26

515 15 2
                                    

Daniel's POV

"Bakit nangingiti ka diyan?" usisa ni Wonho sakin. Nasa loob kami ng kwarto niya. May sarili siyang kwarto dito sa resort. Sa sobrang laki nito, gusto kong isipin na may diskriminasyon samin. Kaso shatap nalang ako dahil sila nga pala ang may-ari nito.












"Kachat si Amber. Yieeeeeeeeee!!! pangaasar ni Jisung sa akin. Sumunod na 'rin ang buong tropa sa pangaasar. Tiningnan ko si Wonho at umiwas siya sakin ng tingin. Muntik namang mabilaukan si Khalee na kumakain ng cheesecake.










"Uuwi na siya next week diba?" sabat ni Khalee kahit puno pa ang bunganga ng pagkain saka uminom ng tubig. Matapos ang insidente kanina sa pool, napagpasyahan ng lahat na tumambay dito sa malaprinsipeng kwarto ni Wonho sa laki para manuod nalang ng movie. At balak nilang gumala nalang mamayang gabi.











"Oo. Sinong sasama sakin sa pagsundo?" walang nagtaas ng kamay. Napailing ako. Mula pa noon, ayaw na nila kay Amber. Tiningnan ko si Khalee at itinuro naman niya ang sarili niya. Tumango ako hudyat na siya ang gusto kong isama kung walang may balak sumama sa tropa.











"Sasama ako. Baka maiyak si Khalee sa pagiging third wheel 'eh." pangaasar nanaman ni Wonho. Uminit ang pisngi ni Khalee at sinugod uli siya bagay na nagpatawa sa amin. Forever na ata silang ganiyan.











"Akala ko ba one week kalang dito hyung?" tanong ni Woojin kay Wonho habang sinusuklayan si Daehwi. Mukhang hindi inaasahan ni Wonho ang tanong kaya nagpanick siya. Napahinto 'rin si Khalee na hawak ang buhok niya.











"Extended ang bakasyon ni kupal." akbay ni Seongwoo kay Woojin. Mukhang nawala naman ang pagtataka sa mata ng lahat kaya nakahinga ng maluwag si Wonho. Wala pa'ring tatalo kay Seongwoo pagdating sa pagiging savior namin. Paano niya kaya nalalaman ang lahat?











"I have my own ways." narinig kong bulong ni Seongwoo kay Wonho. Good thing ako lang ang malapit sakanila kaya ko narinig. Si Seongwoo lang ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ng tropa. At alam kong alam niya 'rin kung ano ang mga sikreto ko.













Busy ang lahat habang nakatutok kay Jisung mom at Woojin na naghahanap ng movie sa laptop na nakaconnect sa malaking flat screen na nakadikit sa wall ng kwarto ni Wonho. Nakaupo na ang tatlong bibe malapit sa flat screen habang naghahanda naman ng pagkain si Sungwoon at Jihoon sa kitchen. Kingina diba. May kitchen dito. :-------)












"WALANG MANONOOD NG HORROR!" sigaw nila nang hawakan ni Khalee ang laptop. Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Bumusangot siya at nagroll eyes. Cutie.












"Lika dito bebe Khalee. Buti pa ako hindi kumokontra noh?" ngiti ko sakaniya. Tiningnan niya lang ako saka itinaas ang gitnang daliri ng kamay niya. Tinawanan kami ng lahat.










Dahil sa lawak ng space sa kwarto ni Wonho, lahat kami ay kasya malapit sa flatscreen kaya tabi tabi kami ng higa sa de-carpet na sahig. Si Woojin na katabi ko ngayon ay natutulog na...well halos lahat na pala dahil sa lamig ng kwarto at pati na 'rin sa lambot ng hinihigaan namin.










"SINONG UMUTOT PUTANGINA!" sigaw ni Jaehwan. Napaubo ako dahil sa sangsang ng amoy. Pota. Anong kinain nito? Imbornal? Nagising ang lahat dahil sa amoy. Naka AC kami. Kababuyan talaga ng mga 'to eh.











MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now