HC36:Meet Up

547 31 4
                                    

Lumipas na ang isang buwan pero patuloy pa din ang pagiging mysterious admirer ko.Patuloy ako sa pagbibigay ng mga letters at clue pero hanggang ngayon yata ay hindi niya pa din mahulaan kung sino.

"Misyon accomplish na naman?" Tanong ni Ate Faith.Tumango ako tsaka humiga sa higaan.

"Sakit sa ulo ng Math,gusto ko nang umuwi."Sabi ko habang nakapikit.Sakit talaga sa ulo si X at Y. -_-. Wengya.

"Haha,been there than that." Iling na sabi nito.

Maya-maya pa ay nakadinig kami ng katok sa pintuan.Pinagbuksan siya ni Ate Faith at pumasok si Aristotle.Takte,sa gulat ay napaupo ako mula sa pagkaka-higa at sa hindi malamng dahilan ay inayos ko ng mabilisan ang mukha ko.

"Aris!" Tawag ko dito.Nadinig ko naman ang malisyosang pag-ubo kuno ni Ate Faith.

"Kanina pa kita hinahanap."

"Baket?"

"May project kase kami sa E.S.P. ikaw yung nabunot kong interviewhin."

Bigla akong nagutom sa sinabi niya.Agad akong tumayo tsaka hinila siya palabas."Manglibre ka para pumayag ako."

Nang makapasok kami sa canteen ay dumiretso ako sa stall kung saan may nagtitinda nang clover.Agad kong sinagi ang balikat niya at inginuso ang clover na nakadisplay sa harap namin.

Napabuntong hininga nalang siya habang inilalabas ang pera at ibinigay sa aleng nagtitinda.

"Oh." Masungit na sabi nito.Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay.

"Sinusungitan mo 'ko?", mariin ko siyang tinignan." Baka gusto mong tumanggi ako sa project mo?",pananakot ko pa.

"He-hehehe," napakamot nalang siya sa batok habang ako ay inismiran nalang siya at binuksan ang clover ko.

"Tara,dun tayo." Nguso ko sa isang upuan.

"Ano bang klaseng interview yan?", tanong ko ng maka-upo kami.Sinimulan ko namang lantakan yung clover ko.

" Hmm,may mga quetions lang akong itatanong na dapat masagot mo.Madali lang naman yun.",kasabay ng pagtigil niya sa pagsasalita ang pagtawag sa akin ni Kate.

"Hi!" Kaway ko sa kanya pabalik. Nagulat naman siya ng makita ang guwapong kasama ko at kaagad naman niya akong binigyan ng malisyosong tingin. Napangisi nalang ako at nagkibit-balikat nalang.

"Kylie,mauna na pala ako.Baka bukas na kita interviewhin." Sabi nito at nagpaalam na sa akin.

"Asan pala sila Ivy?" Tanong ko.

"Pababa na din,kasama sila Drew at yung barkada." Sabi niya."Bili muna ako ng pagkain,hintayin mo nalang."

Tinanguan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain ng clover ko.

Maya-maya pa ay nakadinig ako ng ingay.Hindi na ako nagtaka ng makita sila Drew at mukhang inaasar na naman si Xiz.

"Ano?Nakatanggap na naman ba ng letter." Nakangising tanong ko.

"Oo bhe,kanina lang nakuha. Sinamahan pa nga namin eh." Sabi ni Sam at umupo sa tabi ko.

"Guys magsitahimik na!Eto na ang mahalagang mensahe." Saway ni Angel.Nag-'ehem' pa ang bruha.

Sinimulan niya ng buksan ang card na gawa ko at agad namang nagsilapitan ang mga kasama ko.Naki-lapit din ako para hindi mahalata,baka mapagkamalan pa ako ni Kuya Jacob na nagseselos.

Seriously?Mageselos ako sa sarili ko?

"Nahulog ako sa unang tingin,
At sana pag-ibig ko'y mapansin.
Sa mga bituin laging naka tingin,
Humihiling na sana ako'y iyong ibigin din."

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon