22

470 17 1
                                    

Khaleesi's POV

"H'wag kang maingay baka magising!"









"Nagsleepwalk ba siya? Ayon sa pagkakatanda ko, hindi natin siya kasamang natulog kagabi."








"Baka nag-away nanaman sila ni Seongwoo. Alam mo naman silang dalawa diba?"








"Nakayakap siya sakin paggising ko kanina."









"ANG IINGAY BWISET!!" sigaw ko sakanila. Nagulat silang lahat at natahimik. Napahinto ang nagsusuot ng pajama na si Sungwoon, naglalagay ng moisturizer na si Minhyun, nangungulangot na si Jaehwan, at ang nagsisipilyong si Jisung. Kaniya kaniya silang alis sa paningin ko para magtago. Kahit kailan talaga.








"Ahng inghay kashi ni Jaehwansjsjdjd." paninisi ni Jisung. Yung bulungan nila pwede bang sabihin nalang nila ng normal kasi rinig na rinig ko naman?








"Tanginang-- tumalsik sa mukha ko yang bula sa bibig mo! Ako nanaman nakita niyo mga kupal kayo. Galitin mo na ang lasing h'wag lang si Khalee na bagong gising." sagot ni Jaehwan. Pano ba 'yan? Lasing pa 'rin ata ako? At ang malala nagising ako sa ingay niyo?








"Hehehehe wala akong kinalaman diyan Khalee." biglang litaw ni Sungwoon. Iisa lang sila ng pinagtaguang lahat-sa CR. Itinuloy niya ang naudlot niyang pagsusuot ng pajama. Ugali kasi niyang maghubad ng pajama kapag natutulog. Mabuti nalang at may boxer siyang suot kundi, baka may masisipa ako palabas.








"Tubig." maikli kong tugon. Wala pang ilang segundo ay nagunahan na sila sa pagkuha ng tubig. Napahawak ako sa ulo kong masakit.








"Khalee, ang baho mo." dahil nauna si Jaehwan, ininom ko kaagad ang tubig na ibinigay niya sakin. Muntik ko ng ibuga sa mukha niya. Wow grabe. Nahiya ako. Sa kaniya pa talaga nanggaling 'yan ha.







"Akala ko ba bawal siyang galitin? Tanga tanga din eh!" batok sakaniya ni Sungwoon. Nagsisimula nanaman sila. Hindi ko pa 'rin sila tinitingnan at patuloy lang ako sa paginom.








"Tanga ka 'din! Hindi amoy walang ligo gagu. Amoy alak siya! Ano ha? Tinitrigger niyo nanaman ako sa amoy?!" at nagsisigawan na sila sa harapan ko. Lumapit sa akin si Minhyun at tinakpan ang tenga ko. Boses palang ni Jaehwan ng normal nakakagulat na, how much more 'yang sigaw niya.








"Madami kang nainom?" lumabas na kami ni Minhyun at iniwan ang dalawang babaeng nagka cat fight at isang taga awat sa kwarto. Sasamahan niya 'raw akong bumalik sa kwarto namin na katapat lang ng kwarto nila. :--------)









Normal nalang sa amin ang makitulog sa bahay ng bawat isa kaya hindi na big deal ang ginawa ko kagabi. Madalas, sila ang nagsisiksikan sa kwarto ko para makitulog matapos manuod ng horror movies. Malalakas ang loob mag-aya pero mga bakla pagkatapos.








"Hindi ko matandaan 'eh." patay malisya kong tugon. Mayayari ang buhay ko kapag nalaman nilang uminom ako ng bongga kagabi. Lalo na nitong kasama ko. Sakanilang lahat, si Minhyun ang pinaka nagger pagdating sa pagiinom ko. Bantay sarado ako kahit sa bartending class namin. OA diba. :---)








Siya 'rin ang kayakap ko kanina. Paano ko nalaman? Nagulat ako sa irit niya. And please, h'wag kung ano ano ang isipin niyo. PAA NIYA YUNG KAYAKAP KO. OO PAA NIYA. LECHESHT DIBA? Kung makapagsalita kanina akala mo pinagsamantalahan 'eh!








"Hi baby q." bungad sa amin ni Daniel at nakipaglandian kay Minhyun pagkapasok namin sa kwarto. Nadatnan naman namin si kuya na naglalabas ng mga pangswimming sa bag niya.












