Tinignan ko lang siya sa repleksyon ng salamin.

"Hindi. Wala. Tssh." Naiinis na sambit ko.

"Uy! Hinahanap ni Axiesse si Zae!" Sigaw niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Napatingin lahat ng mga kaklase namin sa 'min dahil sa sigaw nya. Ang sarap niyang supalpalin. Uminit ang pisngi ko dahil ngumiti ang ilan sa mga kaklase ko at sinimulan na naman ako.

"Hahaha! Miss na miss!"

"Iba rin eh!"

"Uyyy!"

"Wag kang mag-alala nagpapaguwapo pa 'yon para sa 'yo!"

Hindi niya naman kailangang magpaguwapo!

Napailing nalang ako sa kanila. Umingay na naman ang backstage dahil sa ginawa ni Arjie. Napanguso ako dahil panay na naman ang kanilang tukso. Gusto ko sanang sabihin na hinahanap ko siya dahil, syempre, partner kami! Pero huwag nalang pala. Alam kong mas lalo lang nila akong tutuksuin.

Nagulat nalang ako nang biglang nagtilian ang mga kaklase kong babae. Napalingon ako sa kanila. Napalunok ako nang pumasok si Marx. Kinabahan agad ako dahil sa tingin ko malapit na nga magsimula ang programa dahil nandito na ang isa sa mga Campus Royalties! Mas lalo akong kinabahan nang maisip na nandito na rin siguro si Zae. Hindi ko alam pero parang sumasakit ang tiyan ko dahil sa kaba. 'Yong pakiramdam na parang na-tatae ka na ewan pero hindi naman ako natatae.

Napatingin ako bigla kay Sasha dahil paniguradong nakatunganga siya ngayon kay Marx. At hindi nga ako nagkamali! Laglag ang panga niya habang nakatitig kay Marx na kararating pa lang. Parang shunga.

"Huy!" Gulat ko sa kaniya pero hindi siya natinag.

Sunod na nagsitilian ang mga babae't bakla nang pumasok dito sa backstage si Klenth at Wayne. Laglag ang mga panga ng mga kaklase ko. Pero ako? Kinakabahan ako ng todo! Nagpapahuli pa talaga ang Zae na 'yan, ah! Nasaan na ba siya?

At sunod nga siyang pumasok. Napalunok ako. Sumabog sa kaba ang puso ko dahil lumapat kaagad ang tingin niya sa 'kin. This... guy. This guy is making me feel something with his look.

Naka dark blue polo siya at nakatupi ito hanggang siko. Nakasuot siya ng black pants. Ang medyo maayos niyang buhok ay mas lalong naging maayos. Aaminin kong guwapo talaga siya... lalo na ngayong... hindi uniporme ang kaniyang suot...

Kung kanina ay kinakabahan ako dahil sa role play, mas nadagdagan 'yon nang puamasok ang mga Campus Royalties dahil mag-uumpisa na nga ang programa.

Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Kailan ka pa nagkaganyan, Axiesse? Bakit ako nagkakaganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang hindi normal! Parang hindi ako 'to. I calmed myself.

Umingay na naman ang backstage. Parang ako lang ang kinakabahan dito dahil 'yong iba ay nagtatawanan at handang handa na.

"Zae, kanina ka pa hinahanap ni Axiesse!" Napabaling ako ng tingin kay Yumie nang isigaw niya 'yon.

Napatingin si Zae sa kaniya. Sinamaan ko ng tingin si Yumie na nakatingin na sa akin ngayon. Traydor!

"Mag selfie ka nalang nga dyan!" Inirapan ko siya at narinig ko ang tawa niya.

Bakit ba parang lahat sila, pinagkakaisahan ako?

"Hay naku, Ax-"

"Yumie!!" Suway ko sa kaniya.

Aba kanina nagseselfie lang siya dyan tapos bigla-bigla nalang manunukso. Nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa pagseselfie. Lahat na ata ng angle ay nasubukan niya na. Lumapit siya sa akin at nagpicture kami pero hindi ako ngumiti.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now