who's talking." Ngumiti siya sa akin at iniabot ang tinanggal kong earphones at inilagay niya sa tainga niya saka tumabi sa akin. "Oh, heto 'yung kakantahin natin. Masyado mo yatang dinidibdib ang tugtog natin next week?"

"Siyempre naman! Kailangan! Mamaya ako pa ang dahilan ang pagkapahiya niyo."

"Wala kang bilib sa kakayahan mo?" Napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin siya sa akin. Nahiya ako bigla kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi naman sa wala. Natatakot lang ako na magkamali."

"Kaya mo 'yan. Nananalig kami sa kakayahan at galing mo. Isa ka sa magiging asset ng banda. 'Wag ka na mag-panic? Do your best. Kasi kapag iisipin mong hindi mo kaya, hindi mo talaga makakaya. Naiintindihan mo? It's just mind over matter. Isipin mo na kaya mo, okay?" Lumingon ulit ako sa kanya. Bigla siyang kumindat at ngumiti.

Ngumiti lang din ako sa kanya at tumango. "O-okay. Thank you..."

"Uh-huh." Pumikit lang siya habang nakikinig kami sa susunod na kanta. Walang may gustong magsalita sa amin. Nakikinig lang kami sa tugtog na nagmumula sa cellphone ko.

Hanggang sa isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin. Dumilat siya at nakangiting iniabot ang isang earphone ko.

"Imbitado ka ba bukas sa anniversary ng company nila Chance?"

Tumango ako. "Yup. Magkakilala kasi ang Daddy ni Chance at Daddy ko."

"I see. May ka-date ka na ba?"

Natigilan ako sa tanong ni Jap. "Uhm... Mayroon."

Medyo nagulat siya sa sagot ko pero agad ding nawala ang expression na 'yun sa mga mata niya.

"Sino?"

Napalunok na lang ako.

"Goodafternoon, class."

Napatingin kami sa nagsalita. Nand'yan na pala 'yung professor namin. Umayos na kami ng upo at hindi ko na nasagot si Jap sa tanong niya.

Itinago ko na ang cellphone ko para makinig sa kanya. Ayoko nang ma-bingo sa kanya.

Napatingin ako sa katabi ko, si Jap na ang katabi ko. Pero bakit wala yata si Chance?

"Hindi mo yata kasama si Chance?" Pabulong kong sabi kay Jap.

"Hindi na yata papasok 'yun. May emergency raw sabi niya."

Tumango na lang ako at nakinig na sa professor namin.

"Now, for your first term. I want all of you to pick a partner. I will give these handouts and review it well. It will be a group exam. Sinasabi ko na nang maaga para mapaghandaan niyo. A week after foundation day, exam week na."

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon