32

562 16 3
                                    

Khaleesi's POV

"Ako na magdadrive." ngiti ko sa dalawang lalaking kaharap ko ngayon. Napabuga si Wonho ng iniinom niyang tubig at kabadong tumawa si Daniel. Papunta kaming airport para sunduin si Amber. Wala na akong magawa dahil naka oo na ako nung nasa resort kami. Tulog pa ang lahat dahil sa walang sawa nilang pagmomovie marathon. Dahil maaga kaming nakauwi, may ilang araw pa kami para magwalwal bago ang pasukan.











"Please, ayoko pang mamatay. Kaya kaniya kaniya nalang ng dala. Sasamahan ka naman ni Daniel. Diba babe?" sunod sunod na sabi ni Wonho saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay nila Daniel. Gusto ko siyang saktan pero nakaalis na siya. Bwiset. Wala ng nagawa si Daniel kaya ibinigay niya sa akin ang susi ng audi ni tito Robb. Lumabas na 'rin kami at tumungo sa nakaparadang sasakyan.











"Ayoko pa 'ring mamatay Khalee ha?" naiirita na ako sa mga 'to ah. Bakit ganiyan lagi ang reaksyon nila t'wing magdadrive ako, eh ang bagal ko lang naman lagi magpatakbo? Nagsimula ito noong sabay sabay kaming turuan ni Daddy kung paano magdrive. Walang gustong sumakay sa akin kapag ako na ang magmamaneho kaya hindi na ako gaanong humawak ng manibela mula noon.












"Baka itakwil ako ni tito Robb kung gagasgasan ko 'to. Kaya don't worry, hindi ka mamamatay ngayon." ngiti ko sakaniya saka ako nagseatbelt at inistart ang makina. Tiningnan ko uli si Daniel at nakita ko siyang...nagpepray. Kailan pa siya naging makadiyos? :----------)














"Kapag ako naasar makakatikim ka talaga sakin. Kaartehan ng mga baklang 'to." asar kong tugon at tinapakan ang gas.













"KALMAHAN MO KHALEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!! PUTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!" irit ni Daniel. Dahil malayo ang airport sa bahay namin, may dalawang oras pa kami para magbyahe. Pero dahil ayokong may nasasayang na oras, baka abutin lang kami ng 30 minutes. Dapat nga magpasalamat pa siya 'eh. Tinignan ko siya saglit saka uli ibinaling ang atensyon ko sa daan.














"WaaAaAAaaaAAAAAaaAaAAAaaaaaAaaAAAA!!!!!!!!!" bawat pagliko at pagiiba ng direksyon ang gawin ko, puro sigaw at irit niya ang humahampas sa tenga ko. Hindi naman ako mabilis magpatakbo pero ganiyan na siya magreact. Paano pa kaya kapag binilisan ko na.











Ilang sandali pa'y wala na akong narinig na ingay ni irit niya. Nakahinga ako ng maluwag. Sabi sainyo eh, umaarte lang si kumag. Pinabayaan ko siya dahil baka nakatulog na siguro. Nakisali siya sa pagpupuyat kaya malamang orlok ang abot niya ngayon.

















Matapos ang malaamusement park (dahil akala mo sumakay siya sa rides) naming byahe, matiwasay kaming nakarating sa airport. Ipinarada ko ang sasakyan malapit sa isang fastfood chain. Tiningnan ko si Daniel at nagulat nang makita kong namumutla siya. Dali dali siyang lumabas para sumuka sa malapit na trash can. Wala talaga. Weak. Kaya pala hindi na nagsasalita kanina. Napailing ako dahil nafefeel kong malapit na siyang mamatay. Lol
















"Nasaan ka?" tanong ko kay Wonho na ngayon ay kausap ko sa phone. Tinatapik ko naman ang likod ni Daniel na umiinom ng gamot dahil baka mamaalam na siya anytime. At least naging mabait ako sakaniya bago siya ma-tegi. Tuloy lang ako sa paghagod sa likod niya.


















"1 hour pa. Bakit? Natraffic din kayo?" dahil sa ingay ng sounds sa loob ng sasakyan niya, napapangiwi ako at hindi masyadong inilalapit ang tenga ko sa phone saka ko napagpasyahang pindutin ang loudspeaker button. Traffic? Baka sa iba siya dumaan?
















MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now