39

440 15 6
                                    

HAPPEH 3K READS MGA BEBE Q!! 😱😱😍😍😍😍😍
Nagdadalamhati parin aq dahil di ako makakapunta bukas huhuhuhu. Balitaan niyo ako huhuhu DM niyo ako sa twitter huhuhuhu 😂😂😂
-101Noona
**

Khaleesi's POV




"Lagi mong tatandaan na wala paring magbabago sakin pagkatapos nito ha?" hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi niya mula pa kanina kaya tango lang ang kaya kong gawin bilang sagot. Wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga, masaya ako.









"Kakausapin ko si Daddy at sasabihin ko na payagan na akong magstay kila Mommy. Para hindi na kita palaging namimiss. Para lagi na kitang kasama." kung kanina'y kaya ko pang tumango, ngayon ay hindi na. Ni hindi na 'rin ako makagalaw. Ipinulupot niya ang kamay niya sa beywang ko at binuhat ako ng marahan kaya napakapit ako sa balikat niya.









"Ipatong mo nalang ang paa mo sakin kung hindi mo kayang sumayaw." ngiti niya pa'rin. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nag-iinit ang pisngi ko at hindi na ako makapag-isip ng maayos.










"Pero mukhang kailangan mong maghintay. Baka matagalan pa bago ko makumbinse si Dad. Sana lab mo pa'rin ako pagbalik ko." tanginang kalandian talaga. Kahit ten years pa'yan puta. Hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti kaya tumawa siya na parang bata. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil sa sobrang hiya. Mabuti nalang at sa madilim na parte kami nakapwesto at malayo sa amin ang tropa kundi, dito na magtatapos ang buhay ko.









"Khalee."









Pagbigkas niya sa pangalan ko, para akong nanlambot at nakaramdam ng sari saring elemento sa tiyan ko. Para akong nakuryente na hindi ko mawari. Nadedemonyo na ata ako.











"Ayaw mo?" wika niya pagkasuot niya sa akin ng isang silver necklace na may maliit na lollipop pendant. Sinong hindi sasama ang mukha eh bigla bigla ka ba namang patatalikurin at lalagyan ng kung ano sa leeg? Tapos ang malala pa ay sasabit sa buhok mo?!









"Panira ka talaga ng momentum!" sigaw ko sakaniya at sabay kaming tumawa. Hinawakan ko ang pendant at napangiti. Noong bata pa kami, palagi na niya akong binibigyan ng lollipop lalo na t'wing umiiyak ako. Itinigil niya lang magbigay noong minsang mabungi ang isa kong ngipin at pinagalitan siya ni kuya. Natawa ako dahil dito.
**





"Oo nga guys! Hoy inumin niyo yan!" sigaw 'rin ni Jisung mom at nang dumilat ako ng kaunti, umiinom na 'rin silang tatlo. Ngumiti ako at nag thumbs up. As expected.








"Ako lang mag-isa sa kwarto Khalee. Sa sofa nalang ako matutulog." naririnig kong daldal ni Jisung mom habang pinupunasan ako ng basang twalya sa mukha. Nasa kwarto niya na pala kami. Ang huli kong natatandaan ay nagiinom kami sa may mini bar ng resort. Umupo ako dahil nawala na ang hilo ko kanina pero alam kong lasing pa 'rin ako. Napatitig ako sa flatscreen na bukas.











"Ginagago niya lang pala ako noon sa party? Tapos nagpa-gago naman ako?" nagsilabasan nanaman ang mga luha kong nagpapaunahan sa pagbagsak na para bang wala ng bukas. Bigla namang nagpanic si Jisung at pinunasan ang mga luha ko. Hindi siya magkanda-ugaga para patahanin ako pero hindi ko mapigilan ang mga luhang pumapatak. Para silang nawalan ng kontrol.










"Shhhhh. Tahan na Khalee. Alam mo namang ayaw naming nakikita kang ganyan. Saka hindi pa naman natin alam ang side ni Daniel. Baka fake lang yung article. Alam mo naman diba?" sunod sunod niyang sabi. Bigla naman kaming nakarinig ng isang pamilyar na boses sa news at nang mapatingin ako dito, tama nga ang hinala ko.











"Yes. We're officially dating."











"Yes. We're officially dating."















"Yes. We're officially dating."

















"Yes. We're officially dating."











"Wow. Bilis ng sagot niya oh." nanginginig kong tugon saka ko pinunasan ang mga luha kong pumapatak. Nakatanga naman si Jisung sa news at tila ba hindi makapaniwala na kay Daniel mismo nanggaling ang lahat. Hinugot ko ang suot suot kong kwintas at ibinigay sakaniya.














"Mukhang hindi 'yan para sa akin." ngiti ko saka ako lumabas ng kwarto.
**




"Magiging okay 'rin ang lahat. Nandito lang kami para sa'yo tandaan mo 'yan. But please maawa ka sa sarili mo. Ang payat mo na. Kainis ka. Wala na kaming maasar na Khaleetaba." nakayakap lang siya sakin habang pinagagalitan ako. Napatawa ako ng bahagya sa kabila ng pagiyak ko. Maswerte pa 'rin pala ako kahit na mga kupal sila minsan.











Matapos ang tagpong 'yon, umuwi na 'rin kami. Dahil ayaw ni kuya na mag-alala si Mommy sa akin, sa bahay nila Minhyun kami natulog. Niyaya 'rin nila ang buong tropa para hindi sila maghinala. At dahil magaling akong artista, masaya ko silang sinalubong ng yakap lahat. One week 'rin silang nawala dahil sa bakasyon slash engagement party sa States. Akala siguro nila hindi ko malalaman. Well...ikaw ba naman send-an ni Wonho kupal ng article diba. :--------) Edi sana hindi ako nag-emo kanina.








"Noona, pasalubong mooo." takbo sa akin ni Daehwi matapos kong magshower. Nanghiram muna ako ng shirt at PJ's kay Minhyun dahil hindi na kami dumaan sa bahay. Iniabot niya sa akin ang isang black na hoodie. Niyakap ko siya at nagpasalamat. Nagdatingan 'rin ang iba at iniabot ang kani kanilang mga pasalubong.













Napangiti ako dahil sa mga regalong natanggap ko. Alam kong aware sila na may nagbago pero ayaw nilang ipahalata sa akin. Napagdesisyunan ko 'ring itigil na itong pagdadrama ko dahil ako 'rin ang kawawa. Wala akong mapapala kung itutuloy ko 'to. Wala namang kasalanan si Daniel 'eh. Hindi niya naman sinabing gusto niya ako kaya wala 'ring dahilan para magalit ako o magdamdam.











"Maging masaya ka sana sakaniya "

MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now