TAKE 2

27 2 1
                                    

Dumiretso na lang ako sa 7/eleven para bumili ng red tea. Kapag naiistress talaga ako, ito ang gustong-gusto kong iniinom. Kahit masakit na ang lalamunan ko dahil dito, sige lang.

Iniisip ko rin kasi 'yung saan ako bibili ng damit para sa debut ni Yumi. Kaya, heto. Natagpuan ko ang sarili ko na nagpunta sa kalapit na mall. Nakailang ikot na ako sa nga stalls ng damit pero wala pa rin akong mahanap na susuotin. Hindi kasi ako matiyaga sa ganitong bagay na naghahanap ng mga damit. Kung ang ibang babae, gustong-gusto mag-shopping, ibahin mo ako. Ni magsukat ng damit kapag namimili, kinatatamaran ko. Si Mommy lang naman talaga ang bumibili ng damit ko.

Ayoko naman kasing abalahin sila. Kaya sa huli, nauwi ako sa store ng Forever 21.

Sinilip ko ang oras sa phone ko. 11:30 pm. Medyo kumakalam na ang sikmura ko dahil red tea pa lang naman ang ininom ko kaya naman pumunta na ako sa Jollibee at umorder ng 2pcs. chicken joy.

"Buti pa ang chicken, may joy. 'Di ba?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Nagulat ako, 'yung kasama ni Chance kanina na nag-add sa klase namin. Si Jap. Nakatingin siya sa akin.

Nagkibit-balikat ako at tumalikod na sa kanya dala-dala ang inorder ko. Ano kayang pumasok sa isip niya at humugot pa siya nang wala sa lugar?

Kumain na lang ako at hinayaan ang nangyari.

"Mind if I sit here?" Napaangat ako sa nagsalita. Siya na naman.

"Uhh..." Nilibot ko ang paningin ko. Marami ng tao dahil lunch na nga. Wala na akong nakikitang bakante na mauupuan.

"S-sige."

"Thank you. Pasensiya na kasi wala nang vacant table. Don't mind me so you can eat in peace." Napatango na lang ako at umupo na siya sa harap ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Nagulat ako nang may makita ako na parang may tumalsik.

Napatingin ako sa nasa harap ko. Inangat niya ang disposable spoon niya... na putol.

"Uhh.. Naputol 'yung spoon ko."

Napatingin ako sa kinakain niya. Parehas pala kami ng in-order.

"Alam mo, mas masarap kainin ang chicken kapag kinakamay." Itinaas ko ang chickenjoy na kinakain ko.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan niya ang kamay niya bago niya kinuha ang chicken.

"Kaya naputol ang disposable spoon mo, pinilit mo kasing kutsarahin ang manok. Pwede namang kamayin."

"I... I didn't know."

Kumunot ang noo ko.

"Ngayon lang kasi ako kumain sa ganito.. Fast foods."

Napatango na lang ako at nagsimula na ulit kumain. "Bakit mo naman naisipang kumain dito?"

"N-nacurious lang ako. Nakikita ko kasi 'yung ibang tao na sarap na sarap kumain dito. Nagsasawa na ako sa mga mamahaling pagkain sa restaurant."

Tiningnan ko siya. Halata ngang maykaya sa buhay. Kung tutuusin, maykaya rin kami pero tinuruan kami nila Mommy na huwag maging masyadong maluho. Dahil galing si Mommy sa hirap.

"Nagsasalita ka pala?" Nasabi ko na lang sa kanya?

"Ha?"

"Wala. Ikaw kasi ang nakikita kong pinakatahimik sa banda niyo."

"Tao pa rin naman ako na nakapagsasalita."

"Wala akong sinabing hindi." Nginisihan ko siya at nagpunas na ng bibig gamit ang tissue.

Tumayo na ako.

"Enjoy eating. Next time, kapag kakain ka ng chicken, huwag mo nang kukutsarahin. Baka kasi sa susunod, 'yung chicken na ang tumalsik. Sayang. Masarap pa naman ang chicken dito."

Ngumiti ako at tinalikuran siya pero hinawakan niya ako sa braso.

"W-wait. I'm-"

"Jozef Aiden Panganiban, drummer of Tempest, right?"

"Uh... Yes. Kilala mo pala ako?"

"Sino bang hindi nakakakilala sa banda niyo? Sobrang sikat kayo hindi lang sa school, kundi pati sa buong bayan natin."

"Sabi ko nga, classmate."

"Sige na. I have to go. May klase pa ako."

"Hindi ka ba magpapakilala sa akin?"

Tumaas ang kilay ko.

"Kidding. Kanina ko lang nalaman ang pangalan mo dahil sa ginawa ni Chance. Haidee, right?"

"Yes."

"Sorry pala kanina sa inasal ni Chance."

"Bakit ikaw ang nagsosorry? Saka hayaan mo na 'yun."

Tumayo na rin siya at nagpunas. "Hatid na kita, okay lang?"

"Ah. No need. Tapusin mo na 'yang kinakain mo."

"It's fine-"

"I can handle myself, okay? Bye."

Tumalikod na ako. Napailing ako habang naglalakad. Akala ko, tahimik siya pero mukhang hindi naman pala?

Naglalakad na ako papasok sa klase ko nang mapadaan ako sa music room.

Hindi mahanap sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap na lang
Himala
Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala

Napasilip ako sa bintana. Nakita ko isang pigura ng lalaking may hawak ng gitara. Sa sobrang curious ko kung sino, lumapit pa ako sa bintana.

Kasalanan bang humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Sakto namang pagpihit ng kung sino ang nasa loob. Bigla na lang kumabog nang malakas 'yung puso ko nang makita ko siya. Si Chance. Nagkasalubong ang aming mga mata.

Nanlaki ang mata ko at biglang nag-iwas ng tingin sabay takbo.

Nakita niya ako! Nakakainis! Bakit pa kasi ako na-curious pa sa itsura niya at sinilip ko pa! Ang mas malala, nakita niya pa akong tumitingin sa kanya!

Binilisan ko na lang ang pagpunta sa klase ko.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now