Labas na ako ng kuwarto at bago humakbang pababa ng hagdan ay huminga muna ako ng malalim.

This is it!First day niya bilang manliligaw!

Bumaba ako ng hagdanan namin na parang bang hindi ako kinilig nang kaunti (kaunti daw) sa pag-iisip na manliligaw na siya sa akin.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan (pabebe.lol) at nang makababa ay nagslowmo bigla ang paligid.Parang yung nakikita ko sa mga fairytales o kaya naman sa mga fiction book na nababasa ko.

Nakangiti siyang tumayo at nginitian ko din siya pabalik.

Agad siyang lumapit sa akin at laking gulat ko ng may iabot siyang isang boquet of roses.Kulay baby pink ang mga iyon na siyang favorite color ko.

Matapos kong makuha ang mga bulaklak na iyon ay agad naman niyang kinuha ang kamay ko at dinampian ng halik.Slowmo pa din ang lahat na suyang kabalikyaran ng totoong nangyari.

ASANNA YUNG MANLILIGAW NA SINASABI NI MAMA!?

BAKIT ANG BUKOD TANGING KULAY PASTEL NA COUCH P
LANG ANG NANDITO SA SALA?!

Yung feeling na ang taas taas ng expectation mo—pero yung reality talaga yun eh.-_-

Naalala ko tuloy yung inadvice sa akin na "never expect too much" na isa sa mga naging paboritong motto ko.

Nakabusangot tuloy akong dumiretso ng kusina.Pati ba naman sarili kong nanay paasa. -_-.

"Morning.", bati ko sa kanila at matamlay na umupo sa tabi ni Mama.

"Bad mood eh?" Hindi ko inalintana ang boses ni Xiz at nagpatuloy sa paghahain ng sariling pagkain sa plato ko.Tanging kibit-balikat ang ibinigay ko.

Naramdaman ko naman ang pagkurot ni mama sa bewang ko na ikinagulat ko.Nabitawan ko tuloy ang pangsandok ng kanin.

Nagtataka ko siyang tinignan.

"Bakit ganyan ang mukha mo?Mahiya ka naman sa manliligaw mo!" Bulong ni Mama sa akin.

"Tsh,hayaan mo siy—", napatigil ako sa sinabi ni Mama.So hindi nga ako nananaginip ngayon?

Binalingan ko ng tingin si Xiz at nakitang kumakain din siya. Nanlaki ang mata ko pero hindi ko ito pinahalata at yumuko.

"Sabi ko nga.H-Hi Xiz,morning." Sabi ko habang inaayos ang sarili.Inayos ko ulit ang buhok ko dahil sa pagkakagulo nito kanina dahil akala ko ay hindi totoo yung sinabi ni Mama.

~~~~

"Alis na po kami!" Masiglang sabi ni Xiz at nagpaalam na kila Mama.Kumaway din ako.

"Sige!Ingat kayo!" Halata ang bakas ng kilig sa sinabi ni Mama.

"Tara na."

Lumabas na kami ng gate at bumungad sa amin ang bike niya.

"Magba-bike tayo!?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

Namiss ko magbike!Sa dami kase ng school works ay hindi ko na iyon nagagawa.Yay!

"Bakit?Ayaw mo b—",hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin ng tumakbo ako papunta sa bike.

"Tara!Angkas na dali!" Excited na sabi ko at inalis na ang stand ng bike.

"U-uhmm,nakapalda ka at maiksi pa.Makikita ang u-un-dies mo kapag nagbike ka." Namumula ang mukha  na sabi niya.

"Tsh,nakashorts naman ako.Angkas mo nalang ako sa likod mo dali!" Excited na sabi ko.

"Pero hahanginin ang palda mo,masisilipan ka." Sabi niya habang sumasakay sa bike.

"Ganun?", halata sa boses ko ang panghihinayang.

Anong klaseng manliligaw toh?Hindi ako pinagbibigyan!Ang sweet.

Uupo na sana ako sa harapan niya ng pigilan niya ako.

"Sige na,angkas ka na sa likod ko.Pero gamitin mo itong jacket ko para h-hindi masyadong makita ang hita mo." Sabi niya atsaka hinubad ang jacket niya at inabot iyon sa akin.

Nabuhayan ulit ako at dali-daling tinali ang jacket sa bewang ko at umangkas sa likod ng bike niya.

"Tara na!" Sigaw ko at nagsimula na siyang magpedal.

Ilang minuto din kaming natahimik nang magsimula kaming lumarga.

Mapapanisan na yata kami ng laway pero nagsalita kaagad ako para magbukas ng topic.

"Sigurado ka na bang liligawan mo ako?", hindi ko alam kung bakit yung seryosong tanong na iyon ang lumabas sa bibig ko.

Ilang segundo pa bago siya nakasagot.

"Oo naman,liligawan kita hanggang sa magcollege tayo.Mahal kaya kita."

Kahit nakatalikod siya sa akin ay nakita ko ang pagngiti nito at ang pamumula ng tenga niya.

Kumalabog bigka ang puso at nakita ko nalang ang sariling kamay ko na yumayakap sa kanya.

Sana nga Xiz umabot ka hanggang sa magcollege tayo.

Sana nga.
Sana.

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now