14

611 18 5
                                    

Khaleesi's POV

Nagulat silang lahat sa biglaang pagsasabi ni Ms.BoA. Wala namang problema kay Daniel dahil kaya niyang magsaulo ng dance steps agad once na napanood na niya ito. At ayaw ko mang aminin, WANNAONE ang pinakasikat na group sa buong university namin. Kaso, hindi namin iniexpect na madidisgrasya sila Taehyun.

"Iiwan ko na kayo dahil magpeprepare pa ako at ibebriefing ang team ko. Goodluck sa atin mamaya." ngiti ko kay Jisung saka siya niyakap.

"Edi mahuhuli 'rin akong nagsisinungaling mamaya." tawa niya pati na ng tropa. Nakangiti man, bahid pa 'rin ang pagaalala sa mukha nilang lahat. PICK ang sunod na group sa WANNAONE. Puro HRM nga lang ang mga miyembro nito hindi gaya nila na kasama ang tatlong bibe na mga Senior High pa pati na si Woojin at Jihoon na mga tiga Psychology Dept.

Madalas magperform ang magkaibang grupo lalo na sa malalaking events.

Pinsan ni Minhyun si Kuya Jonghyun. At pinsan naman namin si Taehyun kaya hindi kami mapalagay kahit sinabi na sa aming stable na ang lagay nila.

"Can we go there before rehearsing?" mungkahi ni Guanlin na sinangayunan naman ng lahat. Dahil may oras pa naman, sumama na'rin ako sa ospital.
**

"Whoah. Tama ba ako ng nakikita? Khaleesi Ryn? Ang pinsan kong ubod ng slow? Dinadalaw ako?" Mukhang alam niyo na kung saan minana ni kuya ang kasamaan niya. Meet Taehyun the Jerk. Nabalian na't lahat lahat pero hindi pa 'rin mahinto sa pambubwiset niya sakin.

See? Yan ba ang nabalian ng buto? Yan ba ang nakaratay sa ospital? Kinamusta siya ng lahat na nabunutan ng tinik nang malaman na okay na siya dahil obviously, nakapagdadaldal na.

"San masakit sa'yo? Dito ba? Ano kayang feeling kapag pinindot ko 'yan ng malakas?!" turo ko sa bali niya. Nakita kong nanlaki ang mata niya at sunod sunod na umiling. Palibhasa bibig lang ang kaya niyang igalaw kaya wala siyang laban sa akin.

"Guys nasabi ko bang sobrang ganda ngayon ng pinsan ko? Grabe diba? Dongho diba?" nanghingi pa ng tulong sa mga kasama niya. Psh

Kalat kalat ang tropa ngayon na kinakamusta ang lagay ng mga members ng PICK kaya hindi na nila naririnig ang mga eksenang dulot ni Taehyun. Mabuti naman.

Si Taehyun lang ang napuruhan sakanilang lahat. Yung iba puro minor injuries lang kaya mas gumaan ang dibdib ng lahat.

"Maganda naman si Khalee 'ah. Usap usapan nga 'yang pagkaslow este pagkadyosa niya sa buong university diba." singit ni Jaehwan. :---)

"Mukhang may isusunod ako dito kay Sungwoon 'ah." napatingin naman sila kay Sungwoon na medyo bakat parin ang kurot ko sa pisngi niya.

"Sige Bro. Labas lang muna ako." ngiti ni Jaehwan saka dahan dahang lumabas ng pinto. HAHAHAHAHA WTF

"Hoy Daniel hindi ka nagsasabi ha? Welcomeback!" napansin namin si kuya Jonghyun na niyakap si Daniel. Kung nagtataka kayo kung bakit parang kilala siya ng lahat kahit sa States siya nakatira, 'yon ay dahil iisa kami ng school lahat mula pa ng elementary 'nung hindi pa nagdidivorce si Tita Sherri at Tito Zach.

Kaya alam niyo na siguro kung bakit sawang sawang sawa na ako sa pagmumukha nilang lahat.

"Salamat sa mga proxy natin." pangaasar ni Dongho kay kuya. Biglang nagpokerface si kuya pero agad 'ring binawi ng tawa.

"Gago ka Dongho. Kundi lang dahil kay Ms.BoA 'eh." biro niya. "Pero mga kupal pa 'rin kayo. Ni hindi niyo manlang sinabi sa amin kagabi?" pinapagalitan na po sila ni kuya.

"Ayaw naming may mag-alala." niyakap naman ng lahat si kuya Jonghyun kasama na ako. Alam kong sinisisi nanaman niya ang sarili niya sa mga nangyayari. Sobrang bait niya kaya lablab siya ng lahat.

"Pero salamat parin sa pagsalo Jisung. Babawi kami sainyo next time." narinig ko namang sabi ni Haknyeon na kasalukuyang kausap ni Mayor.

"Balita ko Khalee ikaw ang papalit kay Jonghyun mamaya?" bati sakin ni Dongho na katatapos magbalat ng mga dala naming prutas. Tinapik ko siya sa pwet saka tumango.

"Ikaw lang ang babaeng gumagawa sakin niyan ng hindi ako naiilang." tawa niya saka ako sinubuan ng hawak niyang apple. Gwapo man at Hot si Dongho sa inyong paningin, naging isa pa 'rin siyang uhugin. HAHAHAHA magkarhyme shet. Yez. Magkatabi kami niyan lagi ng upuan dati kaya alam na alam ko ang buong buhay niya.

"Sino bang nagsabing babae 'yan?" epal nanaman ni Taehyun. Nakakailan kanang kupal ka ha.

"Very wrong." narinig kong bulong ni Sungwoon sakaniya.

"Titigil ka o dodoblehin ko yang bali mo?!" kalma Khaleesi. Kalma. Intindihin mo siya. Huminahon ka.

"Daniel pakihatid si Khalee sa baba. Magreready pa 'yan sa event mamaya." nataranta silang lahat dahil alam nilang nanganganib ang buhay ni Taehyun sakin. Baka mamatay siya sa kamay ko hindi dahil sa bali niya.


Tumawa si Daniel at ginulo ang buhok ko saka niya ako hinila ng marahan palabas. Pasalamat si Taehyun dahil may aasikasuhin pa ako kundi, baka namaalam na siya kanina.
--






A/N:
Anong meron sa dibdib? HAHAHAHAHA

MR.SEXY || KANG DANIEL (editing)Where stories live. Discover now