Unti-unti siyang tumango na para bang tuta. Kinagat niya ang pang ibabang labi niya. Napatingin ako roon. It was so close to my sight. Nag-iwas ako ng tingin at parang tinambol ng malakas ang puso.
Tumingin ako sa paligid kahit na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang pagkabat niya ng labi niya! Uminit ang pisngi ko. Oh my gosh, Axiesse, stop it!

"Good."

Tatalikod na sana ako para umalis kaso lang hinablot niya ulit ang braso ko at pinaharap sa kaniya.

"Ano na naman?!" Gutom na gutom na talaga ako.

"I'm hungry..."

"Oh tapos!?"

"Sabay na tayo," aniya. Hindi ako nagsalita. Nagtagal ang tingin niya sa mga mata ko. My cheeks heated when I saw how his eyes went to my lips. "Sasabay ka sa 'kin."

Nakatingin pa rin siya sa labi ko. Wala na akong nagawa kundi ang hawakan ang siko niya kahit nanginginig ang kamay ko. Hinila ko siya papunta sa canteen para lang mabaling ang tingin niya kung saan. Ughh! Pwede ko naman siyang sipain o sapakin o pitikin o sampalin para lang hindi niya tingnan ang labi ko.

Parang may kung anong kaguluhan sa loob ko dahil sa ginawa niya. Para ring tumatalon sa pintig ang puso ko. Magpapa check up na talaga ako sa puso. Baka hindi na 'to normal. Hindi na talaga!

Nagpahila siya sa 'kin. Wala pang masyadong estudyante dahil hindi pa lunch time. 'Yong iba ay nandito lang para mag meryenda.

Pagkapasok namin doon ay napatingin ang mga estudyante sa 'min. Kinuha na muna ni Zae ang mga dala kong books at yung red rose. Agad kong binitawan ang siko niya. Dumiretso ako sa mga pagkain at kumuha ng mga makakain.

Habang kumukuha ako ng mga pagkain ay nasa likod ko si Zae. Sunod siya nang sunod sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit pero parang naging limitado ang mga galaw ko. Puwede na siguro akong tawagin na hindi makabasag pinggan. Damn that Zae effect!

Medyo puno na ang plato ko sa dami ng kinuha ko. Kumuha rin ako ng iced tea. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa baso ng iced tea. Ang isa naman ay nakahawak sa babasaging plato na laman ng mga pagkain ko.

Lalakad na sana ako kaso lang hinarang ako ni Zae. Mabuti nalang at hindi ko nabitawan ang plato at baso ko. Susulpot ba naman ang isang Zae Maximo sa harap mo? I glared at him.

Bago pa ako makapagsalita ay kinuha niya na ang dala kong pinggan at baso at naglakad patungo sa table nila. Sa table ng mga Campus Royalties. Kumunot ang noo ko at nag-alinlangan pang sumunod sa kaniya.

Nasa amin ang atensyon ng lahat. Nagbubulungan naman ang iba habang nakatingin sa 'ming dalawa. Nilapag ni Zae ang plato ko at baso sa magara nilang table at umupo na roon.

Naglakad ako papunta roon para kunin ang plato ko. Ayokong umupo roon. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Ano nalang ang iisipin nila? Na kami naman talaga!? Mas lalo lang gugulo ang student life ko na medyo magulo naman talaga!

"I told you... sila na talaga..." Bulong nung isang babae sa kasama niya.

"Pero bakit wala pang confirmation? Pero bakit wala pa tayong Campus Queen?"

"Omg talaga. Magkasama talaga sila..."

"Eh tayo nga hindi nakakalapit kay Zae pero bakit siya puwede? Huhuhu!!"

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan nila. Lumapit ako roon sa table ng mga Campus Royalties kung saan cool na nakaupo si Zae, hinihintay ako at kunot noong nakatingin sa 'kin.

Hinawakan ko ang plato. Nagugutom na ako! Nanginig pa ng kaonti ang kamay ko nang mahawakan ko ang plato. Eh paano ba naman kasi nakatitig si Zae sa 'kin! Ano bang tinitingin tingin niya dyan?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now