13 - Good Morning!

Começar do início
                                    

*gruuuuuuuuu* Waaah! Shatap tiyan ko! Nakakahiya ka! TT3TT

“Hahaha” Bigla siyang tumawa. Ano ba yan, kailangan talagang tawanan? Sorry naman, gutom lang ako eh. Ikaw ba naman pakantahin ng dalawang oras, hindi ka ba gugutumin?

Pero, tumawa si Cedric? Ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Sobrang gwapo talaga *Q*

“Mukhang gutom ka na” tapos pinaandar niya na ang sasakyan niya. Tss, di naman halatang gutom ako no? Narinig niya naman kaya ang pagmamaktol ng tiyan ko? Hindi ako mukhang gutom... kundi GUTOM NA GUTOM! Pwede ko na bang kainin si Cedric? ^Q^

“O, saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Kasi naman eh, baka magdrive lang siya ng magdrive tas wala pala kaming patutunguhan >.<

“Ikakatuwa mo ang pupuntahan natin” at yun lang ang naging sagot niya. Hindi na ako muling umimik kasi naging busy na rin ako sa pagde-daydream... baka night dream kasi gabi na? Ay may ganun ba? Tss, nonsense Rio, shatap na lang.

*poke*poke*poke*

“Asar, kitang tulog ang tao eh”

*poke*poke*poke*

Napabalikwas ako ng biglang lumakas ang pagsundot sa tagiliran ko. Nagulat na lang ako dahil ang lapit ng mukha ni Cedric. Bukas na ang pinto ng sasakyan na nasa side ko at nandoon si Cedric na nakayuko para magka-level lang ang ulo namin. Mukhang hindi ako magaling magdescribe, bahala na kayo. Basta si Cedric nasa labas habang ako nasa loob ng sasakyan. Bukas ang pinto sa side ko at doon siya nakatayo. Tsk. Ang haba-haba ng explanation ko pero mukhang hindi naman ito importante. >.<

“Tara na” sabay hila niya sa kamay ko.

Waaah! Holding hands kami oh! Madlang people! Tingnan niyo kami oh, HOLDING HANDS! *u*

“Masarap ba?” tanong ni Cedric sa akin. Nandito kami sa loob ng isang pizzeria. Buti na lang bukas pa kahit 11pm na.

“Yep!” sabay ngiti. Sobrang kinatuwa ko talaga itong pinuntahan namin. Lamon lang ako ng lamon. Gutom eh -__-

“Tsk may ketchup” Nagulat na lang ako ng biglang pinunasan niya ang labi ko gamit ang kanyang panyo. Habang ginagawa niya yun ay nakatingin lang siya sa labi ko.

Dahil sa gulat talaga ako sa ginawa niya, nakatingin lang ako sa kanya. Matapos niyang punasan ay napatingin na rin siya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at bigla na lang siyang napaiwas ng tingin.

Hehehe. Kinikilig aketch! Mukhang imprubing na kami! Kanina maypa-HOLDING HANDS pa siyang nalalaman, ngayon naman may EYE to EYE CONTACT na! *u*

*bzzzt*bzzzt*bzzzt*

Nagulat na lang ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko at tiningnan kung sino ang nagtext... mommy??

Binukasan ko na ang message.

--------------------

From: Madur Dear

Rio, umuwi ka na. Nandito ako sa bahay mo.

May surprise ako for you! Bilisan mo.

Dapat nandito ka na in 15 minutes...

kung hindi, bye bye allowance!

--------------------

At dahil sa bye bye allowance kung wala pa ako sa bahay in 15 minutes, agad-agad akong nagpaalam kay Cedric.

Pero syempre, nagprisinta na rin siyang ihatid ako pauwi kaya hindi na ako tumanggi! Tsk. Opportunity ko na kayang makasama siya ng mas matagal, kaya grab lang ng grab! Bawal ang PAKIPOT!

**END OF FLASHBACK**

At hanggang ngayon, kinikilig parin ako! Walang basagan ng trip, alam ko namang wala masyadong nangyari eh... pero wapakels! Kinikilig ang lola niyo *u*

*TOK*TOK*TOK*

Tsk. Hindi pala maganda ang morning ko. Maasar nanaman ako kapag nakita ko ang mukha ng halimaw na nasa kabilang side ng pinto ko. -___-

*TOK*TOK*TOK*

Sana pala hindi na lang ako umuwi kagabi eh TT^TT

*TOK*TOK*TOK*

*TOK*TOK*TOK*

*TOK*TOK*TOK*

Ugh, ang ingay talaga. Dahil sa naiinis na talaga ako, padabog akong pumunta sa harap ng pinto at binuksan ito.

“ANO NANAMAN KAILANGAN MO?! ANG AGA PA HA!” singhal ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa pagsigaw ko.

Pero mali pala ako, mukhang ako ang nagulat ng makita ang mukha niyang bagong gising at gulong-gulong buhok.

Bigla siyang ngumiti na mukhang nang-aasar pa nga.

“RIO BAAAABES! GOOD MORNING DIN SA IYO! Sabay na tayong magbreakfast!” sabay yakap sa akin.

See? Sabi ko naman sa inyo, mabuti pang hindi na lang ako umuwi kagabi (_, _ ‘)

*end of chappie*

I'm With Him (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora