Napa-yes ang klase namin. Napabuntong-hininga na lang ako. Ayoko talaga ng group exam. Kasi minsan kapag matalino ka, sa'yo na lang aasa ang kasama mo para mag-review. I've been there, done that. Kaya minsan unfair na mataas nga nakuha niyo, pero wala namang naitulong ang kasama mo.

"Okay, now pick a partner and write your names in a one-fourth sheet of paper."

May isa akong kaklaseng nagtaas ang kamay.

"Sir, ilan po ba kaming lahat sa klase niyo ngayon?"

"Let me see..." Binuksan ni Sir Bautista ang netbook niya para tingnan kung ilan kami. "53 kayo."

"Sir, may isang group po na magtatatlo? Or mag-isa lang po niya?"

Nagtawanan ang lahat. Ako, hindi. Kung mag-isa lang ng excess, ako na lang 'yun.

"Wait, lahat ba may partner na?"

Sumagot ng "oo" ang lahat, pwera sa akin.

"Sino pa ang walang partner?"

Lumingon-lingon muna ako sa mga kaklase ko bago ko itaas ang kamay ko. Napapikit ako. Ako na lang pala ang walang kapartner. Nakatingin ang lahat sa akin.

"Oh! So ikaw ang excess na isa. Tatanungin kita. Gusto mo bang makisali pa sa ibang grupo o kaya mo nang mag-isa?"

"Uhm, Sir kaya ko-"

Nagtaas si Jap ng kamay.

"Yes?" Napalingon kami sa kanya. 'Yung ibang babae, impit pa ang kilig.

"Sir, sa amin na lang po siya. I mean, absent po kasi ngayon ang napili kong partner. Pero willing naman po akong isama siya sa aming grupo."

Umingay ang klase dahil biglang maraming nagbulungan.

"Good idea, but I think it's her decision. What do you think, miss?"

Napatingin ako kay Jap na alanganin pa ang pagkakangiti. Nahiya naman na akong pilitin na kaya kong mag-isa dahil bigla siyang nag-alok.

"It's okay, Sir." Napabuntong-hininga na lang ako.

"Okay, it's settled then. Now class, pass your one-fourth sheet of paper."

Ibinigay ni Jap sa akin ang papel na hawak niya. "Write your name on it."

Tipid lang akong ngumiti sa kanya at iniabot ko na ang papel para masulatan ng pangalan ko. Pagkatapos ipinasa ko na ang papel sa nasa harap ko.

"Lucky girl, kagrupo mo ang mga member ng Tempest."

Ngumiti lang ako sa inabutan ko ng papel.

"Okay, class. Goodbye. Enjoy the foundation week next week!"

"Bye, sir!"

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako. Si Jap lang pala. Nakatayo na siya sa harap ko at nakasukbit na ang bag niya.

"Okay lang ba na kinuha kitang kagrupo namin?"

Tumango ako sa kanya. "Okay lang naman. No worries."

"Thank you. Saka para hindi na tayo mahirapan kasi magkakasama naman tayo sa banda."

Ngumiti lang ako sa kanya at inayos ko na ang gamit ko.

"May klase ka pa after nito?"

"Wala naman na. Uuwi na ako para makapagpahinga." Sagot ko sa kanya nang hindi ko siya tinitingnan dahil abala ako sa pag-aayos ng gamit.

"Mind if kumain muna tayo-"

Naputol ang pagsasalita niya nang may tumunog na cellphone. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sa kanya galing 'yun.

"Hello? Bakit? Oo nga pala... Sige pupunta na ako diyan. Bye."

Saktong tapos na ako mag-ayos ng gamit nang magtama ang aming mata.

"As much as I want to eat with you now, pero may klase pa pala ako. Next time, kain tayo please?"

Natawa ako nang bahagya sa itsura niya. Parang medyo nalungkot siya sa tumawag sa kanya.

"Sige. Basta sabihan mo ako kung kailan. Umalis ka na baka ma-late ka pa."

Ngumiti siya sa akin. "Aasahan ko 'yan ha? I'll contact you anytime na may free time!"

"Sige na, go na."

Ngumiti siya at kumaway sa akin sabay takbo palabas. Napailing na lang ako sa ginawa niya.

Take Me To Your Heart [VERY SLOW UPDATE] Where stories live. Discover now