38

509 17 6
                                    

Khaleesi's POV

"Babyyyyyy kooooo!" tugon ni Daniel habang tumatakbo para salubungin kami. Ako ang una niyang niyakap kaya kaniya kaniya nanamang ingay ang mga mokong na kasama ko.





"HOY ANO YAN! H'WAG DITO DUN KAYO SA BAHAY MAMAYA!" sigaw ni Jaehwan habang hawak ang tagiliran niyang kinurot ko kanina. Sa sobrang lakas ng tawa niya, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tinakpan naman ni Minhyun ang bibig niya.







"Hindi ka bibitaw o sisipain ko yang balls mo?" nakangiti kong tugon kay Daniel dahil nasasarapan na siya sa pwesto namin. Putangina kinikilig ako pero shet nakamasid buong buhay ni Ong sakin jusmiyo. Nakita ko siyang nagsmirk ng malala. 'Yung nangaasar? 'Yung masarap suntukin? Kakabwiseet








"HOY AKO BABY MO DIBA?!" entrada ni Minhyun at hinila si Daniel palayo sa akin. Once again, iniligtas nanaman niya ako bago pa kami tuluyang asarin ng magaling kong kapatid. Lumapit naman si Jisung sa akin at sinundot ako sa pisngi.







"Namumula ka bebe ko." saad niya saka ako dinampian ng dala niyang cushion. Mabuti nalang at may mommy sa tropa kundi, baka hindi ko na alam kung paano ako kakalma. Every year ata kami kung pumunta dito pero hindi pa 'rin ako sanay na nilalandi ng malanding si Daniel. Hindi ko alam kung kailan nagstart pero hindi na ako natutuwa twing nagbibiro siya gaya ng yakap niya sa akin kanina.








Pagkatapos ng kaguluhan sa airport kanina, tumungo kami agad sa kalapit na restaurant para kumain dahil hihintayin namin ang parating na si Wonho at date niya kuno. Ayokong magexpect dahil baka lalaki ang dalhin niya. Last year kasi, si Shownu ang date niya sa anniversary nila tita Sherri at tito Robb.








"Baka bebot na talaga ang dala ni Wonho guys." sabi ni Sungwoon habang kumakain kami. Wtf bebot? Muntik na akong maubo dahil sa term na ginamit niya.






"Hinay hinay lang Khalee taba." tugon ni Daniel habang kinukurot ang pisngi ko. Tuwang tuwa siya sa ginagawa niya huh.









"ARAAAAAAAAAY!!" lalo ko pang diniinan ang pagtapak ko sa paa niya para mas damang dama. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Sa susunod na iistorbohin niya ako sa pagkain, mapuputulan na siya ng paa.









"Jaehwan, naalala ko lang nung inaayos ko ang laman ng baggage mo. Bakit wala akong nakitang kahit na anong underwear?" tanong ni Minhyun. Ngayon niya lang 'yan naisip kung kailan nandito na kami?








"Isa lang dala ko. 'Tong suot ko. Babaliktarin ko nalang para sa susunod na gamit." dahil sa sinabi niya, nawalan kaming lahat ng gana sa pagkain. Isa isa siyang kinutusan ng mga tukmol. Sakto namang tumawag si Wonho sa amin na nakarating na sila kaya bumalik na kami sa airport.








"Whoaaaaaaaaaah!" gulat kong sabi nang makitang babae nga ang kasama ni Wonho. Hindi lang basta babae. Diyosang babae. Saan niya 'to nahanap?!






"Amber Jeon." nagulat kaming lahat sa sinabi ni kuya. Don't tell me?






"Yes. Tama kayo ng iniisip." tawa ni Wonho. Wtf? Seryoso ba siyang dadalhin niya ang isang Jeon sa teritoryo ni tito Chen? Jeon na mortal na kaaway ng pamilya nila? Well. Nakakagulat nga ang ginawa niya pero medyo asahan mo ng mga ganito ang gawain ni Wonho lagi.






"So date mo lang siya tama ba ako? Wala ng hihigit pa don?" tanong naman ni Daniel. Aba syempre naman! Hindi naman ganun kabobo si Wonho para magkagirlfriend ng isang Jeon diba?





MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now