"Bakit ka nandito? Dito ka natulog? Bakit amoy alak ka?" sunod sunod na tanong ni Minhyun kay Daniel saka siya tumingin sa akin. Matalino si Minhyun. Ano pang silbi kung magsisinungaling ako? Eh halos nakalkula na niya lahat ng mga nangyari?








"Sainyo ako natulog dahil nagsleepwalk ako." Hindi na ako magsisinungaling sa inom part pero hindi ko alam ang idadahilan sa sleepover part kaya ito ang pinakaeffective na palusot na naiisip ko. Mukha pa 'ring naghihinala si Minhyun sakin. Nawala bigla 'yung hilo ko dahil sa kaba.








"Ang tagal niyo kasi kagabi babyyy. Kaya 'yun. Pero don't worry konti lang pinainom ko diyan." gotta thank Daniel for saving my ass. Please maniwala kaaa








Nawala ang paghihinala sa mga mata ni Minhyun at bumaling kay kuya. Nakahinga ako ng maluwag. Kinindatan naman ako ng Daniel nang mapatingin ako sakaniya. Fck puta. Ang aga aga ha!










"Weak." bulong ko sakaniya after kong makamoveon saka siya dinilaan. Hindi nakalagpas ang ngisi ni kuya nang tingnan ko siya. Aware ako sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ko kagabi. At nakapagdesisyon na ako.








"Ah ganon?" asar na sabi ni Daniel saka kami naghabulan sa buong kwarto.
**


"HOY ANO YANG ISUSUOT MO HA? YANG NAKITA KO BA SA BAG MO? MASYADONG SEXY!" si mommy nga hindi ako pinakikialaman, tapos kung makapagreact si Ong dinaig pa ang old fashioned naming lola? (P.S aylabyu po, wowaa 😘) Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader nitong CR. Kasalukuyan akong nagbibihis dahil nagsi-aya na silang lumangoy. Malamang na nakita niya 'yung swimsuit na nasa bag ko dahil nanghiram siya sakin ng sunblock kanina at nagsimula na siyang magingay pagkapasok ko dito.









"GUSTO MO BANG MAGJACKET AKO HABANG LUMALANGOY?" saka siya tumahimik. Yan ganiyan sila ka OA pagdating sakin. Halungkatin ko kwarto niya, mas malala pa damitan ng mga babae sa magazine collections niya. OopSs.








"Si mommy bumili nito kaya shatap ka diyan." mataray kong tugon saka nagsuot ng beach dress. Huhubarin ko nalang itong dress kapag lalangoy na. Lumabas ako ng CR at sakto namang dating ng bunso namin galing kabilang kwarto. Langoy na langoy na siya. Nakasuot na ng salbabida 'eh.








"Hyung, una na ako sa baba ha? Kasama ko sila Jinyoung." tumango sakaniya si kuya at kumaway 'rin siya sakin. Sumunod din kami sakanila mga ilang minuto pagkaalis ni Daehwi.








"Marami ka sigurong bilbil kaya ka nakadress ngayon?" pang aasar nanaman ni Wonho. Halos lahat ng mga tao nakatingin na samin dahil sa suot nitong mga kasama ko. Well, sabihin na nating si Wonho at Daniel lang ang tinitingnan nila. Pero aminin na nating wala pa 'ring tatalo sa katawan nitong amag na kausap ko.









Malaki ang resort nila Guanlin. Kaya kahit maraming tao, hindi kami nagaalala na baka maging crowded dahil sa sobrang lawak ng lugar.









"Let's see." maikli kong sagot. Ayoko ng makipagtalo dahil ako lang ang mabubwiset bandang huli. Natawa naman siya sa reaksyon ko at tumungo sa gawi ni Daniel saka siya may binulong rito. Lumaki ang mata ni Daniel saka napatingin sa akin. KALIMUTAN NIYO NA LAHAT NG SINABI KO. PAPATAYIN KO NA NGAYONG ARAW SI WONHO!








Tinawanan niya uli ako pagkatapos saka lumusong sa tubig. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinanggal ang suot kong dress. Mabilis lang itong tanggalin dahil nakadisenyo talaga siyang pamatong lang kapag may suot kang swimsuit.










Humanda ka sakin Wonho. :---------)
**

MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant