Epilogue

9.4K 212 84
                                    

Aria's PoV


"I'm back U.S.!" Sigaw ni Caden pagkalabas pa lang naming sa eroplano. Tinapik ko siya kaya napalingon siya sakin, sobrang lapad ng ngiti niya. Ang sarap titigan. Hinawakan niya kamay ko at dumiretso kami sa airport para kunin yung mga bagahe namin. Pagkatapos naming makuha yung mga bagahe namin ay lumabas na kami para hanapin yung magsusundo saamin na dalawa pero hindi nagtagal ay nakita na namin yung driver nila Caden, pinasakay na agad kami dun sa kotse habang inaayos niya yung mga bagahe namin sa likod. Nakatingin lang ako sa labas habang inaadmire ko yung kagandahan ng U.S. Noon pa talaga ako nangangarap na makapunta sa ibang bansa. Ngayon, totoo na to! Nakatungtong na ako sa di---

Chos.

"Mahal." Tawag saakin ni Caden.

"Po?" Tumingin ako sakanya. Di pa rin nawawala yung mga ngiti sa labi niya, masayang masaya talaga siya na nakabalik na siya dito sa U.S.

"Andito na tayo." Bulong ni Caden kaya napatingin ako sa labas at nakita ko ang napakalaking bahay na nasa mismong harap namin. Di na ako magtataka kung bakit malaki ang bahay nila, sobrang yaman eh.

"Andito na tayo Sir, Madam." Napatingin ako sa driver.

"Ay Pilipino ka din pala manong" Tumawa siya.

"Opo." Ngumiti siya. "Sige na mauna na po kayo sa loob. Kukunin ko pa mga bagahe niyo, hatid ko na lang sa kwarto niyo." Dagdag pa ni manong. Lumabas na kami ng kotse at sumunod naman si manong para kunin yung mga bagahe naming.

"Salamat." Pagpapasalamat ni Caden.

"Walang anuman sir!" Maligayang sabi ni manong. Tiningnan ako ni Caden kaya tiningnan ko din siya.

"Tara sa loob." Tumango ako at inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa bahay nila. Sinalubong kami ng mga katulong doon at binate kami habang nakangiti sila ng sobrang lapad. Nakakatuwa pala na nagging sobrang yaman eh no? Pero kontento na ako kung ano meron ang pamilya ko. Nauna ng tumaas si Caden habang ako tinour pa ako nung isa sa mga katulong nila bago ako sinamahan papunta sa kwarto ko.

"Madam dito na po kwarto mo." Nginitian ko yung katulong habang pinag buksan niya ako ng pinto.

"Salama—" Papasok na sana ako kaso nakita kong nakahiga sa kama si Caden kaya napalabas uli ako. "kwarto ko po ba talaga to? Bat andito si Caden?" Natawa naman yung katulong. Bat siya tumatawa?

"Sa isang kwarto lang po kayo matutulog. Bilin mo yan samin ni Mrs. Castro." Napanganga ako.

"Ah ehh.. Sige hehe. Salamat." Tumango siya at umalis na. Pumasok na lang ako at sinara ko yung pinto.

"Oh hi roommate hahaha." Umupo siya at tiningnan niya ako.

"Roommate mo to." Natawa siya.

"Anlaki naman netong kwarto tas isa lang yung kama?" Pagpaparinig ko habang inoobserbahan ko yung kwarto.

"Eh ano ngayon?"

"Magtatabi talaga tayo?" tumango siya. "Eh hindi pa nga tayo kasal magtatabi na agad tayo." Natawa naman siya.

"Siyempre, excited magkaroon ng apo sila mom." Nagulat naman ako sa sinabi ni Caden. "Hahahahaha, naniwala ka naman" aba at tawang tawa siya =.=

"Alam mo, sarap mong batukan ng mga sampu."

"Hahaha, then do it." I rolled my eyes.

"Pssh." Binuksan ko yung pintuan papuntang terrace at tiningnan yung langit. Mag gagabi na, napaka ganda ng sunset. Sarap panoorin.

I sighed.

"Homesick?" Napatingin ako ki Caden sa tabi ko at binalik ko yung tingin ko sa papalubog na araw.

"Nope, Inaadmire ko lang yung sunset." Narinig ko yung paghinga niya ng malalim.

"Aria Sy.." Tumingin ako sakanya, Timing na lumubog na yung araw at lumamig ang simoy ng hangin.

"Ano yun?" Tiningnan niya ako at hinawakan niya kamay ko at tumingin sa malayo.

"Handa ka na ba sa panibagong hamon satin ng ng tadhana?" Tiningnan niya ako at napangiti ako at hinalikan ko siya sa labi.

"I'm always ready."

A/N
Waaahh!!! Tapos na story namin T_T Salamat sa supporta niyo <3 mahal na mahal ko kayo <3 sobra <3


My Ex's Revenge (Under Editing)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα