HC40:Kylie's Birthday

715 36 20
                                    


Warning!Typos and grammatical errors ahead!

~~~~

November 18,2017

It's my birthday,14th birthday to be specific.Kaya naman pagkagising ko ay matamis na ngiti ng mga magulang ko ang bumati sa akin.

"Happy birthday!" Sigaw nilang dalawa.Si Mama ay may hawak na cake habang si Papa ay may hawak na regalo.

What a very good morning to me.

"Make a wish before blowing the candle."

Ginawa ko ang sinabi ni Mama at pumikit.Wala naman na akong mahihiling pa maliban sa isa..

Hinipan ko na ang kandila at sumigaw ulit sila Mama ng "Happy Birthday."

"Buksan mo na yung regalo namin ni Mama mo." Sabi ni Papa at inilapit sa akin yung regalo na hawak niya.

Binuksan ko ito at isang silver necklace ang bumungad sa akin.May infinity symbol pa ito sa gitna.

"Thank you po!" Niyakap ko silang dalawa.Napakaswerte ko talaga at naging anak nila ako.

They're the best parents ever!

~~~~

Maaga akong naka-alis nang bahay dahil maaga din akong nakapag-prepare.

Alas-singko palang pala ng umaga ng sorpresahin ako nila Mama.Maaga nila iyong ginawa dahil may aasikasuhin pala sila sa Company.

Habang naglalakad papunta sa room,hindi ko maiwasang hindi mapa-isip.

Nasanay akong lahat ng bagay ay nakukuha at naibibigay sa akin ng magulang ko.Nag-iisang anak lang ako kaya naman lahat ng bagay ay nakukuha ko.

Pero ngayon,dapat ko sigurong mainitindihan na hindi lahat ng bagay ay nakukuha ko.

May mga bagay na gusto mo pero hindi naman mapapasa'yo.

Napa-buntong hininga nalang ako ng nakapasok ng room.Agad ko namang inilagay ang bag ko sa upuan atsaka lumabas.

6:30 palang pala kaya naman wala pa gaanong estudyante na gumagala.7:00 kase nagsisipasukan ang karamihan sa mga estudyante.

Napahinto ako sa paglalakad ng may maisip ako.

Wala naman sigurong masama kung huhuliin ko yung admirer ko di'ba?.

Agad akong tumakbo sa naisip. Kailangan kong mahuli yung admirer ko.

Wala naman gaanong estudyante na palakad-lakad.Paniguradong ganitong oras 'yun naglalagay ng letter sa locker ko para walang makakita sa kanya.

Paniguradong mahuhuli ko siya ngayon.

Huminga ako ng malalim bago pumasok ng locker room.

At hindi inaasahang tao ang nakita ko..

"A-aris?"

Nauutal na sabi ko matapos makita si Aris na naglalagay ng card sa locker ko.Siya yung lagi kong kasama tuwing kukunin at bubuksan yung card,hindi ko akalaing siya din yung naglalagay at nagbibigay nun.

"K-kylie," tinawag niya ang pangalan ko pero nanatili pa din akong walang kibo.

"Mali ka ng iniisip,hindi ako yung admirer mo." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Wengya ka!Ikaw pala yung admirer ko loko ka!" Lumapit ako para mabatukan siya.

"Nilalait mo pa ako tapos may gusto pala sa akin,ina ka!" Sigaw ko pa dito.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon