Chapter FiftyFour

Start from the beginning
                                    


"Hindi yun mag-susumbong noh, sabi ni mam Hanna sya na yung bahala sa lahat."






Ibig sabihin kinausap nila ng ganun si Lorraine? at pakana lahat to ni Hanna. Kaya siguro ayaw sumabay ng lunch samin ni Lorraine.






Pagkatapos kong marinig yun bumalik agad ako sa kwarto namin para i-check kung okay lang sya pero nagulat ako ng makita ko doon si Hanna at sinampal nya si Lorraine.






*End of flashback..*






"Nasaan ka na ba Lorraine?? Nag-aalala na talaga ako sayo." Bigla lang akong bumalik sa sarili ko nang marinig kong tumunog yung cellphone ko at nakita ko yung pangalan nung empleyado ko na tumatawag. Agad ko yung sinagot dahil baka nakita na nila si Lorraine.






[Sir nakita na ho namin yung asawa nyo.]






"Nasaan sya?" Tanong ko nang marinig ko yung sinabi nya sakin.






[Andito sa may bar sir at naglalasing.]






"Naglalasing?" Gulat na tanong ko. Bakit sya naglalasing?? hindi naman sya umiinom. Dahil ba to sa nangyari kanina?? ":Paki bantayan mo sya papunta na ko jan."






[Pero sir--]






May sasabihin pa sana sya kaya lan g pinatay ko na yung tawag. Walang mahalaga sakin ngayon kundi ang mapuntahan sya. Paano kung may manloko sakanya doon? Paano kung mapa away sya sa lugar na yun??

Status: Single But Married [Unedited♥]Where stories live. Discover now