Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)

Start from the beginning
                                    

[Happy birthday to my dearest enemy. Natanggap mo na ba yung mga bulaklak na ipinadala ko?]

Tinignan ko yung mga bulaklak sa mesa ko. Ibig sabihin sakanya galling tong mga to? “Ano bang kailangan mo? Bakit mo ako pinadalhan ng bulaklak?”

[Because it’s your birthday. Aren’t you glad na natanggap mo yung mga bulaklak? Magpasalamat ka na lang at may natanggap ka pa, baka sa susunod hindi mo na ma appreciate dahil ipapadala ko na sa lamay mo.]

Anong sabi nya? Sa lamay ko? Nababaliw na talaga tong babae na to’ “Pinagbabantaan mo ba ako Hanna?”

[Huh? Wala naman akong sinabing ganun. Hindi kasi ako pumapatol sa mga taong may taning na ang buhay.]

Kinabahan ako bigla sa sinabi nya. Para akong yelo na nanigas dito sa kinauupuan ko. Paano nya nalaman? Walang ibang nakakaalam ng sakit ko maliban saming tatlo nila Jacob at Nathan. Paano nalaman ni Hanna yung tungkol dito?

[Oh what happen? Are you still alive? Don’t you worry, kahit madalas kaming magkasama ng asawa mo wala akong binabanggit sakanya.]

Narinig ko syang tumawa mula sa kabilang linya. Anong sinabi nya? Madalas silang magkasama ni Kyle? Totoo ba yung mga sinasabi nya o pinapaikot nya lang ako? “A-ano bang sinasabi mo?” Hindi ko maituwid ang salita ko sa sobrang pagkagulat.

[May brain tumor ka hindi ba? At hindi mo sinasabi kay Kyle. I don’t know your reasons, pero kung ano man yung mga yun, masasabi ko na magbe-benefit ako once na nawala ka na.]

Hindi talaga ma proseso sa utak ko lahat ng mga sinabi nya. Hindi ko alam kung kanino nya nalaman yung tungkol sa sakit ko, pero tama sya hindi ko sinasabi yun kay Kyle. ”Hindi ako mamamatay!!.”

[Oh really? Sa pagkakaalam ko kasi malala ka na at ang pag-asa mo na lang ay yung operasyon which is 50-50 pa ang chance. I pity you Lorraine.]

Pati yun alam nya??

Pero paano nya nalaman??

Tama sya, inadvice ako ng doctor ko na magpa-gamot na dahil kumakalat na yung tumor sa utak ko. Hindi ko sinabi sa doctor ko na buntis ako at ganun din kay Jacob, dahil ayoko syang mag-alala. Hindi nya alam na lumalala na yung kondisyon ng katawan ko.

Teka! Bigla kong naalala yung apelyido nung doctor na tumingin sakin nung isang araw, Villafria. Hindi kaya kamag-anak ni Hanna yung doctor na yun? “Kaano ano mo yung doctor sa ospital?”

[It doesn’t matter honey. Ang mahalaga ay sandaling panahon na lang at mapapasakin na rin ang pinakamamahal mong asawa. Please enjoy the day you were with him, co’z that would be the day that you will miss.. Bye for now, may lunch date pa kasi kami ng asawa mo eh. Please take care of yourself.. or pwede rin namang hindi.]

Ibinaba nya na yung tawag at wala man lang akong nasabi. Totoo ba lahat ng mga narinig ko mula sakanya?

HINDI!!

***

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now