HC38:Admirer

598 40 8
                                    

Happy 10k reads!❤

~~~~
"Wala naman na akong pag-asa sa'yo."

Mabilis akong tumakbo palayo matapos sabihin ang mga katagang iyon.

Pinunasan ko na din ang mga luhang tumutulo sa mata ko na nagpapalabo ng paningin ko.

Bakit nga ba ako umiiyak?

First of all dahil sa loob ng dalawang taon ay naalis ko na din ang napakalaking bagay na nakadagan sa dibdib ko.Nasabi ko na ang mga bagay na gusto kong sabihin sa loob ng dalawang taon.Masabi na Mahal ko siya.

Tumakbo ako palayo pero bago pa ako makalabas ng parke ay mas lalo pang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng malakas na hampas ng hangin.

Nawala na din ang mga kabataang naglalaro dito sa parke pati na ang ilang tindero at tindera na nagtitinda kanina.

Pati ang panahon ay nakiki-ayon sa nararamdaman ko ngayon.

"Ah!",Sa lakas ng ulan ay medyo hindi ko na makita ang dinadaanan ko kaya naman natisod ako sa isang bato.

Kagagaling ko lang sa isang sprain tapos may balak pa ata siyang bumalik ngayon.Tsk!

Ngayon ay hindi ko na alam kung bakit ako mas lalong napahagulgol at tuluyan na nga akong napa-upo sa damuhan.

"Pati ba naman—hik,tadhana ayaw sa akin—hik."

"Can you please be nice to me?Even just a little?" Wala na akong nagawa kundi isubsob ang mukha sa tuhod ko at duon nagpatuloy sa paghagulgol.

Masakit talaga magpakatanga..

At maniwala sa bagay na alam mo namang wala ka naman talagang pag-asa.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at hindi na binigyan pansin ang malakas na ulan,tutal ay basang-basa na din naman ako.

"Tumayo ka na d'yan Kylie,"

Napatigil ako sa paghagulgol ng marinig ang boses na yun.

"A-Aris?" ,sabi ko nang mai-angat ang tingin sa taong nagsalita.

"Tsh,tumayo ka na." Inilahad niya ang kamay niya sa akin na dahan-dahan kong tinanggap.

Inalalayan niya akong tumayo at nagulat nalang ako ng ipatong niya sa akin yung jacket niya.

"Baka lamigin ka.Tara na."

Nanguna siya sa paglalakad habang ako ay nanatiling nakatayo.Pinoproseso ang mga nangyayari.

"Ano na?Tara na." Bumalik ako sa sarili at tumakbo papalapit sa kanya.

Napansin ko naman na papunta kami sa 7 eleven na malapit lang sa parke na ilang lakad pang mula doon ay makakarating ka na.

"Umupo ka muna d'yan." Sabi niya habang inginunguso ang isang table for two sa tabi ng glass wall ng store.

Umupo na ako at mas lalong ibinalot sa sarili ang jacket niya na malaki pa sa akin.Aircon ang buong store at basang-basa pa ako kaya nangangatog na ako sa nginig kahit na may nakabalot na sa aking jacket.

Nang makabalik siya ay inabot niya sa akin ang isang cup ng chocolate.Hinawakan ko ang baso at tsaka inilagay din ang kamay ko sa pisngi ko na sobrang lamig.

"Anong ginagawa mo sa gitna ng ulan?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

Bumalik na naman sa isipan ko yung nangyari kanina. Napabuntong-hininga ako bago sumagot.

"Wala,umamin lang."

"Kanino?"

Mariin ko siyang tinignan."Kay Xiz."

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon