43

804 20 24
                                    

Khaleesi's POV



"Pasensiya ka na talaga Khalee. Kung hindi dahil sakin hindi 'to nangyari lahat." naiiyak na tugon ni Amber. Niyakap ko siya. Nandito kami ngayon sa café malapit sa school. Tapos na ang party, at back to normal na uli. Tapos na 'rin ang sembreak at pasukan nanaman. 10am pa ang first subject ko kaya niyaya ko muna siyang magchill dito.











"Kung ako ang nasa kalagayan ni Daniel, baka ginawa ko 'rin 'yon. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ako galit. Naiintindihan ko lahat. Pero..magseselos talaga sana ako kundi ko lang nalaman na si Wonho ang lab mo. Yieeee." pang-aasar ko sakaniya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Alam kong nahirapan 'rin si Amber gaya ni Daniel. Hindi biro ang ginawa ni tito Chen na pandedemanda sa pamilya niya. At alam kong wala siyang choice kaya pumayag siya sa offer ni Daniel noon.














"Sorry late ako!" litaw ni Chase habang nagdadaldalan kami ni Amber tungkol sa mga nangyari three years ago. Taka naman siyang tumingin sa aming dalawa. Nasa Canada kasi siya nitong nakaraang mga linggo dahil sa reunion nila kaya wala siyang alam sa mga nangyari. Natawa kami ni Amber sa reaksyon niya at ipinaliwanag ang lahat.
**







"What are the drinks obtained by distillation, after fermentation from vegetables, grains, fruits, plants and other substances which are sugar or starch bound?
A. Alcohol
B. Spirits
C. Liquor
D. None of the Above












"Okay? Letter B?" bulong ko sa sarili ko at binilugan ang letter B.













"It is a fine whisky that comes from Ireland. It is made in the same way as scotch whisky except that it doesn't have a smoky flavor."
A. Scotch
B. Vodka
C. Irish
D. All of the Above













"Letter C." tugon ko uli at binilugan ang letter C. Sinagutan ko pa ang mga natitirang questions sa quiz namin saka ko na ipinasa ang test paper.













Kinakabahan ako sa magiging resulta dahil una sa lahat, hindi ko alam kung tama ang sinagot ko dahil wala naman akong naintindihan sa mga tinuro samin at ikalawa, yari ako kay mommy kapag nakita niya nanamang bagsak ako.












"Bago ko ibigay ang result, may plus five sa quiz ang makapagbibigay ng at least 5 common liqueur used." sigaw ni sir na nakapagpabuhay sa adrenaline ko. Hindi ako pwedeng ma-zero sa quiz kaya kailangan ko ng atleast 5 points!!!














"AKO SIIIIIIIIRRRRRRR!!!!!!!!!!" sigaw ko at tumayo sa upuan ko. Napatingin sila sakin at napahinto sa kani kanilang gawain. Saka ko narealize na ako lang pala ang nagtaas dahil nasa bakasyon pa ang utak ng lahat at nakalimutan na ang mga sagot.















Putangina















Putangina





















Putangina anong isasagot ko.


















"Uhh....Advocaat, Chartreuse, Drambuie, Kirschwasser and...Benedictine?" wala sa loob kong sagot. Sinabi ko lang kung anong mga alak ang nakikita ko sa bahay at mga inoorder ng tropa sa bar. Bahala na si batman kingina.


















MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin