41

495 14 15
                                    

*Present year

Khaleesi's POV



"A-h s-so bakit n-nagwawala si Wonho?" kabado kong tanong kay Jaehwan. Tiningnan niya ako ng may paghihinala. Nayari na. Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil baka mahalata ako.










"Hindi ko din alam 'eh. Tumakbo kasi ako agad pagkasigaw niya kay tito Chen." napailing ako dahil sa sinabi niya. Napakamaaasahan talaga nitong kaibigan 'eh. Yung tipong tumakbo na pala siya imbes na tulungan ka. Asim mukha ko siyang tiningnan.











"Hoy alam ko yang iniisip mo! Hindi ko siya tinakbuhan! Humingi nga ako ng tulong diba?!" binatukan ko siya habang tumatawa. Defensive masyado kaya napaghahalataan 'eh. Um-oo nalang ako dahil nararamdaman kong paiyak na siya. Agad 'rin naming narating ang office ni tito.









"PINAGLOLOLOKO MO BA AKO JAEHWAN?!" asar kong sigaw habang hila hila ko ang buhok niya. Walang Amber, Wonho at Tito Chen sa loob. Walang kahit na sino. Napatanga ako nang makitang walang laman ang office ni anino man lamang ng mga taong binanggit niya kanina.










"AAAaaAAaAAAaaaAAAHINDI AKO NAGSISINUNGALING KHALEEEEE!! PROMISE NANDITO LANG SILA KANINAAAAA!!" matapos kong akyatin ang mataas na hagdan habang suot ang heels ko, ganito ang madadatnan ko?!










"WHOOOOOAH PIGILAN NIYO SI KHALEE MAKAKALBO SI JAEHWAN!!!!" nagpapanic na tugon ni kuya saka isa isang nagdatingan ang tropa. Hirap na hirap silang nagtanggal ng kamay ko sa pagkakakapit sa buhok ni Jaehwan. Nagtaka sila sa mga nangyayari kaya ikinuwento ko ang mga naganap mula kanina.










"Paanong nandito si ate Amber eh kasayaw lang siya ni Daniel hyung sa baba? Nakita ko po sila kanina bago kami pumunta dito." tugon ng bunso naming si Daehwi. Saka ko lang napansin na hindi na nga namin kasama si Daniel mula pa kanina ni Jaehwan. Pumunta pala siya kay Amber.












"H-ha? Eh diba Khalee magkasama lang kayo ni Daniel? Magkahawak pa nga--" hindi na naituloy ni Jaehwan ang mga sinasabi niya dahil pinasakan ko ang bibig niya ng table napkin na nakita ko malapit sa gawi ko. Tila nabitin naman ang tropa dahil sa naudlot niyang entrada. Mapapatay ko talaga 'tong hayop na 'to.













"Oo tama si Daehwi. Nasa baba si Daniel. Kanina pa nga ako nandun eh. Ano palang ginagawa niyo dito?" litaw ni Wonho at lumapit sa pwesto ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa magandang timing niya. Napatingin ang lahat kay Jaehwan na parang nabaliw na dahil sa pagkakagulat.










"Kasama kita kanina diba? Sumugod ka nga dito eh! Sinigawan mo si tito kasi umiiyak si Amber! Hindi ako nagsisinungaling! Totoo lahat ng sinasabi ko!" hysterical niyang tugon. Rinig na rinig sa buong office ang sigaw niya. Tiningnan ko naman si Wonho na nagkibit balikat lang.











"Ngayon lang tayo nagkasama uli. Nasa baba lang ako the whole time. Nananaginip ka ata babe." saad naman ni Wonho. Isa isang nagreklamo ang tropa dahil wala naman palang kaguluhan sa office kaya minabuti na naming bumaba na. Hindi naman nakapagsalita si Jaehwan na ngayo'y humihikbi na sa gilid. Lumapit ako sakaniya at niyakap siya saglit saka ko hinabol si Wonho na nauuna ng maglakad. Kawawang Jaehwan.











Samantala, napatingin ako kay Wonho habang naglalakad kami. Parang may mali 'eh. Kilala ko si Jaehwan. Alam ko kung nagsisinungaling siya o hindi. So..bakit pinipilit ni Wonho na hindi siya nagpunta sa office kanina? At anong kinalaman ni tito Chen kay Amber? Magkakilala sila? Bakit nagwala siya?












MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن