HC37:Confrontation

613 31 14
                                    

Agad akong tumayo at naglakad papunta sa locker room.Kagaya ng nakagawian,ipinasok ko ito sa butas ng locker niya at siniguradong hindi iyon mahuhulog.

Papaalis na sana ako ng locker room ng may pumasok na lalaki.

"Kylie?Anong ginagawa mo dito sa locker room ng boys?" Nagtatakang tanong niya.

Itinuro ko ang locker na may pangalang Mercado at inilagay ang hintuturo sa labi,sign na tumahimik siya.

Nakangising lumabas ako ng locker room at nagunat-unat pa ng makalabas ako.

Another Mission Accomplish.

~~~~

Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok.Excited na naman ako na makita ang reaction niya.

Ang ineexpect ko ay makikita ko siyang tulala kakaisip sa tulang iniwan ko o kaya naman ay ngingiti mag-isa.

Nang makarating sa garden ay nagtago ako sa likod ng isang puno,tama lang ito para makapagtago ako.

Hindi nga ako nagkamali, ngumingiti nga ito mag-isa..

Pero hindi dahil sa letter na ibinigay ko,kundi sa letter na ibinigay nung babae kanina.

Hindi ko na inantay na duon tumulo ang luha ko at agad akong umalis.

Ang hirap talagang magselos kung alam mo namang wala kang karapatan.


Kinaumagahan ay nagising ako mga bandang alas-otso ng umaga.Tirik na ang araw at nakapasok na ang sinag nito sa kwarto ko kaya hindi na ako nakabalik sa tulog ko.

Nang magawa ang morning rituals ko ay dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko sila Mama na naghahanda na para kumain.

"Oh?Anak,breakfast is ready!" Masiglang sabi ni Mama.

Nakangiting umupo ako sa upuan at kumuha ng almusal ko.

"How's your school yesterday?" Tanong ni Papa.

"Okay naman Pa.As expected,tons of schoolworks."

"That's good,study hard." Sabi sa akin ni Papa.

"So,how's our mysterious admirer?" Nakangising tanong ni Mama.

"Mysterious Admirer?Hmm,who's the guy 'nak?" Tanong ni Dad.

"Uhmm,Dad.Kilala niyo na siya,since i was Grade 6."

"Oh,the Mendez?Mijares?I can't remember the name."

"Pa,He's a Mercado.One of your trusted business partner." Natatawang paalala ni Mama dito.

"Oh,anak ni Francisco?Haha!I never thought na pati sa isang guy ay matalino ka anak?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dad."Kailan ko madidinig ang wedding bells?"

"Dad!Wala pa akong college.Hindi pa ako ready mag-a-asawa." Nauutal na sabi ko.

"Haha!Okay 'nak.But just always remember na ready ako sa lovelife mo." Napa-iling nalang ako sa sinabi ni Papa.

Hindi din kami nakapag-bonding pa nila Mama dahil umalis din sila para icheck ang pinapagawang  bagong branch ng restaurant ni Mama sa may BGC habang ako ay nanatili dito sa loob ng bahay.

Tila naging mabilis ang oras dahil sa paglilinis ko ng bahay,eto ang ginawa ko dahil sa pagkabagot.Nakakatamad din kase mag-online.

Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa noo ko tsaka binitbit ang mga basura na galing sa kuwarto ko.

Inilagay ko ito sa malaking garbage bag sa harap ng bahay tsaka bumalik sa loob ng kuwarto ko para maligo.

Nang makalabas sa banyo ay agad kong tinignan ang wall clock sa kuwarto ko.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon