Chapter FiftyFive-55.1

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinave ko lang yung ginagawa ko at inayos ko yung sarili ko bago humarap sakanya. Pagpasok nya humalik ako sakanya at umupo kami sa may sofa.

"How are you hija?"

"Okay naman po mama. Kayo po?"

"I'm good." Sabi ny at umikot yung mata nya sa office. "Mukhang busy ka, did i disturb you?"

"Naku hindi ho mama."

"Huwag kang masyadong magpa stress at alagaan mo ang sarili mo ha, ikaw din baka mahirapan kang magbuntis."

"Opo." *Ulk* Tinakpan ko yung bibig ko. *Ulk* Nasusuka ako. Tinapay lang naman yung kinain ko kanina pero bakit parang bumabaliktad yung sikmura ko. *Ulk*

"Are you okay?"

Tumango ako at tumakbo papuntang cr, hindi ko na talaga kaya at nasusuka na talaga ako. Dumiretso ako sa cubicle at doon ko in ilabas. Hindi ko namalayan na sumunod na pala sakin si mama at hinahagod nya yung likod ko ngayon.

"Hindi kaya.. Buntis ka?"

napatingin ako sakanya..

"Maybe you are pregnant!" Masayang sabi nya at parang tatalon na sya sa sobrang saya nya. "Let's go."

"Ho?? Pero marami pa po akong dapat tapusin at chaka may meeting po ako bago mag lunch."

"Ipa cancel mong lahat ng yun at sumama ka sakin."

Hinihila nya ako pero hindi ako pumayag. "Saan po tayo pupunta?"

"Saan pa edi sa hospital. Ipapa check-up kita."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya. Pupunta kami sa ospital?? "Naku mama huwag na ho." Pinigilan ko sya. Ayoko talagang pumunta sa ospital dahil.. Dahil baka malaman nya yung tungkol sa sakit ko..

"Paano natin malalaman kung ilang buwan na yang dinadala mo kung hindi tayo ppupunta ng ospital?"

Hinawakan ko yung kamay nya at pinaupo ko sya pabalik dun sa may sofa. "Hindi pa naman ho tayo sigurado na buntis nga ho ako at chaka isa pa.. Ang totoo ho nyan ayoko na hong pumunta sa ospital, dahil madalas ho ako doon pakirandam ko na trauma na po ako. Natatakot na ho talaga akong magpunta sa ospital mama."

"I understand." Hinawakan nya yung pisngi ko. "Kung ganun mag pregnancy test ka na lang. Magpapabili ako sa secretary mo." Tumayo sya at lumabas para kausapin daw yung secretary ko. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Huwag kang mag panic Lorraine, alam mo naman na posibleng mangyari to diba? kaya nga hininto mo na yung mga gamot mo. Huwag kang kabahan sa resulta.

"May malapit na pharmacy dito and within ten minutes dadating na yung secretary mo."

Hindi ko namalayan yung pagpasok ni mama dahil sa sobrang kaba ko. Kinakabahan talaga ako sa magiging resulta nung PT..

"Hija are you okay? masama parin ba yung pakirandam mo?"

"Mejo ho."

"Normal lang yan sa nagdadalang tao Lorraine."

Lalo lang sumasakit yung ulo ko kapag naiisip ko yun. Habang hinihintay namin yung secretary ko lalo lang lumalakas yung kaba sa dibdib ko. Paano kung malaman nila yung tungkol sa sakit ko?? paano pa matutuloy yung pagbubuntis ko??

Noong araw na na-ospital ako dahil nakakain ako ng bawal saakin doon ko lang nalaman na may sakit pala ako. Noong araw na yun sinabi saakin ni Jacob anng lahat.

*Flashback..*

Umalis si Kyle at Nathan at kaming dalawa na lag ni Jacob ang naiwan dito sa kwarto. Patuloy parin ako sa pag-iyak habang tinutulungan nya kong tumayo at ibinabalik sa kama.

Status: Single But Married [Unedited♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon