21

551 23 9
                                    

Khaleesi's POV

"HHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"











Thank you Lord.





Nagbibiro lang siya.






"GRABE ANG EPIC NG MUKHA MO!! HAHAHAHAHHAHA!!" alam kong gusto mong gumanti pero h'wag naman sana sa ganitong paraan. Weak ako sa ganito bes. Masaquette 'eh. Muntik na akong di makahinga 'eh.






"Tangina ka talaga. Baduy ng joke mo ulol!" saad ko saka pumili ng panibagong movie. Napatungga ako ng beer ng wala sa oras. Kung sakaling hindi nagbibiro si Daniel kupal kanina, baka nabaliw nako ng tuluyan.





"Maaasahan talaga si Wonho sa mga ganitong kalagayan." no wonder Wonho. Malilintikan ka talaga sakin mamaya. Sinamaan ko lang si Daniel ng tingin saka sinipa. Nagdadrama lang ako kanina pero ngayon parang gusto ko na silang pataying dalawa.







"Pero ano palang dahilan ng pagkakadulas mo sa lobby kanina? Don't tell me, talagang tungkol sa basted thing? So ibig sabihin may gusto ka talaga sakin? Yieeeeee ikaw Khalee haaaa." ayan nanaman siya. Napahilamos ako ng mukha at napakuyom sa kamao ko. Medyo natakot ata si Daniel kaya lumayo siya ng kaunti sakin.





"Joke laaang. Ito naman! Gagamit ka nanaman ng dahas 'eh!" natatakot niyang tugon. Inismiran ko siya at ibinaling ang tingin sa laptop. Pinindot ko ang "I saw the Devil" na paborito ko.




"Subukan mong sirain ang panonood ko, masusuntok na kita." dali dali naman siyang tumango saka ko ipinlay ang movie. Alam kong hindi niya pa 'to napapanood dahil puro Hollywood movies lang ang alam niya. Hah! Tingnan natin.





"PUTANG!!!!!!!!!!!" wala pang trenta minutos. Kinang-- Pero hindi ko siya masisisi. Masyado nga palang hardcore ang movie para sa mga kagaya nilang weak. Halos mapiga ang kamay ko sa sobrang pagkakadiin ng hawak niya sakin. Hindi ako kinikilig. Nabubwiset ako okay?





"GAGO MANYAKIS KANG HAYOP KA!! DAPAT TINANGGALAN KANA NI LORD NG BIRD!! MAMATAII KANA PAKYU KA!!! WALA KANG PINAPALAGPAS TIGANG KANA HAYUFF KA!! PSYCHOPATH!!" naalala kong nilinaw ko sakaniya kanina na ayaw ko ng istorbo diba? Wala akong magawa kundi hayaan nalang siya. Damang dama ko siyang nagugulat sa bawat scene dahil sa sobrang dikit niya sakin.






Sa movie lang na 'to ako hindi nakahinga ng maayos sa loob ng dalawang oras. Si Chase ang kasama ko nang unang beses ko itong mapanood. Walang scene na hindi maninikip ang dibdib mo sa sobrang kaba. Kaya alam ko kung anong nararamdaman ni Daniel ngayon.






"SHEEEEEET PATI YUNG BIDA HARDCORE!!!!!!!!" dahil alam kong wala na akong magagawa sa ingay ng nilalang na katabi ko, inenjoy ko nalang ang paginom at pagkain ng chicha tutal napanood ko naman na ito.







Nasa kalagitnaan ako ng pagdedaydream nang biglang takpan ni Daniel ang mga mata ko. WTF?








"Bawal 'yang scene sa'yo. Baby ka pa. Bawal 'to sa baby." yakap niya sakin habang hindi parin tinatanggal ang pagkakatakip sa mata ko. Nasa scene na siguro kung saan nirerape ng kontrabida yung jowa ng kaibigan niya. Imbes na matawa ako dahil hindi niya alam na napanood ko na, hindi nanaman ako makahinga ng maayos dahil sa mga nangyayari. Napalunok nanaman ako ng wala sa oras. Lasing na nga siya.








Rinig na rinig ko ang sounds na nanggagaling sa laptop. Alam niyo na, sounds ng nag-aano. Asdfghjkl!





"Tangina ang ingay." narinig kong bulong niya. Hindi niya naman mahinaan dahil nakayakap pa 'rin siya sakin. Ang OA talaga neto. Pinipilit kong makaalis pero hindi niya talaga ako binibitawan. Bes, napanood ko na 'yan. Kalmahan mo. Pwede bang bitiwan mo nalang ako? Para matahimik 'tong kaluluwa ko? :------)





MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon