HC20:Missing

692 49 3
                                    


Mabuti nalang at uwian na.Masyadong haggard ang klase ngayon lalo na yung kanina.

Ang dami ng assignment, projects,requirement at activities na iniwan.Wala la ngang one week simula nung first day.Tsk!

"Ivy,una na kayo.May dadaanan pa ako eh." Sabi ko.Tumango nalang sila at naiwan na ako kasama ng mga naiwang cleaners.

Matapos ayusin ang gamit ko ay dumiretso ako kay ninang.Dito din ang bahay niya sa school.Last floor ng building namin.

Umakyat na ako tsaka kumatok sa pinto ni Ninang.Sa ganda ng bahay ni Ninang ay aakalain mong nag-hire pa siya ng interior designer para sa mga designs kahit na sariling gawa niya lang ito kasama ang mga kaibigan niya.

"Oh?Andyan ka na pala. Tara,pasok."Pumasok na ako tsaka inilapag ang bag sa may table.

"May pinuntahan yung mama mo?" Tanong ni Ninang habang may inaasikaso sa kusina.

"Opo,andami daw po kasing costumers sa BGC.Tumulong po siya kase baka kulangin yung tao." Sagot ko.

"Magpalit ka muna ng damit mo sa C.R. tapos dinner na tayo." Sabi ni Ninang.

Bigla naman akong napatingin sa kamay ko at duon ko lang napansin na nawawala ang charm bracelet ko.

"Uhmm,ninang.Labas po muna ako." Sabi ko.Tumango naman si Ninang kaya lumabas na ako.

Wala akong kasama sa bahay kaya dito daw muna ako sabi ni Mama.Pumayag naman si Ninang kaya dito na ako hanggang bukas.

Habang pababa ay hindi ako natatakot kahit madilim. Maliwanag naman ang buwan.

Una kong pinuntahan ang room namin pero wala akong nakita.Tinry kong puntahan ang mga pinuntahan ko kanina lalo na sa canteen pero wala talaga akong nakita.

Tsh,nasaan na yun?

~~~~

Dumating ang kinabukasan at mabuti nalang at vacant time namin.May meeting ang teachers sa faculty.

"Bhe,pupunta kami ng canteen. Sama ka?" Aya ni Kate sa akin.

"Hindi na.May hahanapin pa ako eh."Sabi ko.Tinanguan lang nila ako at lumabas na.

Umikot ako sa buong room pero wala akong nakita ni-isang charm bracelet.Wengya.Saan napunta yun?!

Lumabas ako ng room at habang naglalakad sa corridor ay nakatingin ako sa sahig. Nagbabakasakali na nandito lang yun.

"Ouch!"

"Ah!"

Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.Putek!Hindi pa ako ready!

Dali-dali akong tumakbo paalis. Mabuti nalang friday kami at naka-P.E. kami kaya madaling makatakbo.

Habang tumatakbo ay tumingin ako sa likod ko.Expecting na wala na siya pero sad to say,wengya!Tumatakbo din si Kuya!

Takbo,takbo,takbo.Takbo lang hanggang sa-"Ouch!"

Nauntog na naman ako pero this time,sa may puno dito sa may Garden.Pinagawa ni Ninang One Year ago.Eto yung dating bakanteng lote kung saan ako nagpahinga bago yung araw ng competition Two years Ago..

Dahil sa lakas ng impact ng noo ko sa puno ay napa-upo ako sa damuhan habang hawak-hawak ang noo.Nagflashback bigla lahat ng nangyari dito two years ago.

×Flashback×

Pagkalabas ng room ay tumakbo ako diretso sa bakanteng lote sa loob pa din ng school.Madamong lugar ito at planong pagtayuan ng bagong buildings ni Ninang next school year.Malinis naman ang damo at mahangin dahil madaming puno tsaka wala din masyadong tao na dumadaan. Perfect na pahingaan.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon