'Teka lang po. Bakit ganoon? Ang sabi ninyo? Ang makakakuha nito ay magtuturo sa kung saan naroroon ang Hari ng Spirit World. Bakit po? Para saan? Bakit kailangan natig makausap ang hari ng mga Spirit?' Tanong ko kay Val.

'Ang hari ng mga Spirits ang dahilan kung bakit nasa ating mundo ang mga Spirits. Kung sakaling makuha mo ang Bemeroth at makausap ang Spirit King, nais kong itanong kung ano ang nangyari sa akin at naging ganito ako. Isang Spirit.' Sabi niya.

'Master, Spirit King? Bakit po sa kanya at hindi sa mga Spirit Gods?' Tanong ko.

'Ang Spirit King ay ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang Spirit sa Spirit World. Kumpara sa mga Spirit gods dito sa ating mundo, ang Spirit King ang may hawak sa lahat ng Spirits, kasama na ang Spirit god.'

'Ibig po bang sabihin, mas malakas nag Spirit King kaysa sa Spirit gods?' Tanong ko.

Agad namang sumagot sa akin ang Pegasus. 'Oo. Dahil ang Spirit King ang hari ng buong Spirit World. Ang mga Spirit gods ay mga Gwardya lamang ng Buong Spirit World. Sila ang tagapanatili ng kapayaaan sa aming mundo. Samantalang ang Spirit King ang namumuno sa amin.'

'Ang mga Spirit gods ay tinatawag nating Spirit god dahil sila ang pinakamalakas ng Spirit dito sa ating mundo. Pero sa Spirit World, pangkaraniwan lamang sila.' Dagdag ni Master.

'Kaya pakiusap. Kung maaari, kunin mo ang Korona. Pero kung hindi mo kaya ay ayos lang sa akin. Sa bawat hakbang mo palapit sa korona ay mararamdaman mo ang lakas nito kung kaya't kapag hindi mo kinaya, ayos lang sa akin.' Sabi sa akin ni Master Val.

Naiintindihan ko ang gustong sabihin ni Master. Sa tagal niyan nandito sa mundo ay naging Spirit siya. Alam kong matinding kalungkutan ang nararamdaman niya dahil sobrang tagal niyang nag iisa sa Kwintas na ito.'Sige po. Susubukan ko pong kunin.' Sabi ko sa kanya.

Nang makalapit na kami sa ilog ay lumipad ang Pegasus papunta sa itaas ng ilog. Itinapat niyo ang kanyang katawan sa sinag ng araw na tumatama sa ilog. Nang ibinuka nito ang kanyang pakpak, ang mga lumulutang na mga dahon sa ilog ay unti unting nagtipon tipon.

Nagsama sama sila sa isang parte at nakagawa ng isang mahabang nakaran papunta sa gitna ng ilog.

'Pumunta ka na doon sa gitna ng ilog.' Sabi niya.

Tumango ako at humarap muli sa daan na nakita ko. Dahan dahan kong inihakbang ang aking mga paa sa mga dahong ito. Pag apak ko ay parang lumulutang ako sa ibabaw ng tubig. Bawat hakbang ko sa mga dahong ito ay nakakagawa ako ng mga maliliit na mga alon sa paligid ng aking mga paa.

Naglakad na ako papalapit sa gitna ng ilog. Matatanaw mo na mayroong isang upuan sa gitna na nababalot ng napakaraming dahon at sanga. Para bang ang buong upuan ay gawa mismo sa sanga at dahon. Nang makalapit ako doon ay may nakita akong isang korona.

'Master Val, mayroong korona dito.' Sabi ko.

'Iyan ang Bemeroth. Isuot mo sa iyong ulo. At umupo ka sa upuan.' Sabi niya.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa upuan. Inabot ko ang korona at isinuot sa aking ulo. Pagkasuot ko ay para bang sasabog ang aking katawan. Bigla akong nabalot ng init. Nagliliwanag na din ang aking katawan dahil dito.

Tinangka kong tanggalin ang korona pero hindi ko ito matanggal.

'Ugh!!'

'Huwag mong tanggalin Kid! Hindi siya matatanggal. Diyan natin malalaman kung makukuha mo ba ang Bemeroth o hindi.' Sigaw ni Val na nagtanggal ng pag aalala sa aking sarili.

Umupo na ako sa upuan na gawa sa sanga't dahon.

Biglang nakaramdam ako ng kakaibang lakas. Parang isang pwersa na nakagawa ng isang mahinang pag alon sa tubig na nakapaligid sa akin.

Ang mga dahon at sanga na nakabalot sa aking inupuan ay natanggal. Lumabas ang totoong itsura nito. Gawa ito sa ginto at may malambot na upuan. May mga ibat ibang dyamante na nakakakalat sa ibang parte ng upuan na masasabi kong isang trono.

'Tanging ang taong may pusong walang pagdududa at pag aalinlangan lang ang makakakuha ng Bemeroth. Ang Bemeroth ay nakakakilala sa Haring pagsisilbihan niya. Siya lang ang nakakakilala dito. Malalaman natin ngayon kung ang batang iyan ba ang makakakuha ng Korona.' Sabi ng Pegasus kay Master.

Ipinikit ko ang aking mga mata sa pwersa na aking nararamdaman.

Unti unting nakakaramdam ako ng init sa aking kaliwang pulsuhan sa kamay.

'Aaaagghrrrrhg!!!!" Sigaw ko.

Nararamdaman ko na parang may nauukit sa aking laman na kung ano. Napansin ko rin na unti unti ring nawala ang Bemeroth na nasa aking ulo.

Sa sobrang sakit na aking naramdaman ay nawalan ako ng malay.

'Kid!'

May mahina akong naririnig na boses. Kaboses ito ni Val, ang Master ko.

'Kid! Gising!' Sabi niya.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang nag aalalang mukha ni Val at ang Pegasus.

Bumangon ako sa aking magkakahiga.

'Ano pong nangyari master?' Tanong ko.

'Hindi ko rin alam eh. Hindi ko na makita ang Bemeroth sa iyong ulo. Hindi ko alam kung natanggap ka ng Bemeroth bilang tagapagmana niya.' Sabi niya.

Nalungkot ako sa aking narinig. Ito ang unang beses na nabigo ko si master. Pero napahinto ako sa aking pagiisip nang lumapit sa akin ang Pegasus.

Lumapit ito sa akin. Nagtaka ako sa kanyang ibinilos kaya napaatras ako. Nang makatapat ako ay nagbow siya sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

Nagtaka ako sa kanyang ikinilos. Anong nangyayari? Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang aking katawan dahil sa dumi sa aking damit. Pag angat ko ng aking kamay ay may nakita akong isang marka ng korona sa aking pulsuhan sa kaliwang bahagi ng aking kamay.

Nagtaka ako sa aking nakita.

SpiritsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt