HC24:Still InLove

741 37 9
                                    

After nung nangyari kanina. Napagdesisyunan ko na i-extend ang pagmu-move on.Siguro by next week nalang.Hahaha!

Well,feeling ko kase ang babaw nung dahilan ko magmove-on tsaka,kasalanan ko din naman.

"So class,I want all of you to meet your new classmate." Sabi ni Ma'am at pinapasok ang lalaking mas matangkad sa akin,maputi at nagngangalang Giovanni Jimenez.

"Hi classmates." Nakayukong sabi niya.Kahit mayabang yan, mahiyain pa din.

"I-im Giovanni J-jimenez.I-m 14 years old.I came from West Academy.Nice to meet you all." Sabi niya.Dinig ko naman ang tahimik na tilian ng mga kaklase kong babae.Haha!

"Okay,since you're a transferee. You can choose your own seat."

"Naku!Wag dito kuya!"

"Kuya dito ka nalang,baho ng katabi ko!"

"Kuya wala akong katabi dito ka!"

Kanya-kanyang request ng mga kaklase ko pero dahil ako ang bestfriend niya..

"I choose beside Kylie po." Sabi niya.Since sa letter V nasisimula ang apelyido ko at ako ang pinakalast sa girls ay ako ang nasa dulo kaya wala ng lilipat.

Tumango nalang si Ma'am at dumiretso na siya sa tabi ko.Nangibabaw naman sa room ang pagtikhim nila Ivy,mga loka-loka. -_-

"Waahh!Mabuti nalang at naka-pasok ka!" Mahinang sabi ko sa kanya.

Napakamot siya sa batok niya."Oo nga eh,naligaw pa ako kanina kahit nagtour na ako last week."

Natawa ako."Mamaya,itu-tour kita."

"So class,magbubunutan na tayo for the team colors.May team building kase tayo sa fieldtrip." Sabi ni Ma'am.Kanya-kanyang hiyawan naman ang mga kaklase ko."First row muna tapos sunod-sunod na."

Katulad ng sabi ni Ma'am,first row muna ang unang bumunot.At habang nag-sisibunot sila ay hindi maiwasan ang pag-iingay ng mga naka-upo.

"Sana Yellow naman ako."

"Sana Red!Sawa na ako sa Violet."

"Pardz Orange Piliin mo."

"Bhe!Loyal tayo,blue lang!"

"Green lang!Walang titibag!"

"Para saan yung bunutan?" Tanong nang katabi ko.

"Uhmm,yun na yung team color mo hanggang sa foundation week." Sabi ko.

"Kailan yun?"

"Mga 3rd week of january ata?Ewan,basta january." Sagot ko.

"Ahh,anong meron dun?"

"Maglalaban-laban ang bawat team sa iba't-ibang category pero yung pinakamain category ay yung cheerdance tapos yung field demo.Minsan may magaganap na singing contest,dancing or whatsoever na maisip ng teacher sa faculty." Paliwanag ko.

"Nakasali ka na dun?"

"Lahat naman kasali sa mga main category.Elementary levels sa Field demo pero may sinasamang highschool students,pili nga lang tapos yung sa cheerdance naman kasali lahat ng ng highschool students.Yung sa mga side categories naman ay nakasali na ako,sa dance category.Pang-1st kami 2 years ago pero last year,hindi na ako sumali.Tinamad ako.Isa-suggest naman ng teachers kung gusto mong sumali sa side categories.Nasa sa-iyo na yun kung gusto mong sumali o hindi.Extre grades din yun."

"Ahh.C.R. muna ako."Paalam niya tsaka pumunta kay ma'am upang magpaalam.

"Last row!" Sigaw ni Ma'am. Tumayo naman kami tsaka nagsipila.

Highschool ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon