HC25:Hope

706 37 10
                                    

Dugdug.Dugdug.Dugdug.

"Bakit hindi tayo sa clinic pumunta." Tanong ko.

"Mas gagaling ako sa sariwang hangin." Nakapikit na sabi niya.

Dahan-dahan akong tumayo,planong kong umalis. Baka sumabog na si Heart.

"Saan ka pupunta."

"B-baka hinahanap na ako."

"Sino?Yung lalaking kasama mo?" Tanong niya."Sino yun?"

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina."Ahh,si Van.Kaibigan ko."

Napadilat siya at umupo tsaka humarap sa akin."Dapat hindi mo siya dinala dito.Pwesto natin tong puno na 'to."

Asdfghjkl!?Anu daw?

"H-ha?" Hindi ko maprocess. Nage-error.

Hindi niya ako pinansin at kinuha ang ballpen sa bulsa niya tsaka nag-ukit sa may puno.

PranLie Property

"P-para saan?"

"Para alam nila na atin toh,kapag magdadala ka nang bisita dapat alam ko at papayag ako."

"Paano ako?"

"Ganun din."

"Ang dami mong alam."

"Anong sabi mo?"

"W-wala,ang sabi ko bakit kailangan pa ng ganyan.Hindi naman ako lagi tumatambay dito."

Napaisip siya."Uhmm,edi dito tayo lagi magrecess."

"Bawal,kailangan kong samahan lagi si Van.Aalis na ako."

Mabuti nalang ay naalala kong magmumove on na ako next week.Kailangan ko ng tigilan ang kung anong nararamdaman ko.

Hindi ko na siya nilingon at tumayo para umalis.

"Antagal mo naman." Bungad sa akin ni Van ng makabalik ako sa room.

"May pinagawa pa kase si Ma'am."

"Ahh,ganun ba." Natangong sabi niya."Antagal naman ng next teacher natin."

"Ganun talaga si Ma'am Dela Vega." Pagkasabi ko nun ay saktong pagpasok ng teacher namin.

"Pasensya na kung natagalan.Nagmeeting ang faculty about sa mga schedules."

"So okay,may mahalagang announcement akong sasabihin.Since wala pa akong naiisip na prohect for this grading,napagdesisyunan namin ni Ma'am Alma na teacher ng Grade 10"

Here we go again with the Grade 9 and 10 collaboration.Tsh.

"Na pag-isahin ang project niyo."

"Expected.Tsk." Bulong ko,tama lang para madinig ng katabi ko.

"Bakit?"

"Ahh,wala.Yung last activity kase namin ay kasama namin yung Grade 10,hindi na ako magtataka kung kasama na naman yung Grade 10."Napatango nalang siya.

"That project is film showing na magaganap sa AVR,magbabayad lang kayo ng 20 pesos for the Ticket slash entrance fee at yung maibabayad niyo ay ido-donate sa charity na napili ng Science department."

"The video is all about science at dalawang araw iyon magaganap dahil tuwing science time niyo lang siya mapapanood.After that ay gagawa kayo ng generalization,magpapasa kayo sa akin ng Essay na ilalagay sa yellow paper tungkol sa pinanood niyo."

Habang sinasabi yun ni Ma'am ay inilabas ko ang notebook ko para magtake down notes.

"Deadline ng bayad sa Wednesday,no ticket no entry means no ticket no project automatic 65 ang grade.So ang film showing part 1 ay sa thursday at science time then ang part 2 ay sa friday ang science time din.Only papers ang pen ang allowed sa loob at iiwan ang gamit sa loob ng room.Any questions?"

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon