33

493 13 3
                                    

HAPPY 2K READSSSSSSS!!!!!! ALABYUUUUU GUYSSSSS!!! 😱😘
-101Noona
**

Khaleesi's POV

"How's your flight?" tanong ni Daniel kay Amber. Nagmistulan kaming tuod ni Wonho dahil nakatunganga lang kami habang naguusap sila. Lumayo ako ng kaunti sa gawi nila dahil baka masira ko ang momentum at tumungo sa gawi ni Wonho.








"Sa'yo na ako sasabay. H'wag nating istorbohin ang lovers." natatawa kong tugon. Tumango lang si Wonho at dumiretso sa sasakyan. Bakit ang seryoso niya? For the first time?








Buong byahe, tahimik lang siya at hindi manlang naisipang mang asar na mas lalong nakapagpakaba sa akin. Hindi ko pa siya nakitang ganito katahimik. Parang may mali.









"Uh..natatae ka na ba? Dapat sinabi mo sa akin kanina para nakajebs ka. Hindi naman kita aasarin eh. Naiintindihan kita kasi ganyan din ako katahimik kapag najejebs na ako. Yung tipong nasa butas na yung ulo--








"TANGINA NAMANG KABABUYAN 'YAN KHALEE!" at sinasabi ko na nga ba. Ako lang ang may kakayahang makapagpasalita sakanila kahit wala sila sa mood gaya nitong tukmol na 'to. Ngumiti lang ako at ginulo ang makulay niyang buhok.









"Alam mo namang asar ako sa buong pagkatao mo diba? Pero mas maaasar ata ako kapag hindi ka nagsalita." tugon ko habang naghahanap ng magandang kanta sa phone niya na pwedeng pagtugtugin. Puro masasakit sa tenga 'tong nasa bulok na playlist niya 'eh.










Bago ko pa mapindot ang kantang napili ko, nagring ang phone ni Wonho at nakalagay 'rito ang pangalan ni Daniel.









"Oh?" sagot ko. Kanina pa ako naiinip sa byahe naming aabot ata ng doble sa karaniwang tagal kung ako ang sana ang magmamaneho ng kotse. Magtatanghalian na at umiiyak na ang tyan ko.










"Kain muna tayo ng lunch." yun! Nadale niya! Kumislap ang mga mata ko at tumango tango habang nakatingin kay Wonho na...umasim na naman ang mukha. Siguro, taeng tae na talaga siya.










Huminto kami sa pinakamalapit na restaurant. Wala ng arte arte pa at agad akong pumasok diretso sa counter. Sakto 'rin ang pagdating nila Daniel mga ilang minuto pagkadating namin.










Pagkalapag ng mga pagkain, agad akong umatake para lumamon. Galit galit. Inisip ko munang hindi ko sila kilala para walang abala saka ko sinunggaban ang mga chibog na nakahain.









"Kalma lang." hagod ni Wonho sa likod ko. Pinabayaan ko lang siya at tuloy lang sa pagkain. Napatingin naman ako kay Amber na saglit na napakunot ang noo pero agad 'ring nawala. Hindi ata siya sanay sakin na ganito kumain. Wala 'eh. Gutom talaga ako.











"Phashensya naa Ambhsjjser. Hehhdbehshe." ngiti ko sakaniya. Ngumiti 'rin siya pabalik saka nagthumbs up. Kaharap ko siya at katabi niya naman si Daniel kaya kitang kita ko ang mga ginagawa nila. Nagsimula na silang kumain.









"Nakakahiya talaga 'to isama." tugon ni Wonho at pinunasan ang bibig ko ng tissue. Muntik na akong sumigaw ng 'ew' dahil sa kaweirduhan niya pero gutom ako kaya hindi ko nalang pinansin. Nakapagtataka ang pagiging mabait niya sakin ngayon. Weird.









"Gusto mo ng cucurbita soup?" narinig kong tugon ni Amber kay Daniel. Naramdaman kong napahinto si Wonho sa pagkain at napatingin sa gawi ng dalawa. Maging ako napahinto 'rin dahil sa sinabi ni Amber.









MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now