42

459 16 5
                                    

4K reads mga bebe q!!! 😘😘💕💕
SORRYYYY LATE UDDDDDDDD!! Namundok kasi si otor hahahahaha~
Enjoy readinggggg! 💞
-101Noona
**

Seongwoo's POV

"Nasa veranda siya." lapit ko kay Daniel nang mapansin ko siyang palinga linga at palakad lakad. Nagulat siya nang sabihin ko ito dahil nalaman ko nanaman kung ano o sino ang iniisip niya.









"Hindi ako psychic mylabs. Madali kalang talagang basahin." tawa ko at tinapik siya sa balikat. Hindi na siya nagsalita pa at agad na tumungo sa veranda.









Sana naman magkaroon ng bunga lahat ng idinaldal ko kay Khalee kanina. Nakakapagod na kasi 'yang habulan nila.









"Bakit ka nangingiti diyan?" lapit ko naman kay Wonho na parang nabaliw na dahil sa abot tenga niyang ngiti. Porket tapos na ang problema niya kay Amber huh.








"Tulungan muna natin si Khalee at Daniel bago ka magsaya. Alam kong speechless ka pa sa balikan niyo ni Amber pero please lang, may tropa pa tayong nagaabang ng happy ending sa veranda." para namang nanigas si kupal sa kinatatayuan niya at napalitan ng gulat ang kaninang nakangiti niyang mukha. Hindi pa ba sila nasanay sa akin?









"Fck. Kinikilabutan talaga ako. Minsan iniisip kong mutant ka." sabay naman kaming nagtawanan pagkasabi niya nito at pumunta sa gawi ng tropa.








"WTF?!!!!!!"









"TANGINA SERYOSO YAN?!"









"SABI KO NA EH!"









"OMAYGHAD."









"SHEETTTTTTTT!"







Sabay sabay na react ng tropa matapos nilang makita si Amber at Wonho na magka holding hands sa harap nila. Ganito ata ang reaksyon ng mga taong hindi pa nagkakagirlfriend. Pinigilan ko naman ang tawa ko dahil ayokong mabugbog nila ng tuluyan.










"Tangina nakakaloka mga ganap ngayong gabi." entrada nanaman ni Jaehwan at hinabol ng kotong si Wonho. Ikaw ba naman magmukhang tanga kanina eh.








"Sorry na babe! Nandun kasi si Khalee kaya nagpanggap muna ako. Baka mabuko kami ni Amber. Dapat surprise." taka ko namang tiningnan si Wonho. For the first time hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Anong ibig niyang sabihin?










"Balak na 'ring sabihin ni Daniel kay Khalee lahat. Biglaan kasi si tito Chen at hindi ko ineexpect ang mga nangyari." this time, buong tropa naman ang clueless sa mga pinagsasasabi ni Amber. Kaya naman, ikinwento ng magjowa lahat ng nangyari mula pa ng una. Mula ng issue dati three years ago hanggang sa pagkakabangga ni Wonho na ako lang din ang nakakaalam. Hindi na ako nagsabi na alam ko ang mga nangyari dahil again, baka makuyog ako ng mga kupal.








"Edi maliwanag na sa atin lahat? Okay na? Wala ng tanong?" saad ni Jisung saka nag-announce ang emcee na lumabas na kami dahil alas dose na ng madaling araw.









Pumunta ang lahat sa garden ng mansion para masdan ang fireworks display hudyat ng pagtatapos ng programa. Nag-angat ako ng tingin at napangiti nang makita si Daniel at Khalee na magkayakap.












MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)On viuen les histories. Descobreix ara